Epilogue

1.5K 59 8
                                    

Natapos ang party sa awa ng Diyos ay pinagtagumpay naman niya ito. Masaya din ako naging okay na din kami ni Jay at ni Luis.

"Baby girl hindi ka pa ba tutulog?" Tumingin ako kay Mommy na nasa harapan ko nandito kasi ako sa sala nasa sofa na ka upo.

"Mamaya po Mommy."

"Bakit nga pala gusto na hanggan 10pm lang birthday party mo?"

"Gusto ko lang po Mommy." Dati kasi umaabot ng 12am pero dahil may gusto ako makita kaya hanggan 10pm na lang.

"Sige anak tutulog na ako." Tumango na lamang ako naramdam ko ang paghalik ni mommy sa noo ko bago niya ako iniwang muling mag-isa sa sala.

Nakatulala lamang ako ng may narinig ako tunog na gagaling sa pinto.

Nagulat ako sa taong pinagbuksan ko ng pinto hindi ako pwedeng magka mali siya ito kahit na hindi ko na naman maaninag ang kanyang mukha alam kong siya ito alam ng puso ko siya ito.

Mabilis na lumapit na ako sa kanya't niyakap siya ng mahigpit. Hindi pa ako nakuntento at isiniksik ko ang ulo ko sa leeg nya. Mas matangkad kasi siya sa akin. Hindi naman nakaligtas sa pang-amoy ko ang natural niyang bango. Hinding hindi ako masasawa sa kanyang amoy.

"Maligayang Kaarawan aking laha" nakangiting saad nya

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mapa luha dahil kaharap ko ang taong dahilan kung bakit ang bilis ng tibok ng aking puso.

Agad naman niyang pinunasan ang aking luha gamit ng pula panyo.

"Wag ka ng lumuha, sabi ko naman sa iyo hindi bagay sa iyo ang lumuha."

"Sorry kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko kasi na miss kita."

Iyan na naman umiiyak na naman ako kaya hinawakan nya ang aking pisngi at pinunasan ang aking luha gamit uli ng pula panyo.

"Nandito na ako kaya wag ka ng lumuha, dapat masaya tayo kasi kaarawan mo kaarawan ng aking laha." nakangiting saad nya sa akin

"Salamat kasi nandito ka sa mahalagang araw ng buhay ko at kasama pa kita masayang masaya ako." nakangiting saad ko sa kanya.

"Masayang Masaya din ako. Aking laha maari kitang maisayaw sa araw ng iyong kaarawan?" Malambing na tanong nya sa akin.

Masayang Tumango ako bilang sagot.

Sumayaw kami na para bang may musika sa aming pandinig na alam kong naramdaman nya iyon. Sa mga oras na iyon ayoko na matapos pa kung na naginip ako hinihilig ko na sana wag ng matapos pa ang makasama ang taong mahal ko. Oo mahal ko siya ang dahilan kung bakit ang isang Homophobic na tulad ko ay naging open minded sa kanila kapag nagmamahal ka tatanggapin mo kung sino o ano man siya dahil ang mahalaga mahal mo siya.

Magkayakap na kami habang sumayaw ang aming bewang nakayapos ang aking kamay sa kanyang leeg at ang kanyang kamay ay nakapalupot sa aking bewang.

Nang matapos kami sumayaw nakatitigan kami masayang ngiti ang gumuhit sa aming labi.

Nilapit nya ang kanyang mukha hanggan sa maglapit ang aming noo ngumiti siya sa akin gumanti din naman ako ng ngiti hinalikan nya aking noo pumikit naman ako hanggan sa naramdaman ko ang kanyang labi sa aking labi ang aking unang halik pakiramdam ko tumigil ang tibok ng aking puso parang may nagrarambulan sa aking tyan pero masarap na masarap na pakiramdam gumanti naman ako ng halik sa kanya hindi ko alam kung ilang segundo bago namin pinakawalan ang labi ng isa't-isa.

pag mulat ng aking mata na silayan ko ang kanyang mukha hindi na malabo dahil kitang kita ko na ang kanyang mukha ang kanyang ngiti na nagpabihag sa akin

"Mahal na kita aking laha." buong pusong saad nya

"Mahal din kita aking laha."

At sa isa pang pagkakataon naramdaman ko sana muli ang kanyang malambot na labi.

BOGSSH!

"Ouch! Ang sakit!" Daing ko ng mahulog ako sa sahig nakahawak pa ako sa ulo ko. Nakatulog pala ako sa sala. umupo muna ako sa sofa ibig sabihin.

"Panagip lang na panaginapan ko na naman siya..."

"Pero naala ko na ang kanyang mukha at..." napahawak ako sa aking labi namula naman ang aking pisngi na maala ko ang aking unang halik

"ang kanyang malambot na labi na dumapi sa aking labi hindi lang iyon nag labanan kami..." lalo naman ako namula dahil dun napakagat labi naman ako.

"Oh my gosh!" Tili ko pakiramdam ko ang pervert ko pero pakiramdam ko talaga totoo talaga na hindi panaginip na totoo siya lalo na yung halikan namin.

"Oh my gosh!" Tili ko na naman napa hilamos ako sa aking mukha.

"Hi." Nanlaki ang aking mata sa boses na aking narinig, humarap ako sa boses na pinang galingan.

Hindi ko mapagilan na mapaiyak.

"Ikaw.. na ba iyan?" Nakangiting tumango sya.

"Totoo ba to' hindi ba ito pananginip?" Naramdam ko naman ang mainit na yakap nya.

"Oo laha ko." Malambing na sabi nya kaya naman napangiti ako.

"Pero okay lang ba?" Nag alalang na tanong nya.

Kumalas ako ng yakap at hinawakan ko ang kanya pisngi "Oo naman mas okay kasi nandito ka na." At sa unang pagkakataon natikman ko na ang malambot na labi nya na dati sa pananginip ko lang natitikman.

-

Maraming salamat po sa lahat ng reads, comments at votes :)

Dream Of You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon