bat hindi ako?

443 8 0
                                    

Bat hindi ako?

Minsan napapatanong ka na lang
Bat hindi ako
Ako naman yung nandito
Pero bat hindi ako
Matagal naman taung nagkasama
Pero bat hindi ako
Kasi ba maganda siya
Kasi ba maganda ang pangangatawan niya
Kasi ba nakakaakit siya
Ahhh alam ko na kasi siya talaga
Hindi sa maganda siya
Hindi sa maganda ang pangangatawan niya
Hindi sa nakakaakit siya
Kundi mahal mo siya
Pasensiya na ganito lang ako at di kagaya niya
Siya kung tumawa napakaganda
Ihalintulad mo pa kay maria clara
At kung siya ay pomorma mala koreana
Eh ako tawa palang born to be wild na
Tsaka simple lang manamet nagmumuka pang basura
Pero paano naman ako
Ako ung nandyan nung mga panahong nag aaway kau
Ako naman ung nasandalan mo nung mga panahong may hindi kau pagkakaintindihan
Ako ung nandyan para i cheer up ka kasi di mo na kaya
Ako ung nandyan nung mga panahong nang hihina ka na
Ako ung nandyan pero hindi mo parin makita
Naiisip mo ba kung kaya ko pa
Natanong mo ba kung kinakaya ko pa
Ni minsan ba inisip mo rin ako
Ni minsan ba naging prioridad mo din ako
Ni minsan ba naalala mo ako
Sa totoo lang nanghihina na ako
Sa bawat oras siya ang bukambibig mo
Sa bawat bigkas mo sa pangalan niya nasasaktan ako
Dahil ako naman ung nandito pero siya ang hanap mo
Ako naman ung nandito pero halaga pa rin niya ang nakikita mo
Ewan ko ba bat hindi ako
Pagkasama kita masaya naman tau
Kaya bakit ba hindi ako
Tama nga sila kahit gaano kau ka close
Kung hindi ikaw ang mahal niya ikaw ay talo
Pero di dito nagtatapos ang tulang toh
Gusto kong tanungin sau
Masaya ka na ba
Masaya ka na ba sa piling niya
Kasi ako hindi masaya
Dahil ung dapat oras nating dalawa oras niyo na
Ung dapat tau ang nag uusap pero mukang kau na
Ung akala ko ako na pero inde pala
Masakit ba?
Oo masakit
Masakit ung ako ung nandito pero iba ang hanap mo
Masakit ung tipong nakamulat naman ang mata mo pero parang nakatago ako
Masakit na siya ang pinili mo at hindi ako
Masakit na hanggang kaibigan lang ang turing mo
Pero mas masakit nung sinabi mong itigil na natin toh
Alam mo ako dapat un eh
Ako dapat ung kahawak mo
Ako dapat ung kasama mo
Ako dapat ung nasa tabi mo
Ako dapat ung kausap mo
Tau lang dapat ang character sa istoryang toh
Pero hindi ako ang pinili mo
Ikaw si jack mula sa titanic
Pero hindi ako si rose na iyong kinakamit
Ikaw ang prinsipe ng palasyo
Pero hindi ako ang prinsesang nakatakda sayo
Ikaw si juanito pero inde ako si camelita na gusto mo
Masakit man isipin na hindi ka para sakin
Dahil ikaw ay para sa kanya at hindi akin
Dahil pinagtagpo lang tau at si tadhana ay ayaw sa atin
Pero sana wag mo ng mas guluhin pa ang sitwasyon
Paalis na ako pero hinihila mo ako
Wag mo na akong bigyan ng dahilan para lumaban sau
Wag mong iparamdam na may tiyansa ako sayo
Dahil ikaw na mismo ang nagsabing kaibigan mo lang ako
At kung meron man sana nung una palang pinili mo na ako..
Pero hindi ehh siya ang pinili mo
Mga pangako mong pinanghawakan ko
Ay dapat ko ng bitawan toh
At kalimutan ang lahat tungkol sau
Dahil ang kwento natin ay wala ng ikaw at ako



----------------------------
Tagal tagal na rin bago ako nag update ng spoken so hope you like it hihihi love lots

Tagalog spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon