CLTCL 21 ❤
Kathryn's POV
Ginising ko siya para pumunta na siya sa guest room.
"Daniel...."
"Hmm.." He opened his eyes.
"Punta ka na sa guest room hindi naman na siguro magkaka-kidlat."
Tumayo naman siya agad, "Okay ka na ba?" Tanong niya sa'kin.
"Okay na okay. Sige na ituloy mo na yung tulog mo sa guest room."
"Sige." Tapos umalis na siya.
Habang nag-luluto ako ng umagahan naming dalawa napaisip ako.
Bakit kaya nag-stay pa siya matulog kahit alam niyang tumigil na yung ulan?
Hay ewan ko...
"Good morning." Bati niya sa'kin.
"Good morning din! Breakfast is ready!" Tapos ngumiti ako.
Umupo naman siya agad, "Papasok ka ba?"
"Nope. Bakit?"
"Tara sa playground mamaya ang boring eh." Daniel.
"Sige pero sa isang kundisyon."
"Ano naman yun?" Daniel.
"Libre mo ko! Hehehe."
"Oo na." Daniel.
Habang kumakain kaming dalawa bigla siyang nagsalita.
"Umamin na pala sayo si Enrique." Sabi niya sa'kin.
"Oo. Sorry kasi sinaktan ko siya alam kong galit ka rin sa'kin kasi bestfriend mo siya."
"Ako galit? Hindi noh. Siguro naawa ako sa kanya ngayon pero wala sa'kin yun. Kasama sa buhay ang masaktan." Daniel.
Natapos na kaming kumain naglalakad kami ngayon papuntang playground.
"Kathryn...." Daniel.
"Oh?"
"Nasubukan mo na bang mag mahal sa taong hindi ka sure na mahal ka rin?"
"Siguro. Bakit?" Ikaw kasi yon eh.
"Wala lang."
Nung nakarating na kami sa playground. Basa pa kasi diba umulan kagabi.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Thing Called Love
FanfictionSa henerasyon na 'to kapag may crush ka para kang hindi makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso mo sa maliliit na bagay na konektado sa kanya. Pero paano kung ayaw mo na ituloy ang iyong nararamdaman dahil alam mong wala ka naman pag-asa sa kany...