Vol. 7 Code Sixty Five: "Slashes to Ashes, Dust at Dusk"

516 38 16
                                    

Code Sixty Five: Slashes to Ashes, Dust at Dusk

*****

Madalas akong managinip.

At sa mga panaginip ko, parati kong nakikita ang isang batang lalaki.

Ginintuan ang kulay ng kaniyang buhok...

At kasing ganda ng asul na langit ang kaniyang mga mata.

Ngunit sa likod ng maamong asul na mga mata na iyon...

ay ang libo-libong kaluluwa na naghuhumiyaw mula sa kawalan.

Taglay ng batang iyon ang nakakasindak na kapangyarihan, sapat upang matapatan niya ang antas ng langit at ng lupa.

Lubhang nakakatakot.

"Pagkawasak ang dala ng batang ito." ang sabi ko sa aking sarili.

Ngunit...ano ito?

May isa pa akong nakikita.

Isang liwanag.

Nakatago sa loob ng batang 'yon...ang isang liwanag.

------

Iminulat ni Maria ang kaniyang mga mata matapos ang ilang oras ng tahimik na pagninilay niya sa labas kung saan tanaw niya ang malawak na karagatan ng Arhath. Hindi magtatagal at mararating na ng barkong sinasakyan nila ang lokasyon na itinuro ng kaniyang pangitain -- ang lokasyon kung saan naroon ang hinahanap nilang bahagi ng nawawalang Banal na Salita.

"Ang Code..."

Mayamaya pa'y lumapit sa kaniya ang anghel na si Yahoel para ipaalam sa kaniya na malapit na sila sa kanilang destinasyon.

"Maghanda ka na, Maria." ang sabi ng anghel. "Ilang sandali na lang at makakarating na tayo sa destinasyon natin."

Tumango si Maria bilang tugon. Ngunit nanatiling nakapako ang kaniyang tingin sa malayong isla kung saan daraong ang barkong sinasakyan nila.

"Naroon siya..." wika ng dalaga sa anghel. "Ang bata..."

Bahagyang nagitla si Yahoel sa kaniyang narinig.

"Ang Decipher? Kung ganoon, naroon din ang traydor na si Grau?"

Walang pagtugon na ginawa si Maria. Bagkus ay ipinikit lang nito ang kaniyang mga mata. Hindi naman nag-aksaya ng panahon si Yahoel at agad na naghanda ng plano para sa pagkakataong makuha ang Covenant Code at ang Decipher ng sabay.

"Ito na ang pagkakataong hinihintay ko para makabawi sa lahat ng kapalpakan ko. Sisiguruhin ko na sa pagkakataong ito ay makukuha ko ang Decipher at ang Covenant Code!"

Samantala...

Kasabay ng paglubog ng araw ay ang masigabong palakpakan ng mga kalansay para sa pag-uumpisa ng inaabangan nilang pagtatanghal na gagawin para parangalan ang kanilang kapitan.

Code ChasersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon