seize the opportunity?

38 2 0
                                    

( Chapter 8. )

'' Okay na siya sir. Kailangan nalang po niya magpahinga. Hindi naman po malala at malalim yung sugat pero buti nalang at naagapan po natin kaagad yung pagdurugo.'' sabi ng babaeng nurse na pinapunta ko sa bahay ng alanganing oras.

''Maraming salamat sa maagap na pagresponde miss nurse.'' sagot ko habang nakangiti

"Anna nalang po sir hihi.'' Bungisngis niya na may halo pang pamumula. Okay, hindi naman ata siya masyadong obvious niyan.

"Ah okay. Miss anna, okay na ako dito. salamat sa pagtulong mo." sabi ko habang may inabot na sobre sa kanya.

"Ay! wag na sir ---

"Cut it out. tanggapin mo na ito, hindi naman kalakihan yan." Inabot ko ang kamay niya at kusang nilagay ang sobra sa mga palad niya na mas lalo namang ikinapula ng mga pisngi niya at hindi yun lingid sa akin kaya napa iwas din ako ng tingin.

"Ahm hihi oh sige po sir. Uhm, may iniwan po ako dun sa may table niyo po sa salas. salamat po." sambit niya habang nakaiwas tingin sa akin. Hinatid ko na siya palabas at laking luwag sa hininga ko ng makaaliis na ang nurse. I really don't know how to entertain those kind of situations. Hayyy

Pumasok na ulit ako sa salas at nakita sa may glass table na katabi ng couch ang sinasabing iniwan ng nurse. Isa yung note.

090570*****

Ayan number ko po sir kung kailanganin niyo po ulit ako.

Either for medical purposes or other stuffs.

Hope to see you again sir. :)

Love,

Anne <3

Napatawa ako sa nabasa ko. Sinasabi ko na nga ba eh. well oh deep well. Umakyat ako para pumunta sa kwarto kung nasan nandun ang babaeng muntik ng magpakamatay. Pagpasok ko ay mahimbing na siyang natutulog. Napapalitan ko na rin siya ng damit sa nurse at dahil wala naman akong ibang kasama dito sa bahay ay damit ko nalang muna ang pinasuot ko. Isang Jogging pants at medium sized na gray shirt.

Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mukha niya. Dun ko lang siya napagmasdan ng mas maigi at napagtanto ko na maamo ang mukha niya. May kahabaan ang buhok niya na may pagka brown. Matangos at may kaliitan ang ilong. Mapula ang labi ngunit medyo nanunuyo na halatang may pagkauhaw na siya. Hindi siya kaputian at di rin maitim. Morena, katamtaman o kayumanggi siya. Mahaba ang pilik mata ngunit manipis at may pagkamalaman siya pero okay lang naman kasi may katangkaran siya. mga 5'6 ang height niya siguro.

Natawa ako sa sarili ko nang mapuna na tila inaalam ko ang bawat detalye sa estranghera na ito pero sa bagay, sa pagtatagpo namin kanina ay malamang, harmless siya. Iniisip ko lang kung anong pinagdadaanan niya at nagawa niya iyon. Kung bakit nandun rin siya ng mga oras na iyoo sa playgroung na dala ang maraming mabigat na gamit. Hindi ko pa siya nakita noon kaya malamang hindi rin siya tagarito. Naglayas kaya siya?

Lumabas na muna ako ng kwarto para pumunta sa kwarto ko at magpahinga na rin.

A Nobody Story (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon