xv.

258 17 0
                                    

» xv. what

"Nanakawan ako, tayo. Yung lahat ng perang pinadala mo para sa'min, nanakaw." pagkasabing-pagkasabi niya nun, nabitawan ko yung cellphone ko. 

Di ako makapaniwala sa sinabi ng kapatid ko. Jinojoke time ba niya ako? Teka nga, ulitin natin yung sinabi niya. 

"Ninakawaan ako, tayo. Yung lahat ng perang pinadala mo para sa'min, nanakaw." 

Ha-ha-ha. Ulitin nga natin ulit. 

"Ninakawaan ako, tayo. Yung lahat ng perang pinadala mo para sa'min, nanakaw."  

Wait. Isa pa. 

"Ninakawaan akotayoYung lahat ng perang pinadala mo para sa'minnanakaw." 

Loading pa ako eh. 

"Ninakawaan akotayoYung lahat ng perang pinadala mo para sa'minnanakaw." 

Putang--!!! Argh, nakakainis! Nanakaw?! So wala na yung perang pinaghirapan ko?? Ang laki na nun eh. Tiniis ko nga lahat para pagipunan at ipadala sakanila yun tas ngayon, ninakaw?? Saan na ako kukuha ng ganung pera? Ano, back to square one na naman?? Pagod na ako eh. 

"April, di mo ba kukunin yung phone mo?" tanong nung katrabaho ko pero di ko siya pinansin. "Okay. Akin nalang 'to ah." sabi pa niya at kinuha yun pero kinuha ko din naman yun mula sakanya.

"Wag ka nga!" sabi ko sakanya na may halong irita. Paano naman kasi ako hindi maiirita diba, eh bothered pa din ako na nanakawan kami tas jinojoke niya ako? 

"Hoy april, ano'ng nangyari sa'yo?" tanong niya. 

"Wala." sabi ko, "Di mo na ako mag-tratrabaho ngayon ah? Kahit ngayon lang." niligpit na din yung mga gamit ko. 

"Bawal oy! Kung gusto mo, ikaw mismo mag sabi kay manager." 

"Favor? Ikaw nalang mag-sabi oh please. Ngayon lang talaga toh, bye!" sabi ko at tuluyan ng umalis. 

Nang makalabas na ako dun, di ko alam kung saan pupunta kaya nag-lalakad na lang ako kahit saan. 

"Ang laking problema naman neto, leche!" sabi ko sa sarili ko. 

"Tangina. San na ako kukuha ng ganun ka laking pera??" 

"Tiniis ko lahat para dun. Para din matulongan ang kapatid at magulang ko. Di nga ako makabili ng sariling merchs at albums ng bias group ko dahil pinag-iiponan ko yun. Di din ako maka-attend ng concerts nila dahil pinag-iponan ko yun. Kailangan ko pa maging makapal ang mukha para mag-palibre ng kung ano-ano kay Yaj kasi inipon ko yun. Nagtrabaho ako sa spoiled at malditang Sheena na yun para mag-ipon. Tas ngayon, mapupunta lang pala lahat ng pag-titiis ko sa wala??"

"Aba, nasaan ang hustisya?? Nakakainis!" kulang nalang talaga, sabunutan ko yung sarili ko. Nang kinakausap ko yung sarili ko habang naglalakad, may nakita akong maliit na bato kaya kinuha ko ito at binato sa di ko alam na direksyon. Kung may matamaan man nitong bato, bahala na si batman. 

Napatakip ako bigla sa bibig ko dahil may natamaan nga dun sa batong inihagis ko. Oh my god. :o 

Fanzoned: Just a fangirlWhere stories live. Discover now