MAQUINARIA

36 1 1
                                    

Ingay ng busina ang gumising sa aking mahimbing na pagkakatulog. Ito na ang alarm clock namin dito sa buong ciudad. Simula nung nagdaang giyera ay sabay na kaming lahat na gumising, magtrabaho, at matulog. Hindi naman kami umaangal despite sa Martial Law na pinatupad ng mga Alfuerza. Alam din naman namin na sa ikabubuti namin ito.

Dito, pantay-pantay kaming lahat. Walang mayaman, walalng mahirap. Lahat nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Mga pagkain namin, processed na lahat. Hindi ko alam kung anong proseso na ginagawa ng mga Araro sa pagtanim ng aming mga pagkain, basta ang alam ko, hindi nila hinahayaang tumubo ang mga tanim na lagpas sa dalawang talampakan. Marahil siguro sa polusyon ng hangin ngayon. Tuwing tanghali kasi, mala-berdeng fog ang nakapalibot sa aming ciudad, na mawawala naman pag patak ng alas dos.

Agad akong bumangon sa aking kinahihigaan. Tila gising na yata ang aking mga kapatid at sinimulan na ang electronic classes nila. Wala nang mga paaralan sa taong ito. Lahat ng estudyante ay sa bahay na mag-aaral. Gamit ang Closed Circuit Educational TV Monitor, mino-monitor nga mga guro sa Alfuerza ang mga estudyante, at sa hologram lalabas lahat ng mga leksyon nila.

Wala nang grade 1 to 7 ngayon. Maging High School o College ay wala na rin. Nahahati na sa apat ang educational system namin.

Alpha, ang mala-elementary na taon. Para ito sa mga edad 7-12.

Beta, ang mala-grade 7 hanggang second year high. Para ito sa mga edad na 13-14.

Charlie naman ang para sa mga edad na 14-16.

Delta naman ang pang huli. Para sa mga edad na 17. Pag tungtong ng 18, ay isasalang na sa Maquinaria.

Ito ang unang araw ng pagiging legal age ko. Tapos na ako sap ag-aaral. Ilang oras nalang ay isasalang na ako sa Maquinaria. Ayoko maging Reva. Ayoko. Ayoko.

Tinapos ko ang aking agahan. Wala munang trabaho ang mga Araro ngayon, kung saan nabibilang si Nanay. Sasamahan niya ako sa aking pagsalang. Sasama rin ang aking mga kapatid na si Erwan at Aniza. Kahit ayoko man ay di ko sila mapipilit. Gusto nilang makita ako at mapabilang sa Alfuerza. Gusto daw nila na maging guro ako, o di kaya’y mambabatas.

Nakakatawa naman isipin ang mga gusto nila para sa akin. Basta ang gusto ko, kahit Araro man o Alfuerza, basta’t di malayo sa aking pamilya.

Tahimik kaming naglalakad papunta sa Ciqlo. Quezon City Circle daw ito dati. Nasa gitna ng Ciqlo ang Maquinaria na parang Ref at kasing-laki ng garbage truck. Nandoon na din ang halos lahat ng mga taga Alcamo. Maging ang mga anak ng mga Alfuerza ay nandoon na rin. Mahahalat mo sila dahil sa mapuputi nilang mga balat. Dati silang mga maykaya, pero ngayon ay pantay-pantay na ang lahat.

Nakabukas na ang Kapitolyo para sa lahat na maisasalang sa Araro at Alfuerza. Handa naman ang isang military truck para sa mga Reva.

Tahimik ang lahat. Unti-unting lumapit papalapit sa sentro ang Punong Alfuerza, Si Sir Mateo. Kasama nito ang Head sa Technologies, si Dr. Nakuo.

Mateo: Ngayon ang nakatakdang araw sa pagsasalang ng ating mga kabataan na edad labing walo pataas. Sigurado ako na alam niyo na ang prosesong ito. Di ko na ito patatagalin pa. Reshua qu eri albequia de Maquinaria. (Simulan na ang pagsasalang sa Maquinaria)

Lumapit kaming mga nasa edad sa centro ng Ciqlo. Bilang ko, mga 20 na kaming lahat.

Unang tinawag ang isang Rouro. Anak ng isang pamilyang Araro. Pumasok siya sa Maquinaria, at kaming hat ay nakatingala sa malahiganteng monitor sa itaas ng Ciqlo. Mula sa blank screen, lumitaw ang salitang ARARO.

Tuwang-tuwa ang mga magulang ni Rouro. Agad siyang niyakap pagkalabas niya sa Maquinaria. Agad siyang pumasok sa Kapitolyo kasama ang mga Araro na magtuturo sa kanya sa mga Gawain.

REVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon