Chapter 12

174 11 0
                                    

NAMSHEN

Nagising ako na mas maganda. Dahil natulog ako na maganda lang.

Hindi seryoso na.

Nagising ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko kaya agad kong tinungo ang kusina.

"Ma?"

Medyo nagulat ako sa presensya niya sa kusina. Busy siya sa pag-luluto.

"Namshen anak.." Bati niya at nilapitan ako saka niyakap.

"Kailan ka pa nakabalik? Bakit parang ang bilis mo?"

"Kakarating ko lang kanina. Bakit anak? Hindi mo ba namiss si Mama?" Medyo malungkot kaya napanguso ako.

"Syempre miss na miss kita, Mama. Kung pwede lang ako sumama lalo na't na-suspend ako ng tatlong linggo." Medyo nahihiya na sabi ko.

Hindi niya pa nga pala alam. OMG!

"What?!" Napapitlag ako nang mahulog niya yung hawak niyang sandok. Patay!

"Ma, kasi.." Hindi ko natapos ng itaas niya ang kamay niya para patigilin ako.

"Wag mo ng sabihin. Mukhang alam ko na rin naman ang dahilan."

Palagi lang naman si Sydney ang dahilan kung bakit ako nasu-suspension. Wala ng bago. Ang bago lang ay masyadong matagal ang tatlong linggo.

"Ma, sorry.." Nakayuko na sabi ko.

"Don't be anak. Alam kong hindi mo sinasadya. Hayaan mo, kakausapin ko ang dean para ipatigil ang suspension mo."

"Wag na po."

"Hindi pwede. Malapit na ang Nationals at kakatapos lang ng prelim niyo. Kailangan may matutunan ka para walang masabi ang papa mo."

Hindi na ako umimik at napatango na lang.

"Woah, mama!" Mabilis na tumakbo palapit sa puwesto namin si Kuya at niyakap si Mama. "Kailan ka pa bumalik? Bakit 'di mo man lang sinabi?"

"Well, gusto ko kayo i-surprise pero mukhang ako ang na-surprise sa suspension ng kapatid mo. Three weeks? At wala man lang kayong nagawa ng Papa mo para hindi matuloy." Halata yung inis kay Mama kaya bumitaw sa yakap si Kuya at nahihiyang tumingin.

"Si Nam rin naman ang may kasalanan." Bulong niya.

"Pero dapat gumawa kayo ng paraan, naturingan na may katungkulan kayo ni Oyan pero hindi niyo napigilan ang Dean. Papaano na ang kapatid mo?" Hinawakan ko ang kamay ni Mama ng aambahan niya ng sampal si Kuya.

"Ma, ako ang may kasalanan." Pigil ko saka huminga ng malalim. "Inako ni Oyan ang suspension ko pero hindi ako pumayag dahil alam kong wala naman siyang karapatan na akuin yung kasalanan ko."

Natahimik si Mama saka napailing.
"Ginawa niya iyon?"

Tumango ako.

"Well, I guess.. I need to make a move para hindi ka tambay dito." Pagkatapos mag-salita ni Mama ay iniwan niya na kami ni Kuya sa kusina.

Yung maid na ang nag-tuloy ng luto niya.

Napailing na lang si Kuya habang nakahawak sa noo saka iniwan ako.

Tahimik kong tinungo yung kwarto ko at kinuha ang phone ko. Tinawagan ko si August.

Ilang minuto bago niya sinagot.

[ What? ]

"Anong oras ang simula ng Party?"

[ 7 PM. Sasabay ako sa inyo sa pagpunta. ]

Behind His Innocence (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon