KATHRYN'S POV
Ang sakit ng ano ko.... Ng likod ko nahulog kasi ako kanina sa kama tapos puyat pa ako kasi late ng umuwi si Daniel kagabi. Nagkwentuhan kasi kaming dalawa, about 'yung mga nangyari noong wala siya. Sabado ngayon wala akong pasok sa trabaho, pero aalis pa rin ako ng bahay para i-meet ang wedding planner sa kasal namin. Kumakain ako ng umagahan ng may nag-doorbell, binuksan naman ni manang 'yong gate para papasukin siya. Kaming dalawa nalang kasi ni manang ang andito sa bahay, nasa Canada na kasi sila Mommy at Daddy pero uuwi sila before ng kasal ko.
"Ang galing talaga ng mapapangasawa ko, kumakain pa lang, e ang usapan susunduin ko siya ng 9 o'clock. Anong oras na kumakain pa rin? Hanga talaga ako sa'yo, babe. Tsk, tsk." Umiiling siya habang sinasabi 'yon.
"You want to eat?" Nakangiti kong sabi sa kanya.
"I already ate my breakfast because I thought you're already prepared and ready to go." Daniel.
"Konti lang sana kakainin ko, e ang sarap kasi ng bacon kaya napatagal ako kumain. Sorry. Mag-aayos na ako." Inayos ko na 'yung pinagkainan ko, nilapitan ko siya at hinawakan ang dalawang kamay niya, "Galit ka ba, huh?"
Hinila niya ako at niyakap, "I'm not mad, sige na mag-ayos ka na."
---
Nakarating kami sa coffee shop kung saan im-meet 'yung wedding planner, "Nasaan na 'yung wedding planner? Kanina pa tayo naghihintay dito." Tanong sa'kin ni Daniel.
"Mal-late daw siya."
Kinuha niya na lang ang left hand ko at pinaglaruan, "Dj masakit." Kinukurot niya kasi 'yung mga daliri ko. Napatingin ako sa kanya ng isa-isa niyang hinalikan ang mga daliri ko, "Ano ba, Daniel." Hinihila ko 'yung kamay ko kaya lang ayaw niya talaga bitawan.
"Can I hold your right hand?" Daniel.
Tiningnan ko siya ng masama, "No. Baka kung ano nanaman gawin mo."
"Wala akong gagawin. Just let me see and hold your right hand." Inistrech ko naman 'yung right hand ko sa kanya, tiningnan ko lang siya kung ano ang gagawin niya. Hinawakan niya 'yung ring na binagay niya sa'kin nung nag-propose siya, "Mapapalitan na 'to ng wedding ring." Sabi niya.
"Paano kung hindi ako nagsabi ng 'I do'?" Niloloko kong sinabi sa kanya.
Tiningnan niya ako ng masama, "Baka mapatay ko lahat ng umattend sa kasal natin kapag nangyari 'yon."
Nagulat naman ako sa sinabi niya, "Bakit--"
"Sorry guys I'm late." Singit ni Michelle.
"Okay lang!"
"Sorry talaga, 'yung anak ko kasi umiyak bago ako umalis ng bahay kaya natagalan ako." Michelle.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Thing Called Love
FanficSa henerasyon na 'to kapag may crush ka para kang hindi makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso mo sa maliliit na bagay na konektado sa kanya. Pero paano kung ayaw mo na ituloy ang iyong nararamdaman dahil alam mong wala ka naman pag-asa sa kany...