?

1.2K 13 1
                                    

Walang nakaka alam

Hayaan nyo akong ilahad sa inyo ang kwento ko
Kung saan ako, ako ay nagmahal ng taong hindi ako gusto
Tara simulan na ang istorya
Akala ko nung una tayo talaga
Pero may hihigit pa pala
Naalala mo ba na may tropa kang babae na iyong iniwasan
Sapagkat may hindi kau pagkakaintindihan
Kaya ako, ako na ang gumawa ng paraan para kayoy mag pansinan,
Para lahat tau ay maging masaya at sabay sabay mag tatawanan
Alam mo ba na gusto kita
Nahihirapan akong makita kang hindi masaya
Kaya ako na ang nakiusap
Para kau ay mag usap
Upang makita kong muli sayong mga labi
Ang ngiti na matagal mo ng kinikimkim
Ngunit simula ng mag kaayos kau
Nakalimutan nyo na, na meron pa ako
Habang nakikita ko kayo Nasasaktan ako
Kasi sobrang saya nyo
habang ako na oop na lang sa mga pinag uusapan nyo
Naalala ko ako palang may gusto nito
Nakayong dalawa ay magkaayos
Pero boy kilala mo pa sana ako
Kilala mo pa sana ako na naghihintay sau
Kilala mo pa sana ako, na ako ung nandyan sau
Pero mukang inde na
sapagkat masaya na kaung magkasama
Nakalimutan niyo na, na meron ako na nan dito pa
Alam mo ba na gusto talaga kita?
Alam mo ba na akoy nagdudusa?
Alam mo ba na pagod na ako?
Pagod na akong magpagap na masaya kahit durog na durog na
Pagod na akong magalit sau pero di kita kayang saktan
Kaya sa luha, sa luha ko binuhos lahat, lahat ng sakit
Lahat ng galit dahil sa luha lang kayang ipilit
Ito pala ang kapalit, kapalit ay sakit
Pagod na akong masaktan
Pagod na akong umiyak na ikaw ang dahilan
Pagod na akong isigaw ang iyong pangalan
Pagod na akong lumaban
Pero lahat ng yan inetchapwera ko
Sapagkat kahit anong pagod akoy nakakapit pa rin saiyo
Ni minsan di ko nagawang magalita sayo
Nandito ako pero pinagtutulakan mo parin ako
Sa taong hindi ko naman gusto
Nandito ako pero iba pa rin ang hinahanap mo
Alam mo ba na minsan gusto kitang hagkan?
Alam mo ba na minsan gusto ko rin maranasan na ako ang hahawak sa iyong mga kamay?
Alam mo ba na gusto ko rin ako yung iyong makakwentuhan?
Alam mo rin ba na gusto ko sabay din tayong magtawanan?
Alam mo ba lahat? Kasi sabiko nga wala namang nakakaalam.

Tagalog spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon