Chapter 1

27 1 0
                                    

At Maronquillo National High School

First day of school.

Nagkakagulo ang mga mag-aaral dahil simula na ng pasukan. Kanya kanya silang kwentuhan. May naghahabulan, kumakain,naglalaro, nagbabasa ng libro, may nakadukdok sa desk at walang pakaylam sa paligid, may tahimik na nakatulala. Pinaka magulo ang second year to fourth year dahil matagal na sila magkakakilala ng mga kaklase nila . Ang mga freshmen ay tahimik pa dahil hindi pa nila kilala ang isa't isa.

Malaki ang iskwelahan ng MNHS. Nasa gitna ito ng kabukiran. Malayo sa mga bahay at kung ano-ano pang establishment. Ang nakapaligid dito ay mga bagong tanim na palay, mga puno at lawa. Tahimik ang lugar na iyon, malayo sa mga computer shop o mga bilyaran na madalas tambayan ng mga mag-aaral. Tiyak na makakapag-aral ng mabuti ang mga pumapasok dito.

Krriiingggg...

Natigil saglit sa pag-iingay ang section ng IV- Einstein ng madinig nila ang bell. Saglit pa ay pumasok na ang isang guro. At nagsibalikan na sa kani-kanilang upuan.

"Oy tahimik na may teacher na sa harap oh" pasigaw na turo pa nito sa harap

"Ok president" sabi ng isa sa mga kaklase niya.

"Haay, talagang maingay pag first day hano?" sabi ni Mrs. Valmocena

"Ako ang magiging class adviser nyo this school year ,hawak ko na naman kayo ang pinakamaingay at magulo."

"Ma'am namiss nga po namin kayo eh" nakangiting sabi ni Andrea ang laging na nonominate na president ng class organization.

"Oh ano yon Lyra, may sasabihin ka ba?" tanong nito kay Lyra na nagtaas ng kamay.

"Umm..magbobotohan na po ba tayo?"

"Eh ano pa nga ba? Ganoon naman lagi di ba?" singit naman ni Rodney ang pinakamatigas ang ulo sa lahat.

"Di ba dapat magpapakilala muna isa isa, tanga neto" sagot naman ni Ryan bestfriend ni Rodney.

" Eh kilala naman natin isa't isa ah.Kaya wag na." sigaw naman ng powerpopgirls na sila Sam,Alex at Clover.

" Quiet!" sigaw ni Mrs. Valmocena.

" May transferees tayo kaya kailangan niyo magpakilala ulit."

Sabay sabay silang naglingunan sa likod at may tatlo ngang lalaki na hindi pamilyar ang mga mukha sa kanila. Kaya nagpakilala sila isa-isa.

Tumayo at pumunta na sa harap ang isa sa mga transferee.

"Hi. I'm Zech Jimenez , 17 years old." cool na bati nito sa kanila

"I'm Marcuz Manuel ang pinakagwapo sa aming tatlo" nakangiti niyang sabi.

"Xyruz Maxwell Lee." supladong pagpapakilala ng pangatlo.

Pagkatapos magpakilala ay ang botohan naman ng class organization ang naging dahilan ng pag-iingay. Pinagtatalunan ng mga kababaihan kung sino ang dapat maging escort sa tatlo. Ang muse at escort ang magiging representative ng section nila sa sports fest ng St. Rafael High. Gaganapin ito sa month ng October. Si Lyra ang muse ng kanilang section. Maganda at makinis ang kutis nito. Maganda at mahaba ang buhok at sexy. Medyo tagilid lang pagdating sa usaping karunungan. At dahil ayaw din naman ng tatlo na maging escort kaya si Rodney na lang ang kanilang escort. Gwapo ito ngunit sadyang pilyo o matigas ang ulo.

Naging maayos ang unang araw ng pasukan hanggang sa mga sumunod na araw. Hanggang sa may isang istudyante na nagtanong time ng English subject nila.

" Sir, bakit po may extra chair o vacant seat sa subject nyo." tanung nito na itinuro ang isang upuan na nasa pinakalikod na malapit sa pintuan.

"Kayo po naglagay na yan kahapon di ba?"dugtong pa nito

"Baka may ghost student si Sir. ahooo" pananakot ni Rodney

"Next week , by Monday may mauupo na diyan. Para sa kanya yan " sagot ni Mr. Perez.

"Sino kaya yung seatmate natin 'no?" tanong ni Zech sa dalawa. Na hindi naman pinansin ni Marcuz na patagong nagtetext sa kanyang girlfriend at ni Xyruz na nakaheadset na nakasandal ang ulo sa pader at nakapikit.

"Sino kaya yun ,ang swerte naman nya katabi nya sila Zech"

"Baka naman lalaki tapos gwapo din"

ilan lang yan sa mga bulungbulungan na nadinig din naman ng buong klase.

"Class, quiet. Malapit na magtime at lunch na dun nyo na lang sa canteen pag-usapan yan." pagsaway ni Mr. Perez.

Natapos ang unang linggo ng pasukan. Sino nga ba ang isa pang mabibilang sa IV-Einstein at bakit wala siya sa unang linggo ng pasukan?

~~~~~~

A Little More Time On You (ALMTOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon