Zech's POV
Nandito kami ngayon sa bilyaran na malapit sa bahay namin dahil Sabado ngayon at walang pasok. Naglalaro kami ni Marcuz samantalang si Xyruz ay nanunood lang sa amin. Hindi ko alam sa isang yan kung ano trip niyan.
"Madami din naman palang magaganda sa school natin akala ko talaga pangit dito sa probinsya." biglang sabi ni Marcuz
Tama kayo dito kami sa probinsya pinatapon ng mga magulang namin. Ang totoo na yan yung bahay na nabanggit ko ay bahay ng Lola namin at magpipinsan kaming tatlo.
"Puro kasi kayo kalokohan, kaya pati ako napasama sa inyo." sabat naman ni Xyruz
"At kami pa talaga sinisi mo ah."
"Oo nga. Eh pareparehas naman natin ginusto yon."
Ganito kasi talaga ang nangyari. Kayo na din ang humusga kung sino sa aming tatlo ang may kasalanan.
Flashback...
"Sigurado ka ba talaga na ito yon?" tanong ni Marcuz kay Zech.
"Oo nga ang kulit mo naman eh. Butasin mo na lang yung gulong dami mo pang sinasabi. Baka may makakita pa sa atin."
"Kung tulungan mo kaya ako para matapos agad."
"Tapusin nyo na yan. " biglang alis ni Xyruz sa pagkakasandal sa kotse na binubutas namin.
Pagkatapos non ay umuwi na din kami.
Kinabukasan.
"Marcuz,Zech at Xyruz sumunod kayo sa akin sa Principal's office." sabi ni Ms. Lu-- adviser namin.
"Bakit kaya? Wala naman nakakita sa atin kahapon di ba Xy?" tanong ko kay Xyruz na kibit balikat lang ang isinagot sa akin.
"Lagot ka ngayon Marcuz." natatawang sabi pa ni Zech. Akala mo namang ako lang ang may kasalanan ah.
Kapag nga naman minamalas ka talaga mali pala yung kotse na binutasan namin ng gulong. Sa Principal pala yun at may cctv pala sa parking lot ng school kaya walang kalusot lusot. Ipinatawag ang parents namin at nasuspend kami ng isang buwan. Galit na galit ang parents namin dahil sa nangyari. Graduating pa naman daw kami kung anu-anong kalokohan ang ginagawa namin. At dahil din doon ay napagdesisyunan namin na huwag na ituloy ang buong school year. After ng one month suspension ay hindi na kami pumasok ulit ng hindi nalalaman ng parents namin.
Nagulat na lang sila ng umattend sila ng parents' meeting nung malaman na halos isang buwan na din kaming hindi pumapasok.
***
Natigil kami sa pagsisisihan ng may dumating na dalawang lalaki. Parang pamilyar sila sa akin.
"Yow , kayo palang tatlo."sabi ng isa.
"Kilala nyo ba sila?" tanong ni Xyruz
"Classmate natin sila si Roro at Ruru" sagot naman ni Marcuz. Ah kaya pala pamilyar sila sa akin.
"Hindi Roro at Ruru pangalan namin." pagalit na lumapit ang isa kay Marcuz
"Rodney at Ryan pangalan namin" sabi pa nung kasama niya.
"Sorry mga 'pre mahina kasi memory ko sa mga pangalan." hinging paumanhin ni Marcuz. Hindi kasi kami talaga matandain sa mga pangalan.
"Ano ba kailangan nyo sa'min?"
"Wala naman makikilaro lang ng bilyar masama ba yon?" sagot ni Ryan
"Okey game."sabat ko.
Nakipaglaro kami sa kanila. Magagaling din silang dalawa pero hindi sila ang nanalo.At dahil pustahan iyon nagbayad sila ng 500php ayon sa napag-usapan.
"Oh pano sa susunod na lang ulit ha" pang-aasar ni Marcuz habang hawak ang pera.
"Babawi kami sa inyo sa susunod" pahabol na sabi ni Ryan.
***
Marcuz POV
Tuwang tuwa ako kasi nanalo kami sa pustahan may pangload na 'ko. Makakahanap na ko ng bagong girlfriend. Nakipagbreak kasi kahapon yung gf ko. Hindi ko lang nareplyan agad , nakipagbreak na. Mga babae talaga.
Pinaghatian namin ni Zech yung pera, si Xyruz hindi naman interesado sa mga ganon. Rich kid kasi. Ay pareparehas nga lang pala kami.
Nandito kami ngayon sa sala. Nanonood kami ng TV habang kumakain. Nang biglang may tumawag kay Lola mula sa labas.
"Lola Ising!!"
"Tao po "
"Labasin mo nga yon Marcuz" utos ni Xyruz na nakahiga sa sofa.
"Oy Marcuz daw labasin mo daw yon." sabi ko naman
"Ako na nga, tatamad nyo talagang dalawa kahit kailan." Napilitang tumayo si Zech upang labasin yung kung sino man ang humahanap kay Lola. Umalis si Lola para magzumba daw. Para daw maging sexy siya. Sa edad nyang 65 malakas pa siya at kaya pa nya kaming hambalusin.
"Bakit daw hinahanap si Lola?" agad na tanong ko ng makabalik si Zech.
"Ah wala naman, tinanong lang kung nagawi dito yung alaga nila. Nakalabas daw kasi ng kulungan."
"Anong alaga ba aso?" tanong ni Xy.
"Hindi. Tigre daw eh. Madalas daw kasi dito nagpupunta yon pag nakakawala." sagot naman ni Zech ng biglang may parang bumagsak na kung ano sa kusina dahilan para mapatayo kami ni Xy.
"Sh*t"
"F*ck" sabay na sabi namin ni Xy
"Ano yon?" kalmadong tanong ni Zech
"Eh di tignan mo g*g* ka pala eh. Kami pa talaga tinanong mo." galit na sagot ko sa kanya. Inaamin ko takot na takot na kami ni Xy. Tigre kaya pinag-uusapan dito. Kahit naman gwapo may kinatatakutan din!
Pinuntahan ni Zech ang pinanggalingan ng ingay at lumabas na halos mamatay-matay sa kakatawa.
"Anong nakakatawa?" galit na tanong ni Xy
"Kayong dalawa ang babakla nyo kasing dalawa." sagot ni Zech habang hawak ang tiyan at patuloy sa pagtawa.
"Niloloko ko lang kayo tungkol sa tigre para kayong mga sira. Pusa lang yung kumalampag sa kusina." paliwanag pa nito.
"D*mn you!"
"F*ck you!"
"I love you too" sagot pa nya sa sinabi namin.
"Ang totoo niyan yung babae kanina, kapitbahay natin. Tinanong lang nya kung nandito si Lola. Tapos sabi ko wala. Umalis na agad eh."
Kahit kailan tarantado yung isa na yon. Nalaman nyo pa tuloy yung weakness ng gwapong tulad ko.
~~~*
Xyruz . Zech. Marcuz
yung nasa picture.
BINABASA MO ANG
A Little More Time On You (ALMTOY)
Teen Fiction"Life can be messy and bring changes and that's alright, don't give up just know that its going to be alright."