“Meet me tomorrow at Greenbelt 3. Seven PM sharp.”
“Don’t ever try to escape. I’ll just hunt you and will give a lot of reasons to sue you.”
“'Ma, magbabakasyon po kami nina Maan at Snow,” sabi niya sa nanay niya kinagabihan habang naghahapunan sila.
“Saan naman kayo magbabakasyon?” nagtatakang sabi ng mama ni Aniza.
“Sabi ni Snow sa Palawan daw. May vacation house raw sila roon,” medyo kinakabahan siya.
“Kailan ka naman uuwi?”
“After two weeks? Baka po ganoong katagal…”
Nagdududang tumingin ang mama niya sa kanya. “Hay naku. Basta mag-iingat kayo. I-text mo ako palagi.” Uminom ito ng tubig. “Malaki ka na, Aniza. You know already what is wrong and right. Basta mag-iingat ka lang palagi.”
“Opo, ‘Ma. Gusto ko lang na magkasama-sama kaming tatlo. Ngayon lang kami makakapag-bonding ng maayos,” pagsisinungaling niya.
“Sige. Uwian mo ako ng pasalubong.”
Pagkatapos niyang hugasan ang kanilang pinagkainan ay agad siya dumiretso sa kanyang kwarto. “Ang hirap magsinungaling…”
“Malaki ka na, Aniza. You know already what is wrong and right. Basta mag-iingat ka lang palagi.”
“'Yun na nga, 'Ma,” sabi niya sa sarili niya nang maalala niya ang sinabi ng mama niya. “Alam ko na ngang mali ung ginawa ko, tinuloy ko pa rin. Hayan tuloy at nabuking ako nang 'di ko namamalayan…”
Nasa entrance na ng Greenbelt 3 si Aniza. Saktong seven PM nang dumating siya. Nakita niya si Lance. Lumapit siya sa binata. Seryoso ang itsura nito habang nakatingin sa kanya.
“'Yan na ang mga gamit mo?” tanong nito.
“O-Oo…”
Iginiya siya nito papunta sa sasakyan nito. Porsche Carrera. Nanlaki ang mga mata niya. Mayaman talaga siya, konklusyon niya sa isip.
Tahimik na bumiyahe sila papunta sa bahay nito. She discovered that he was living at McKinley Hill. Which is technically a bit far from his workplace. Pero mukha namang manageable iyon para sa binata.
Gusto niyang tingnan si Lance habang nagda-drive ito. Pero hindi niya magawa dahil sa lakas ng tibok ng puso niya. She noticed his big hands gripping at the steering wheel. Sa hindi malamang dahilan, namula siya. Then she remembered her dreams. Pakiramdam niya ay uusok ang mukha niya.
Huminto sila sa isang Contemporary house. Hindi na siya nagtaka kung bakit maganda ang bahay nito. It’s in his field since he’s a real-estate CEO. Pinagbuksan sila ng gate ng bantay. After he parked his car, inutusan siya nito na bumaba. He’s not a gentleman! Dismayadong sabi niya. Iginiya siya nito sa loob ng bahay nito. Everything was so modern.
“Good evening, Sir. And Ma’am…” bati sa kanila ng babaeng kasambahay nito. Sa tingin niya at nasa edad forty ito.
“Good evening. Pakisamahan mo nga si Aniza sa guest room.” Tumingin ito sa kanya. “Go back here after you place your things.”
BINABASA MO ANG
When Miss Hacker Meets the Millionaire
RomanceAniza Roman was an Information Technology Student who loves exploring anything about computers. Her boring life change when she saw a handsome guy and she fell in love at first sight. She will do anything to know who this guy is. But to her surprise...