Kinabukasan, usap-usapan sa NAVI ang pag-alis ni Reva Aaron papuntang Kapitolyo para kausapin ang mga Alfuerza. Sabi nila, kukumbinsihin muli ni Reva Aaron ang Punong Alfuerza ang naka ambang panganib sa pag lusob ng mga Rokus at Aquila.
Noon pa ay na-inform na nila ang Punong Alfuerza sa nasabing panganib pero tila walang imik ang pinuno at naniniwalang mahihina ang mga Rokus at Aquila laban sa mga ElecroGuns.
Narinig ko sa pag-uusap nina Yohan at Mina na ilang buwan na ring pinag-aaralan ng mga Alfuerza kung papaano palakasin ang mga Solar Charges ng aming mga ElecroGuns gamit ang ReCharged Solar Panels. Parang magasin ng armalight ang hugis nito. Ngunit, di daw nila lubos maisip na totoo pala ang sinasabi ni Reva Taia.
Ang pinagtataka ko lang, bakit di nila maipaliwanag ng maigi kung ano ang basehan ng mga Reva sa kanilang konklusyon sa nasabing paparating na panganib?
Habang abala ang lahat sa kani-kanilang trabaho, kaming apat naman ay abala sa aming pag-eensayo. Sa aming apat, silang tatlo lang ang lumalamang sa puntos sa bawat ensayo. Habang ako, kulelat.
REVA TAIA: Kailangan mong humabol, Sapphire!!
Wala akong naisagot. Kinakapos pa rin ako ng hininga matapos suungin ang half obstacle course, na mostly ay para sa cardiac endurance.
Sa pangalawang round, sabay kaming apat na susuong sa half obstacle course sa loob lamang ng dalawang minuto.
Nakahanay kaming apat sa Starting Line. Silang tatlo, determinado talaga sa pag-eensayo.
Tumunog ang alarm at sinimulan na ang pangalawang round.
Una naming tinahak ang mga malalaking gulong na dapit naming tawirin. Nangunguna si Yohan, sinundan ni Hanu, at ni Mina.
Sunod naming tinahak ang pagtawid sa tila maputik na daan na abot hanggang baywang. Unang naka-ahon si Hanu, sinundan ni Yohan, at ni Mina. As usual, ako nanaman ang pinaka huli.
Suot ang makakapal na protective gears, sunod naming tinahak ang isa na namang daan at inilagan lahat ng electric bolts na galing sa mga dingding. Unang naka-labas si Hanu, sinundan ni Mina at Yohan. Ngunit ako, tila nahihirapan na sa dami ng tama.
Panghuli ang rock climbing. Ito ang pinaka-ayaw ko. Tila nagkaroon na ako ng phobia dahil sa nangyari sa akin sa Watchtower 4. Pero kailangan ko paring akyatin. Dahan-dahan ay inakyat ko ang wall. Di ko na tiningnan kung sino ang nauna dahil naka-concentrate na ako sa aking pag-akyat, dala ng takot na baka mahulog. Ilang apak pa ay medyo mataas-taas na ang aking naakyat pero malayo parin sa tuktok.
Huminga ako ng malalim, pilit na tinatatag ang aking sarili. Patuloy ako sa aking pag-akyat nang mahulog ang batong aking tinapakan. Napasigaw ako! Biglang nagbalik sa akin ang gabi na tila malapit na akong ihulog ng Rokus sa Watchtower 4. Napapikit ako!
Nang biglang naramdaman ko na may braso na humawak sa aking baywang. Dahil doon ay nahawakan ko ang isang bato ay di tuluyang nahulog. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa aking baywang. Lumingon ako kung sino ang nagligtas, at ako’y nagulat sa aking nakita. Si Yohan. Buong akala ko ay si Hanu, na palaging nandiyan para sa akin.
Tinitigan ako ni Yohan sa aking mga mata. Tinitigan ko rin ang kanyang mga mata. Ilang Segundo kaming walang imik.
HANU: SAPPHIRE! AYOS KA LANG BA?
Tumingin ako sa itaas. Tila naka-abot na sa tuktok sina Hanu at Mina, na nakatingin sa amin.