HARAM

27 3 2
                                    

HARAM

Matapos mapigil ang pagsalakay ng mga Rokus at Aquila sa bayan, di nga ako nagkamali na ang magiging unang ekspidisyon namin ang maglakbay papuntang Haram.

North East ng Alcamo ang Haram. Noong unang panahon, tinawag itong Manila. Ngunit, tulad ng ibang ciudad sa bansa, ay nawala sa mapa ang naturang ciudad. Unti-unting nakabangon ang naturang ciudad mula sa Nuclear War at tinawag na itong Haram. Tulad ng Alcamo, may sariling grupo, batas at tradisyon ang Haram. May kani-kanila din silang mga tauhan na naglalakbay, at nagbabantay sa kanilang mga gate.

Ngunit, ano kaya ang nangyari sa Haram? Bakit galing sa North East ang mga sumalakay na mga Rokus at Aquila?

Ilang oras matapos ang pagsalakay ay kinausap kami ni Reva Taia.

REVA TAIA: First Assignment. REVA GUARDIYA, Hanu and Mina, Watchtower 3. Effective immediately, shift ends at 10pm.

Walang imik ang dalawa.

REVA TAIA: REVA RADOR, Yohan and Sapphire. First thing in the morning, pupunta tayo sa Haram.

Napatingin sina Hanu at Mina sa akin. Napilitan akong yumuko.

Di maalis sa aking isip ang mga naganap sa Varear. Ang mga imahe na lumabas. Ang mga kinatatakutan nila. Ang mga eksena na kasama ako.

Agad na umalis papuntang Watchtower 3 sina Hanu at Mina, habang kami ni Yohan ay naglakad pabalik sa barracks.

Tahimik lang kami papunta sa loob. Hanggang sa di ko mapigilan ang sarili ko na magtanong kay Yohan.

SAPPHIRE: Yohan.

Napatingin lang siya sa akin.

SAPPHIRE: Ilang araw na rin akong nababagabag kung bakit…….. imahe ko lang lumalabas doon sa Varear?

Natahimik lang si Yohan, habang patuloy na nag-iimpake para bukas.

SAPPHIRE: Bakit ako? Hindi naman tayo nagkasama ng matagal. Dito lang tayo nagkakilala matapos tayong isalang sa Maquinaria.

Tahimik pa rin si Yohan. Napilitan akong mag-impake rin. Talagang hindi siya nagsasalita.

YOHAN: Sapphire.

OH SHET! Napalingon akong bigla. Ang lamig ng pagkakabigkas niya sa pangalan ko!

YOHAN: Wala ka bang naaalala tatlong taon, matapos ang nuclear war?

2017 naganap ang nuclear war. Taong 2020 ba ang ibig niyang sabihin? Ang tanging naaalala ko sa Taong 2020 ang tuluyang pagbagsak ng Mandalyong at ang malawakang pagsalakay ng mga Rokus na galing doon. At sa panahong iyon, katorse anyos pa ako.

                                                                                                                      

REVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon