Neigh's POV
Kakatapos lang ng misa.Pauwi na kami ni Ate ng maisapan ko na ayain siya kumain sa Jollibee. Noong una ayaw pa nya at dahil alam niyang hindi ako titigil kaya napilitan na din siya na kumain kami.
Palabas na kami sa pintuan ng Jollibee.
"May bibilin ka pa ba?" tanong niya sa akin ng mapansin niyang nakahawak ako sa pintuan.
"Okey ka lang ba? May masakit ba sayo?" puno ng pag-aalala na tanong niya na ikinatawa ko.
"Pfft. OA mo ate ha. Tinitignan ko lang kung matibay yung pagkakabit ng pintuan." tumatawang sagot ko sa kanya.
"Napakaloko mo talaga tara na nga baka tanghaliin tayo sa pag-uwi."
***
Nanunuod ako ng isang comedy show ng may marinig ako ng pagkatakot at pagbukas ng pinto sa aking kwarto.
"Mommyy" tuwang tuwa akong napatakbo sa aking ina.
"Asan si Daddy?
"Nasa baba.Halika na at kakain na ."
"Wait po i-off ko lang yung TV."
Habang kumakain kami ay napagalitan ako ni Daddy dahil kumain kami ni Ate sa Jollibee. Kaya tahimik na lang akong nakinig sa kanila habang kumakain. Pinag-uusapan nila yung bagong lipat daw na kapitbahay namin. Apo daw yun ni Lola Ising. Same school din daw ang papasukan namin. Si Ate lang ang nagkukwento dahil hindi ko naman alam yon at wala akong pakialam dahil hindi naman ako madalas lumabas ng bahay. Hindi ako friendly dito sa gawi namin -- sa kalye namin o sa lugar namin. Pero may mga barkada ko na hindi ko din madalas makita o makasama. Nagkakatext lang kami ng mga iyon.
Pagkaubos ng mga pagkain ko sa plato ay uminom ako ng isang basong tubig at nagpaalam na babalik na ko sa kwarto ko. At bababa na lang ako mamaya para uminom ng gatas bago matulog.
Balak kong matulog ng maaga para hindi ako ma-late ng gising bukas. Masarap pa naman matulog dahil malamig ang panahon. Tulog mantika pa naman ako .
Bumaba na ako para uminon ng gatas ng may maalala ko na dapat ko pa lang gawin. Kaya inakyat ko na lang yung isang baso ng gatas at doon ko na lang inumin pagkatapos ko sa ginagawa ko.
Alas dies y media na ng matapos ako. Uminom na ko ng gatas at nagtoothbrush. Nahiga na ko sa kama at nagdasal hanggang sa makatulog.
***
7:30am
"Neigh gising na. Tanghali na. Bumangon ka na jan." sigaw ni Ate sa labas ng kwarto habang kumakatok sa pintuan.
"Gising na ko. Mauna ka ng magbreakfast." inaantok na sagot ko habang nakabalot pa ng kumot.
"Tapos na ko magbreakfast. Nakaalis na din sila Mommy. Papasok na ko baka ma-late pa ko. Iniwan ko kay Manang yung allowance mo. Hindi na kita mahahatid. Bumangon ka na dyan ah."
"Okey sige."
Bumangon na ko pagkaalis ni Ate. At naghanda na para pumasok sa school. Excited na nga ako eh sana marami akong maging friends.
~~~~*
Ate ni Neigh yung nasa picture.
Alyana name niya.
BINABASA MO ANG
A Little More Time On You (ALMTOY)
Teen Fiction"Life can be messy and bring changes and that's alright, don't give up just know that its going to be alright."