CLTCL - 27: Daniel Padilla's Point of View

5.9K 74 7
                                    

Daniel Padilla's Point of View



"Daniel please. Wag na wag si Kathryn. Sinaktan niya ko ng lubusan..." Sabi sa'kin ni Enrique habang mugto yung mga mata niya.


'Yan ang mga sinabi ng matalik kong kaibigan. At bilang kaibigan? Sinunod ko.


Nung araw na sinabi niya sa'kin yun? 'Yun din sana ang plano kong umamin sa kanya sa rooftop pero nakita ko si Enrique na galing dun at luhaan.



"Enrique? Ano nangyari sayo? Ba't ganyan mukha mo?" Tanong ko sa kanya nun.


"Pare busted." Hah?


"Kanino?"


"Umamin na ako kay Kathryn Pare." Enrique.


"Oh? Eh bakit parang natalo ka sa pustahan sa mukha mo?" Umamin na siya. Tapos ako sinusuportahan ko pa rin tong best friend ko. Kahit alam ko namang mahal ko rin yung babaeng 'yun.


"May mahal siyang iba."


"May mahal na iba? Madami pa diyan sa tabi tabi malay mo hindi talaga kayo para sa isa't isa." May mahal na siyang iba?


"Pero sa kanya ko lang to naramdaman at sa kanya lang din ako nasaktan ng ganito."


"Enrique ganyan talaga ang buhay minsan sawi minsan hindi."


"Pero Daniel, promise me wag na wag si Kath sinasabi ko yan sayo as a best friend." Enrique.



Sa mga sinabi na yun ni Enrique parang gumuho ang mundo ko. Hindi na ako nakapag-salita nung sinabi niya yun sa'kin.


"Kuya? Okay ka lang? Umalis na siya..." JC. Alam niya na may gusto ako kay Kathryn. 4 am na ng umaga.


"JC tama ba yung ginawa ko?" Tanong ko kay JC.


"Bakit kasi Kuya sinunod mo si Kuya Enrique? Eh best friend mo lang naman siya? Tingnan mo ngayon mas doble pa ang nararamdaman mong sakit nung umamin siya sayo at nalaman mong ikaw pala yung tinutukoy niya na mahal niya.." JC.


"Pabayaan na natin JC nagawa ko na eh."


"Kuya gumawa ka ng paraan. Diba mahal mo siya? Patunayan mo sa kanya habang 'di pa huli ang lahat. Pwede mo siyang sundan." JC.


"Pagiisipan ko. Pwede bang iwan mo muna ako mag-isa?" Umalis naman agad si JC at sinara ang pintuan.


Kasalanan ko alam ko. Kasalanan ko kasi mas inuna ko pa ang iba keysa sa taong mahal na mahal ko. Nakita ko noon si Kathryn nung first day niya sa school.

Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon