Dream 5

1K 39 0
                                    

Sa Mundo ng Tombari ang ibig sa bihin ng mga ito ay:
Umaganda = Magandang Umaga
Aka = Asawa
- - - - - - - -

CLOWIE ROSE

Nagising ako sa tunog na gagaling sa pinto ng kwarto ko.

"Yaya mamaya na, maaga pa" inaantok na saad ko, tutulog sana uli ako ng marinig ko na naman ang tunog.

"Yaya, sabi nga mamaya na!" Sigaw ko naramdaman ko na may pumasok sa loob ng kwarto ko

"Yaya ang tigas ng ulo mo sabing mamaya na!" Nagtaklob ako ng unan sa mukha ko pero agad naman itong natangal ng may nag-alis kaya naman napamulat ako.

Oh my gosh ang bilis ng tibok ng aking puso nang masilayan ng aking mata ang kanyang mukha ang pogi nya talaga hinaplos haplos ko pa ito ngumiti naman siya sa akin dun kulang na pansin na may dimple pala siya na bumagay sa kanya pero bigla ako na hiya sa inasta ko kanina na akala ko naka balik na ko sa bahay. Kaya naman sa hiya sa ko inaalis ko ang kamay ko sa kangang pisngi at tumalikod sa kanya. Naramdaman kong lumayo siya sa akin.

"Umaganda Rose, hinihintay na tayo nila Amo sa baba nakahanda na ang atin kakainin" sabi nya sa akin hindi ko mapigilan na hindi kiligin sa kanyang sinabi na maganda raw ako. No hindi ka pwedeng kiligin rose hindi na saway ko sa aking sarili. Nang alam kong hindi na ko kinikilig ay bumango na ko sa kama at hinarap siya.

"Susunod na lamang ako tara yuan" sabi ko sa kanya tumango na lamang siya bilang sagot at lumabas na siya ng kwarto. Inayos ko muna ang dapat ayusin at lumabas na rin ng kwarto.

Hinihintay pala nya ko? Pagbukas ko kasi ng pinto nabugaran ko sya hinihintay pala nya ko.

Ngumiti siya sa akin, kaya eto na naman ang puso ko ang lakas ng tibok ngumiti din ako sa kanya.

"Punta na tayo" tumango naman ako bilang sagot. Sabay na kami bumaba sa hagdan.

Nanlaki yung mata ko ng makita ko yung mga nakahanda. Oh my gosh! Ang daming prutas, wala silang kanin pero tinapay ang nakahanda, gulay at may gatas din. Paborito ko talaga ang gulay.

"Kain ka rose, wag kang mahihiya. Kamusta ang iyong tulog?" Sabi ng hari tomboy

"Salamat po, maganda naman po tulog ko" sagot ko tumingin naman ako sa reynang bakla na nakataas pa rin talaga ang kilay nya sa akin hay na ko.

Napatingin naman ako kay Tara yuan. Ngumiti lang sya sakin gumanti naman ako ng ngiti sa kanya.

Sinimulan ko ng kumain. Sarap na sarap pa ko sa pagkain dahil puro paborito ko yung nakahandang gulay. Natigilan lang ako ng mapansing nakatingin silang tatlo sakin.

Akward naman. Nakakahiya. Kitang-kita nila kung gaano ako katakaw.

"Bakit ka tumigil hindi mo naibigan ang mga nakahandang pagkain?" Tanong ni Haring Tomboy

"Marami na siya na kain , kaya siguro busog na siya" sabi ni Reynang bakla na halatang naiinis tsk

"Naibigan ko po ang sarap nga po . At hindi pa po ako busog" sabi ko. Akala mo baklang reyna ha!

"Kain ka ng kain para sa iyo lahat yan" sabi ng haring tomboy

Tumingin naman ako kay Tara yuan tumango naman siya kaya kumain na ulit ako.

Kakatapos lang namin kumain. Nagpahinga muna kami ng konting oras.

"Amo Ino ipapasyal ko muna si Rose sa ating lugar" sabi ni tara yuan sa kanyang ama at sa kanyang ina na hindi na yata mawawala ang pagtaas nya ng kilay kapag kaharap ko siya.

"Mabuti pa nga na ipasyal mo siya, para lalo niyang maibigan ang ating lugar" sabi ng kanyang ama

"Hindi ako sangayon sa inyo sinasabi, mas mabuti pa na magisip ng paraan upang mapaalis na agad sya!" sabi ng reynang bakla! Alam kong gusto na nya akong paalis.

"Mas mabuti pa nga po. Mauna na po ako maraming salamat po Tari Juan" sabi ko sa haring tomboy

"At maraming salamat sayo Tara yuan" sabi ko kay tara yuan bakit parang ang lungkot ko? tumingin naman ako sa reyna

"Sa inyo rin po" tumungo naman ako bilang galang sa kanila bago tumalikod

"Hindi ka aalis!" Pigil sa akin ni tara yuan nang hawakan nya ang aking braso

"Hayaan mo siya! kung aalis siya hayaan mo!" Sigaw ng reynang bakla!

"Laha bakit ka ganyan makitungo sa ating bisita?" Tanong ni Haring tomboy kay reynang bakla!

"Hindi siya bisita isa siyang dayo! Na hindi dapat pagkatiwalaan!" Sabi ng reynang bakla!

"Hanggan ngayon, iyang pa din ang nasa isip mo?"

"Oo! Kailanman hindi ako magtitiwala sa isang dayo!" Dinuro pa nya ko!

Ang sakit nun kahit kailan hindi ako dinuro ng magulang ko! Kaya naman tumalikod na ko bago pa ako makapagsabi ng masakit na salita sa baklang iyon! Baka Makalimuntan ko na reyna sya! Na ina siya ni Tara yuan!

"Kung aalis ka sasama ako" sabi ni tara yuan naki nagulat ko.

"Ano?! Sasama ka isang dayo! Adliw ka!" Sigaw ng reyna

"Tahimik!" Sigaw ng haring tomboy kaya na naman tumahimik ang baklang reyna!

"Laha kung ayaw mo wala akong magagawa, dahil dito muna titira si rose, hangga't hindi pa natin alam kung papaano siya makakabalik sa kanilang lugar" mainahon na sabi ng haring tomboy kaya naman hindi na umaangal ang baklang reyna!

"Rose ako na ang humihingin ng tawad sa inasal na aking aka" sabi ng haring tomboy ang bait talaga ng hari buti dito nagmana si tara yuan hindi kay baklang reyna!

"Salamat po" sagot sa haring tomboy

"Bakit ka humihingin ng paumanhin sa isang dayo!" Sigaw ng reynang bakla!

"Dahil sa iyong inasal na hindi kaaya-aya tignan parang hindi ka nara!" sabi ng haring tomboy kay reynang bakla kaya naman hindi na ito nakaimik.

"Ngayon Ada mas mabuti muna na ipasyal mo si rose sa ating lugar" sabi ng haring tomboy kay tara yuan

"Salamat Amo, Mauna na kami" tumungo muna si Tara yuan sa kanyang ama bilang paggalang. Tumingin muna siya sa kanyang ina bago tumalikod kami.

Bumaba na kami ng tree castle.

Dream Of You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon