Marupok ako

661 11 0
                                    

Marupok ako
Sabawat ngiti mo
sa bawat galaw mo
at sa mga salitang binibitawan mo
at sa amoy mong nakabisado ko
Marupok ako
Sa bawat parte ng katawan mo
akoy nabibighani sayo
marami akong nakitang mas higit sayo
marami akong kakilala na mas okay sayo
Pero sayo pa rin talaga ako nagiging ganito
Ikaw ang dahilan ng kasiyahan ko
At ikaw din pala ang sisira nito
Mabilis akong nahulog sayo
Ngunit di ko alam na lalo mo pala akong masisira
Dahil narinig ko mula sayo kung ano ako sayo
At ang sagot mo ang dumurog sa puso ko
Dinurog mo sa milyong milyong piraso
Kaibigan mo lang pala ako
Pero kahit ganon higit pa dyan ang nakikita ko sayo
Dahil di lang naman kita gusto
Mahal kita at kaya kong sumugal sayo
Pero sa tingin ko hindi na ako susugal
Dahil sa bawat sugal ko
Mas lalo akong nasasakal
Hindi na ako susugal
Dahil alam kung may nakakuha na ng premyo
Oo meron na nga at sya ang nakasungikit kinakamit kong bandila
Nakita ko naman kung gaano ka kasaya
Nakita ko naman na mahal mo rin sya
Kaya hahayaan na kita
Papalayain na kita
Pasensya na pinilit ko kasi ung sarili ko kahit sugatan na
Uu marupok ako inaamin ko
Ngunit pagod na pagod na ako tatapusin ko na ang tungkol sayo
Ako ang nagpapasaya sa iyo pero di ko mapasaya ang sarili ko
Tama nga sila kahit gaano ka kasaya
Kung di mo na kaya babagsak at babagsak ka
Tapos na ang lahat sa atin teka wala palang namagitan sa tin illusyon ko lang talaga yun
Alam ko na masaya ka na di na kita aabalahin pa
At dahil marupok ako bumalik ka man tatanggapin pa rin kita pero kung tapos na ako pasensya kahit isang sentimo di mo makukuha
Paalam na sa masasayang alaala
Paalam na sa mga asaran na nagkapikonan
Paalam na sa kwentuhan nating dalawa
Paalam na sa ating dalawa

Tagalog spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon