xvii.

289 20 2
                                    

» xvii. comfort 

Pinunasan ko yung mga luha ko. Aish, bat ako umiiyak?! Dahil lang sa sinabi nila kanina? Alam ko naman kasi na isa lang akong fangirl pero bat hindi ko matanggap? Argh. Ang gulo ko. 

Teka nga. Pwe! Ang OA ko na talaga! "April, huwag ka ngang umiyak! Di bagay sa'yo!" i said to myself habang pinupunasan pa din yung luha ko. 

Just when i remembered na may isa pa akong problema. Nanakawan pala kami. Anubayan, bat sunod-sunod yung malas na dumating sa'kin?! Naman oh. Ganito na ba ako ka malas? 

Bigla naman nag-ring yung phone ko at may natanggap ako na message mula kay Yaj. 

From Yaj: Hoy nasaan ka? Nandito ako sa food chain where you work. Di ka daw nag-trabaho kanina? 

Mareplyan nga 'tong isang 'to. 

To Yaj: Nasa galaxy ako, sa may asteroid belt. 

Tatawa na sana ako ngayon dahil sa baliw kong reply kaso, di ko alam pero di ko feel mag-joke time ngayon. Kahit hapon na, bumalik nalang ako sa food chain kasi baka nandun pa si Yaj. 

Maya-maya lang din, nakarating na ako at tama nga ang hinala ko. Nandun si Yaj. Umupo naman ako kung saan siya umupo. "Annyeong, april~" bati niya sakin. Ngitian ko siya sabay sabi ng, "Hello." 

"Hey okay ka lang? Bat ka nakatulala jan at bakit namamaga yang mata mo?" tanong niya.

"Ginawa ko kasi yung ice bucket challenge tas ang lamig pala nun noh?" wala sa katinuon at nakatulala kong sabi. 

"Malamang ice yun eh kaya malamig talaga---teka nga, anong konek nun sa tanong ko sa'yo?" 

"Wala." diretso kong sagot sakanya.

"Yun naman pala eh. So ano ngang nangyari sa'yo?"

"Nag-propose si bias. Ipapakasal na kami bukas." sabi ko habang nakatulala pa din. Binatokan niya naman ako.

"Aray!" sabi ko pa at tinignan ko siya ng masama. Masakit kaya yun. T^T

"Umayos ka nga! Ano ba talaga ang nangyari?" seryoso niyang sabi. Wow nagseseryoso din pala 'to? Pfft. 

"Magtatanan na kami ni bias." pagkasabing-pagkasabi ko nun, napa-facepalm siya.

"April. Isa.." sabi niya at siya naman yung tumingin sakin ng masama.

I sighed, "Dalawa.. tatlo. Marunong akong mag-bilang."

"APRIL NAMAN EH" sigaw niya kaya napatingin yung ibang tao sa amin. Sumenyas naman yung isa sa mga katrabaho ko na wag daw kaming mag-ingay.

"Eh kasi.."

"Ano?!"

"Ang ganda ko na eh hashtag ganda problems na ituu." sabi ko. "Trending na nga yang april ganda problems eh." sabi ko pa pero tinaasan lang naman ako ng kilay ni Yaj.

"Okay, okay. Sasabihin ko na." sabi ko. Alin kaya yung uunahin kong sabihin? 

"Nakita ko kasi si bias. Actually, sinundan ko sila ng exo." sabi ko. I choosed na ito muna yung unahin kong sabihin sakanya. 

Wala namang nagbago sa expression ni Yaj. 

"April, seryoso nga kasi." sabi pa niya. 

"I'm serious okay." wow english, "Di ako nag-iimbento. Sinundan ko sila sa di malaman na dahilan pero nakita ako nila baek at luhan. Napagkamalan pa nila akong sasaeng. Di nga nila ako pinaniwalaan na isa lang akong ordinaryong fangirl. Sabi pa nila sinungaling ako kasi nga sasaeng daw ako. Masakit sa part ko na di nila ako pinaniwalaan. Pero alam mo kung anong mas masakit? My bias slapped me with reality. Hindi literal na slap pero he let me realize na i'm just a fangirl. Nothing more, nothing less. Siya na mismo ang nag-sabi sakin nun, Yaj and i hate the fact that it hurts, alot." 

"Jinjja?" Napatakip nalang si Yaj sa bibig niya and don't exactly know what to say. 

"Look. I don't exactly know what to say and oh my god, i'm speechless. It's just that, I know that our bias is a person we love but will never be ours. Number one reason why? kasi hindi nila tayo kilala. They don't even know if we exist. Truth hurts, i know. Eventhough you've seen or talked to them, they still don't know you. They don't know na nag-eexist pala ang isang April." 

"I know right, i know." sabi ko at yinakap nalang ako ni Yaj. Naiiyak ako pero ayaw kong maging ma-drama. "Kasi naman eh, nakakainis! Dapat kasi hindi ko nalang sila sinundan." 

"Pero tama din yung ginawa mo kasi kung hindi, hindi ka gigising sa realidad."

"Nakakainis naman yang realidad na yan eh! Pero Yaj, may isa pa akong problema at di ko alam kung paano ito so-solyusyonan. Ang malas ko lang eh." 

Fanzoned: Just a fangirlWhere stories live. Discover now