I'm Alone again

41 2 0
                                    

Author's Note:

hi guys :) Sorry, late update kasi i was too busy eh. nga pala, sa mga dear readers ko .. paumanhin sa mga wrong spelling and  other errors na hindi ko na napapansin kasi sa kakatype. Pakiintindi ^^

For story suggestions and reactions, comment lang. ayun! Thankyou :)

****

( Chapter 6.)

Jan's POV.

"Wag kana mag  abala, di ka muna magco-college. hihinto ka sa pag aaral"

Parang ang sakit ng tenga ko bigla sa naulinigan ko. Ako? titigil? PERO BAKIT!

"Ha? pero bakit ma? may nagawa ba akong mali?" paiyak kong tanong

"Wala anak, walang problema sayo. Natanggal kasi ang tatay mo sa trabaho at pansamantalang mawawalan tayo ng pagkukunan ng income kaya di muna natin kakayaning sustentuhan ang pag aaral mo. masyadong mahal ang college, di  na yan katulad ng highschool! kaya napagpasyahan namin ng papa mo na huminto ka muna at kapatid mo muna ang tutuloy sa pag aaral". Paliwanag ni mama

Tuluyan na akong nalugmok sa dahilan niya at tila sumibol ang galit sa aking dibdib.

"Ano?! Ako pa talaga ang hihinto! Bakit di nalang yang batang iyan?! Dyan lang naman kayo nag-aaksaya ng pera eh! lagi nalang siya ang pinapaboran. Ma? Pa? Ayoko huminto. Please? kahit ano po, gagawin ko!." pagpupumilit ko.

nakita kong lalong kumunot ang noo ni mama at uminit pa ang mukha.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Bantay bantayan mo yang bunganga mong bata ka! Bastos ka! baka nakakalimutan mo eh palamunin lang kita at tinae lang kita! Wala kang karapatang sumagot sagot sa akin at kwestyunin ang mga desisyon ko! kung  gusto mong ipagpilitan ang pagcocollege mo? Hala sige! suportahan mo ang sarili mo! tutal malaki kana, marunong kana nga sumagot sagot eh!" sigaw niya sa akin.

"Ate ka naman. Hindi ba? atsaka natapos ka nanaman sa highschool kaya tumigil ka muna at patapusin ang kapatid mo. Isa hanggang dalawang taon ka lang naman titigil eh." mahinahong sabat ni papa

"TAMA NA! Porke't ako ang ate? ako nalang ang magbibigay parati?! e na appreciate lang ba man niya yun? o kahit isa sa inyo! WALA DIBA! LAGING KULANG! LAGING DAPAT AKONG MAGBIGAY KASI AKO ANG ATE! PERO PAANO NAMAN AKO? ANG MGA PANGARAP KO! ANG BUHAY KO NA KASAMA PATI KAYO?! HINDI BA MAN LANG NAGMAMATTER SA INYO YUN! hanggang kailan ako magbibigay?! ni hindi nga ako mairespeto ng batang yun. Sayang lang naman ang pera niyo sa kanya! lagi siyang bagsak! laging napapahamak,napapagulo at napapa guidance office! TAPOS AKO  PA ANG MASAMA! SAAN BA AKO NAGKULAN-- *SLAPPPPP!

Naputol kong sabi ng biglang sinampal ako ni mama.

Sobrang lakas nun na parang nayupi ang pisngi ko. Lahat ata ng dugo ko ay umakyat sa pisngi ko. Hindi ko na kinailangang marinig pa ang mga sasabihin niya. Agad agad kong kinuha ang bag ko sa kwarto kung nasaan ang mga gamit ko sa school at nagdala din ako ng uniform pati ang mga mahahalagang gamit ko.

"oh ano?! lalayas ka? Sinong pipigil sayo? WALA! Lumayas kana! pagkatapos ka naming palakihin! Sakit ka lang sa ulo! Mag asawa ka nalang kung kani kanino para mabuhay tutal babae ka naman! dio namin kailangan dito ng WALANG UTANG NA LOOB NA ANAK! Tatatatata.'' patuloy niyang dakdak sa akin.

nang nakuha ko na lahat ng gamit ko, sinulyapan ko si Drew na natutulog lang sa kama niya na tila walang pakilam sa lahat ng sigawan na nangyari. Eto, Eto ang pinagmamalaki nilang pinakamamahal na anak. Bulong ko sa sarili ko atsaka naglakad papunta sa pinto at lumabas.

"PAG LUMABAS KA SA PINTONG IYAN, WAG KANANG BABALIK!." Huling pahayag na narinig ko kay mama pagka labas ko ng pinto.

sobrang sakit. kahit anong gawin ko para makaroonng worth, wala pa din.

Di ko alam kung saan ako pupunta pero tsaka ko na proproblemahin yun, sa ngayon, i need to go away from this helly place. I need to be in a quiet place.

at kusa akong dinala ng mga paa ko sa isang mallit na playground na may swing.

And as usual, I'm alone again.

A Nobody Story (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon