Di ko lubos maintindihan ang aking nararamdaman matapos ihayag ni Reva Taia na sa susunod na linggo na ang huling pagsasanay namin. Muli ay isasalang kami kung kami ay magiging mga explorer o Reva Guardiya. Sa dalawa, nais kong maging Reva Guardiya. Ayoko lumabas sa mga naglalakihang gate ng Alcamo. Secured ako dito. Takot ako sa mga makakasugapa ko . Takot ako sa mga makikita ko.
Ako ang huling pumasok sa aming barracks, ng mapansin ko ang trak na sakay si Reva Aaron. Lumabas ito, at tila galit na papasok sa Main Hall.
Pumasok na ako sa Barracks at nag-ayos. Pagkatapos ay lumabas ulit ako at nagpahangin habang tinitingnan ang mga Reva Guardiya. Napaisip tuloy ako, paano kaya kung isang buong army ng mga Rokus at Aquila ang lulusob dito?
“HOY ARARO!”
Sigaw ng tinig ng babae.
Lumingon ako, at nakita ko si Mina.
SAPPHIRE: Mina. Bakit.
Kalma kong sagot.
MINA: Matuto kang lumugar, Araro. Di ka dapat nakikihalu-bilo sa mga hindi mo ka-uri.
Tinignan ko na lang si Mina sa kanyang mga mata. Puno ito ng galit.
MINA: Ang mga tulad naming Alfuerza ay di nababagay sa mga tulad niyo.
Gusto ko nang sampalin ni Mina, pero pinipigilan ko.
SAPPHIRE: Mina---
MINA: Wala akong sinabing sumagot ka. Nagsasalita ang isang Alfuerza sa harap mo kaya matuto kang gumalang. Anong klaseng basura na galing sa mga Araro ang ginamit mo kay Yohan? Kilala ko ang buong pagkatao ni Yohan bago pa kami pumunta dito. Iba ang kinagisnan namin, kontra sa mga kinagisnan niyo.
Di ko na tiningnan si Mina at napa-lingon. Pilit kong pinipigilan ang sarili na labanan si Mina.
MINA: Wag mo kong iwasan! Tingnan mo ko sa mata at tanggapin mo lahat ng mga sinasabi ko sayo ng walang reklamo! HOY! Tingin sabi! BASTOS KANG ARARO KA!
Di ako nakapag-pigil. Isang malutong na sampal ang ginawa ko kay Mina.
MINA: AAAHHH! Walang modo! BASTOS KA!
Gaganti sana ng sampal si Mina pero nailagan ko ito at nasampal ko nanaman ang kabilang pisngi niya.
SAPPHIRE: BAKA NAKAKALIMUTAN MO, MINA! WALA NANG MGA ELITE NGAYON. PANTAY NA TAYONG LAHAT! WALA NANG SILBI ANG MGA PERANG NASA CARD NIYO! WALA NANG SILBI ANG MGA ALAHAS AT KAYAMAN NIYO! PAREHAS NA TAYO! ISANG KAHIG ISANG TUKA! At baka nakakalimutan mo, HINDI KA NA ALFUERZA! ISA KA NANG REVA!
MINA: HINDI! ISA AKONG ALFUERZA at mamamatay akong ALFUERZA---
SAPPHIRE: GUMISING KA NA!!! WALA KA NANG PAGPIPILIAN KUNDI SUMUNOD SA MGA REVA! DITO KA NILAGAY NG MAQUINARIA, KAYA DITO KA NA MAMATAY!
Natahimik si Mina.
MINA: Inggrata---