(Chapter 9.)
JAN's POV
Nagising ako sa kwarto na hindi pamilyar sa akin. Gusto kong tumayo pero ang sakit ng ulo ko at dun ko lang namalayan na basa ang pisngi ko sa pagluha.
"Umiiyak ako habang tulog." sabi ko sa sarili atsaka pinagmasdan ang sarili.
bigla akong napayakap sa katawan ko.
"O sus maryosep! iba na ang suot ko. Ano bang nangyari sa akin? di kaya narape na ako?! pero di naman masakit down there. --
naputol ang pagsasalita ko nang biglang may tao pala sa may pintuan.
"O Gising kana pala? Eto, breakfast in bed. Wag kana muna tumayo at magpahinga ka muna dyan." Sabi nung kuyang biglang pumasok dala dala ang tray na may pagkain. SIya! Yung lalaki kagabe! Anong? ..
"Anong ginawa mo sa akin?! Wag kang lalapit! marunong akong mag taekwondo! Atsaka Mixed martial Arts!." sigaw ko na bahagya niyang ikinagulat atsaka naman akong sumubok tumayo akmang mangangarate na siya namang ikinahilo ko bigla at muntikang ikinahulog ko na nang
"Ooh! Mag-ingat ka naman!" bulalas ng estranghero nung masalo niya ako. Napayakap ako bigla sa kanya at napakapit habang ang muka namin ay iilang sentimetro na lamang ang layo. Gulantang na gulantang ako at ganun din siya ngunit makalipas ang ilang segundo sa ganong posisyon ay napansin kong nagpalit siya ng ekspresyon. Isang nakakalokong ngiti.
"So, Taekwondo and Mixed Martial Arts huh?" Bulong niya sa akin habang nakangiting pilosopo.
Bigla ko siyang naitulak at lumayo ako sabay iwas tingin. Sana naman hindi masyadong halata ang pamumula ng mukha ko. Bwisit! Bakit ba kasi ang pogi niya ngumiti!
"Hahaha okay. Calm down miss. Please? and i have no bad intention to you. So can you take a sit and let me explain? atleast, introduce myself to you. Di kita aanuhin, promise!." Sabi niya habang nahimas sa batok niya at ngumiti.
Okay Ria, mukha namang matinong lalaki tong nasa harap mo. Mukha namang wala siyang gagawing anumang masama kaya kumalma ka at pakinggan siya.
Dahan dahan akong umupo sa gilid ng kama ng maayos at napalunok tsaka tumango. Nakita ko siyang nilapag ang tray sa desk sa gilid atsaka umupo di kalayuan sa akin at nagsimula na.
"Okay. Whoo *buntong hininga* I'm Tyrone and obviously nasa bahay kita. Uhm, i was out during the night trying to chill out . Im about to unwhined on the playground and i saw you there. Mag isa and your unfamiliar face kaya naman lumapit ako at nakita kitang may hawak na blade. I tried to stop you pero its late, you already slashed yourself." Kwento niya at sabay napatingin ako sa kaliwang kamay ko at nakabenda nga ang mag pupulsuhan ko. Ramdam ko ang sariwa pang sugat.
"Ayaw man kitang pakilaman, hindi ko naman maaatim na iwanan ka dun matapos himatayin at sugatan pa kaya naman dinala nalang kita dito sa bahay ko para magamot." Pagpapatuloy niya nang biglang may naalala ako.
"EH ASAN ANG DAMIT KO? ANG MGA GAMIT KO?" Tanong ko sakanya.
"Ow! don't worry. Nagpatawag ako ng nurse kaya naman siya ang nagpalit ng damit mo and all. i didn't touch you at all if that's what you're thinking." sabi niya habang napahimas ulit sa batok niya.
Mannerism siguro? Namula naman ako lalo sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
A Nobody Story (On-Hold)
RandomWe often look for things to complete us and though we see that we had enough, we still feel like .. may kulang. Ikaw na maganda na mayaman pa eh parang may kulang pa, Musta naman kaya ako? Na halos wala. Yeah, and this is my Crap story. A nobody's...