PAALAM

40 2 0
                                    


Ito na ang huli nating sayaw

Ang huling tagpo natin bago bumaba ang araw

Ang huling hawak mo sa kamay ko

At Ang huling pagsabi mo na mahal mo ko

Handa na akong pakawalan ka

Handa na akong lisanin ka

Handa na akong kalimutan ka

Ako'y Handang handa na

Di ko akalain na aabot tayo sa ganito

Pero di naman kita masisisi kung ito ang gusto mo

Gigising na ako sa mga imahinasyon ko

Ayoko ng kasing magkulong pa dito

Ayoko ng lumuha

Ayoko ng mas dumilim pa

ayoko ng magmukmuk sa sulok

ayoko ng maramdaman sa puso ang karayom na tumutusok

alam kung lahat ng ito ay pagsubok

pero bat parang ako lang ang sumusubok

mahal pagod na ako

pagod na pagod na ako

naiintindihan kita mahal

kaya ito ako handa ng magpaalam

nandito ako sa harap mo

pero hindi ka makatingin sa mga mata ko

huwag ka sanang yumuko

gusto kong Makita ang mga mata mo habang nagpapaalam ako

wala na akong magagawa pa

baka mas lalo lang natin masaktan ang isat isa

wag ka nang mag-alala ayos lang ako

maari mo na akong iwan at ikaw ay maari na ring lumayo

hindi ko na hihintayin ang paglingon mo

dahil ang nais ko ay tuloy ka lang sa paglakad mo

kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag lumingon ka pa

baka kasi tumakbo pa ako at habulin ka

bigla kong napansin

ang paglabo ng aking paningin

dahil ang luhang kanina pa pinipigilan

ay bumagsak na ng tuluyan

humakba ka na papalayo sakin

at ako ay nanatiling sayo'y nakatingin

alam kong hindi ka na masaya

alam kong hindi na ako ang gusto mong makasama

hindi mo na kailangan magpanggap pa

alam ko na ang lahat kaya hindi na kita pipigilan pa

hindi ko man gusto na lumayo ka pero mahal

salamat ngunit pinapalaya na kita...

Tagalog spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon