Monday
Balik iskwela na naman pagkatapos ng Sabado at Linggo-- dalawang araw na bakasyon.
May kumpulan ng mga magkakaklase sa loob ng room ng IV-Einstein.
"Oy ano ba wag mo nga takpan."
"Hindi ko makita."
"Ayusin mo nga sa susunod yung sulat mo. Hindi ko maintindihan."
"Tama ba yung sagot na yan?"
" Dalian nyo na lang pagkopya baka dumating na si Ma'am."
Ilan lang yan sa mga maririnig sa mga kumpulan na may hawak na notebook at ballpen sa loob ng classroom.
Ang iba ay tahimik na nakadukdok sa desk habang iniintay ang kanilang guro sa Physics.
Yung tatlo naman sa likod ay naghaharutan at nag-aasaran pa rin tungkol sa nangyari noong isang araw. Nagawa na din nila ang mga assignments nila kahapon.
Si Rodney at Ryan naman ay nasa corridor. Nagpapagpag ng eraser upang matanggal ang chalk dito. Dahil nasa second floor sila sinasadya nilang ipagpag ang eraser kapag may dumadaan na estudyante sa baba. Tuwang tuwa sila kapag nakikita nilang namumuti ang mga buhok nito dahil sa kagagawan nila.
Dahil sa kaharutan nilang dalawa bumagsak ang eraser na hawak ni Ryan at sakto namang sa ulo ng Adviser nila ito tumama. Nang tumingala si Mrs. Valmocena ay mabilis silang nakatago at pumasok sa room. Pinahawak naman ni Rodney ang eraser na hawak niya sa isang kaklase nila.
"Oy panget . Ikaw naman magpagpag nito sa labas . Dalian mo bago pa dumating si Ma'am." utos nito sa pobreng kaklase na sinunod din naman agad ng huli. Naghugas agad ng kamay sila Rodney at Ryan.
Tatawa- tawa ang dalawa habang galit na galit si Mrs. Valmocena ng pumasok ito sa silid nila dala-dala ang eraser na nailalag nila.
"Sino ang naglaglag nito sa akin?!" pagalit na sabi nito na nagpatahimik sa kanila.
"Si Kyla po. Siya po." turo ni Ryan ng pumasok ang kaklase nila na may hawak din na eraser.
"Oo nga po Ma'am . Siya po yung nagpagpag ng mga eraser eh. "sagot pa ni Rodney at nakipag-apear pa kay Ryan.
"Ma'am. Hindi po ako. Silang dalawa po nagbagsak na yan sa inyo. Hindi ako." nakayukong sagot ni Kyla.
"Kayong dalawa-- Rodney at Ryan sumunod kayo sakin sa Faculty. Puro kayo kalokohang dalawa."
"Walang mag-iingay at lalabas ng classroom. Babalik ako dyan." pahabol pa ni Mrs. V paglabas ng classroom.
11:10am English Subject
Tahimik na nagbabasa ang mga ito ng biglang bumukas ang pinto sa likod at dire-diretsong pumasok ang isang babae na nakayuko. Halos matakpan ng mahaba at kulot na buhok ang mukha nito. Ikinagulat ng mga ito ang pagpasok niya na yon.
"You are ten minutes late." sita ni Mr. Perez.
"Sorry po." nakayuko pa ding sagot nito.
"What's your problem? Bakit ganyan ang itsura mo? May sakit ka ba?" tanong ni Mr. Perez ng makalapit siya dito.
"Kasi po ano."
"Ano?"
Nakatingin lang ang mga istudyante sa kanila.
"Ganito po kasi ang nangyari." ibinaba ng dalaga ang kanyang hawak na paper bag at hinawi ang mga buhok na nakatakip sa mukha niya.
Lumabas ito at isinarado ang pinto.
"Sir baliw po yata yun."
"I-lock mo yung pinto para di makapasok."
"Hayaan niyo siya"saway ni Mr. Perez at bumalik na sa harap.
"Bulaga!!" sigaw ng dalaga matapos buksan ang pinto.
Nagulat ang mga istudyante dahil sa ginawa niya at nagtawanan.
"Class quiet." pagpapatahimik ng guro nila.
"Iyon po ang nangyari, Sir." nanlulumong umupo ang dalaga sa bakanteng upuan.
"Ano ang problema doon? Nanlata ka dahil sa ginawa mo na yon?" tanong pa nito sa kanya.
"Tzk! Yun na nga Sir eh! Ganun kasi yung ginawa ko kanina. Gusto kasi kayo i-surprise.. kaso dun sa kabilang section ko yun ginawa. Tapos si Ma'am V pa naman yung andon. Nakakahiya na nga, napagalitan pa ko." napapapadyak ang paa at mangiyak-ngiyak na paliwanag nito sa kanyang guro.
Napailing na lamang si Mr. Perez. Nagtawanan na naman ang mga kaklase niya.
"Sir. Sino ba siya?" tanong ni Rodney na ikinairap naman ng dalaga.
"Classmate yan ng pinsan ko last year ah. Bakit siya nandito?"
"Kindly introduce your self miss."
Tumayo ang dalaga at nagpakilala.
"Ako nga pala si Alliyah Neigh Mendoza. Nice meeting you all. Dito lang sa subject nito ko kayo magiging classmate. Back subject ko lang kasi -"
"Bakit ka bumagsak?"
Isa-isa niyang nilapitan ang mga kaklase niya at binigyan ng choco crunchies na may nakasulat na 'Alliyah' sa gitna nito.
"Kasi binagsak ko yung subject na'to para makasama ko ulit si Sir Dylan. Super mega crush ko kasi siya. I was inspired because of him. Kaso lang nakita ko siya na may kasamang girl. Nalaman ko na girlfriend pala niya yon. Lamang lang ng isang suklay ng buhok sakin yon eh. Kaya yon nawalan na ko ng gana na pumasok."
Napangiti na lamang ang guro sa kwento nito.
"Pero sa subject lang niya. Hindi ako pumapasok para ma-miss niya ko. Hanggang sa maisip ko na i-se-seduce ko na lang siya ngayong taon. Kaya eto ko ngayon."
"May gf na pala si Sir."
"Grabe naman yung infatuation niya kay Sir 'no? Parang nauwi sa obsession."
Bumalik na sa upuan niya si Alliyah.
"Kayo? Anong kwentong fibisco nyo?" nakangiti niyang tanong sa mga ito.
Tawanan na naman ang mga kaklase niya.
"Uy sorry ah. Hindi ko kayo nabigyan. Pero bukas pagdadala ko kayo. Promise. Call me Alli." baling nito sa tatlong katabi sabay lahad ng kanang kamay. Inabot naman ito ng katabi niya.
"Marcuz." nakangiti pa nitong sagot.
"Ito naman si Zech. At iyon nasa dulo si Xyruz." dugtong pa nito.
"Hi sa inyo."
Itinuloy nila ang naantala na klase. Bumalik sila sa tahimik na pagbabasa.
Nilapitan ni Mr. Perez si Alliyah.
"Uuwi ka na ba after class?" mahinang sabi nito.
"Hindi pa. Ililibre daw ako ni Marcuz ng lunch eh."
"Mabuti naman at may kaibigan ka na agad dito."
"Crush kasi ko ni Marcuz." bulong nito na narinig din naman ng katabi.
"Ha?! Anong sinasabi mo na crush kita?"
Krriiinggg...
"Okey class dismissed."
~~~
BINABASA MO ANG
A Little More Time On You (ALMTOY)
Teen Fiction"Life can be messy and bring changes and that's alright, don't give up just know that its going to be alright."