Chapter 5

21 0 0
                                    

Neigh's POV

Bumaba na ako sa jeep na sinasakyan ko dahil baka lumagpas na naman ako. Dagdag lakarin pa pagnagkataon. Naglalakad na ako papunta sa school namin. Medyo malayo pa iyon sa kanto na binabaan ko. Napansin ko na ako na lang mag-isa ang naglalakad sa daan. Malamang ako na lang mag-isa kasi lahat sila nakapasok na. Kahit yung mga masisipag magsipasok ng late ay nakapasok na rin dahil 10:00am na. Haay sa susunod nga maaga na lang din ako papasok. Kahit ata mga baka o kalabaw wala ako makasabay maglakad.

Ayan natatanaw ko na yung gate ng school. Paahon yung daan kaya lalong nakakahingal ang paglakad paakyat.

"Late ka na. Hindi kita pwedeng papasukin" sita sa akin ni kuyang guard.

"Kuyang guard bago ka lang dito 'no?" humihingal na tanong ko. Maaga pa nga ako ng lagay na to dahil 11:00am pa ang pasok ko.

"Hindi po ako late mamayang 11 pa pasok ko kaya papasukin nyo na ko."

Hindi pa din ako pinapasok. Gusto yata niya makipagkwentuhan muna ko sa kanya. Kaya naupo muna ko sa tapat ng gate.

"Huwag ka nga umupo diyan kahit maglumuhod ka hindi kita pwedeng papasukin dahil bilin sakin ng principal wag magpapasok ng late."

Hindi ko siya pinansin. Kakainis kasi ang layo ng nilakad ko ayaw pa ko papasukin. Nakakapagod naman yung ganito. Kinuha ko yung cellphone ko at nagtext sa tao na pwedeng makapagpasok sa akin. Nag-antay ako ng ilang minuto pero hindi siya nagreply. Humanda siya sakin pag nakita ko siya.

"Tumayo ka jan at parating na yung sasakyan ni Mr. Choi."

"Ayoko. Ayan kuya. Late yung Principal, bakit mo papasukin? Madaya ka pala eh. Huwag ganun hindi na makatao yang ginagawa mo." pakikipagtalo ko kay kuyang guard.

Bumusina ang sasakyan ng principal ng hindi pa binubuksan yung gate. Tumaya na din ako at pumunta sa gilid baka masagasaan ako. Binaba ng principal yung bintana ng sasakyan niya.

"May problema ba Kaloy? Bakit hindi mo binubuksan yung gate?" tanong ni Sir dun sa guard.

"Good morning po Sir. Kasi po-" sagot nung guard na hindi naman niya natapos dahil umepal ako.

"Hi Sir. Good morning. Bawal po kasi pumasok yung late. Eh late po ako kaya ayaw niya ko papasukin tapos late din po kayo kaya hindi po tayo pwedeng pumasok."

Bumaba si Mr. Choi sa sasakyan niya at nilapitan si Kuya Kaloy at sinabihan na buksan na yung gate. Binuksan naman nito yung gate. Lumapit si Sir sa sasakyan niya at sinabihan yung driver na pumasok na. Sosyal yung principal namin may driver hindi kasi ata marunong magdrive o tamad lang talaga.

"At ikaw" baling nito sakin.

"Po?"

"Anong oras ba pasok mo at ngayon ka lang?"

"Kayo po bakit ngayon lang kayo?" sagot ng utak ko siyempre hindi ko pwedeng itanong yan baka lalo akong di papasukin. Ang sinabi ko ay eto.

"Eleven po."

"Sumabay ka na maglakad papasok sa akin baka ma-late ka pa. Napagsabihan ko na din yang si Kaloy kaya papapasukin ka na niya."

Tuwang tuwa ako nung makapasok na ko. Namiss ko yung school na'to. Dinadaldal ako ni Sir pero di ko siya pinapansin. Ganun pa din yung paligid tahimik dahil may klase pa. Tatlong building na nasa harapan ko na may tig-apat na classroom. Ang ilan dito ay napasukan ko na nung mga nakaraang taon. Dalawa sa itaas at dalawa sa ibaba. Meron ding dalawang classroom na malapit sa gate. Yung stage na hindi kalakihan. Covered court sa harap nito. Hindi kalakihan na canteen.

Nagpaalam na din si Mr. Choi na papasok na siya sa kanyang opisina. Tumango na lamang ako at ngumiti. Madaya talaga 'no? Kapag Principal o teacher ang male-late okay lang pero kapag tayong mga istudyante hindi pwede. Unfair talaga ang buhay. Balik tayo sa paglalarawan ng aking iskwelahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Little More Time On You (ALMTOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon