Chapter Four

6.9K 140 1
                                    

“SO, ano’ng balak mo?”

            Sumimsim muna ng strawberry shake si Snow bago magsalita. “Sabi ni mama, hindi pa raw ako kilala ng August na 'yon. Ewan ko ba naman! Of all people, ako pa ang naisipang ipakasal sa kung sino mang lalaki 'yon. Haay!” pumalatak pa ito.

            Kasalukuyan silang nasa Café kasama ang dalawang kaibigan ni Aniza na sina Maan at Snow. Naisipan nilang magkita-kita para makapag-bonding. Kasalukuyan nilang pinag-uusapan ang problemang pang-puso ni Snow.

            Nagsalita si Maan. “Bakit hindi mo hanapin sa Friendster? O kaya sa Facebook? Malay mo may account 'yon doon?”                           

            “Ano bang fullname no’n?” tanong niya rito.

            “Asa naman kayo na may Friendster account 'yon, eh businessman nga raw 'yon.”

            “Ano bang business no’n?”

            “August International Banking Corporation. Vice-president raw siya no’n at sa kanya raw ito-turn over 'yon kapag nag-retire na ang tatay niya.”

            “Sila ang may ari ng AIBC? Juskoh, kung ako lang, papayag akong magpakasal kung ganoong ka-rich ang mapapangasawa ko!” bulalas ni Maan.

            “Sira-ulo,” umismid si Snow. Natawa siya.

            “Wait guys,” sabi ni niya na todo focus sa laptop niya may internet connection. “Ano kaya kung i-hack ko ang website nila? Siguradong may makukuha akong personal information tungkol sa sinasabi mong si August.”

            “Baka ma-trace ka nila?” nag-aalalang tanong ni Snow sa kanya.

            “Hindi 'yan. Sandali lang naman, eh. Ang kailangan n’yo lang gawin ay pakinggan n’yo ang mga sasabihin ko. Hahanapin ko ang personal address niya.”

            “Eh anong gagawin ko sa personal address niya?”

            “Puntahan mo siya. Sabihin mo, mag-a-apply kang katulong sa bahay niya.”

            “Sira-ulo ka ba? Ako, mag-a-apply na katulong? Duh!” she rolled her eyes.

            “Ang sabi mo sa amin, ang problema mo ay gusto mong makilatis ang sinasabi ng parents mo na magiging ‘fiancé’ mo? Ang solution na naisip ko ay magpanggap kang katulong. That way, makakapag-spy ka sa kanya ng hindi niya nalalaman.”

            Napaisip ito.“Sa palagay n'yo ba, hindi ako mahuhuli no’n? Tsaka pa’no kapag hindi pala 'yon naghahanap ng katulong?”

            “E di kumbinsihin mo! 'Kala ko ba may tiwala ka sa ‘charming powers’ mo?” pangungumbinsi ni Maan.

            Sumimsim uli ito ng strawberry shake. Halatang malalim ang iniisip nito.

            “Ito na ang info ni August. Nakatira siya sa isang condominium. Sa room seven, eight, two…”

            Mabilis na nag-take down notes si Snow sa mga detalyeng sinabi nya.

            “Nakuha mo na? Dalian mo at baka mahuli ako. Mahigpit ang IT security nila.”

            “Oo, nakuha ko na. Thanks.”

            “Bawal ang hacking, 'di ba? Saan ka natuto mang-hack?” curious na tanong ni Maan sa kanya.

            “Ehm…” tumikhim siya. “'Di naman masama mang-hack eh. Basta gagamitin mo sa tama. Tsaka 'di naman ako nangha-hack ng kung sinu-sino.”

            “Hmm,” nagdududang tumingin si Snow sa kanya. “Baka naman may love interest ka na? Tapos naisipan mo na i-hack yung tao para makakuha ka ng personal information?”

            Nanlaki ang mga mata niya. “H-Hindi ah!”

            “Sige deny pa,” sarkastikong sabi ni Maan. “Kilala ka namin, Aniza. So sino ang lucky guy? Sa wakas in-love ka na!”

            Sumimangot siya. “Lucky nga ba? Eh lagi ngang nakasimangot iyon eh…”

            “So nagkita na kayo?” excited na tanong ni Snow. “Info please!”

            Bumuntong-hininga siya. Kinuwento nya sa mga ito kung paano niya ito nakita, kung paano niya ito sinundan, ang eksena sa grocery store, ang kanyang mga panaginip at kung bakit niya naisipan na pag-aralan ang hacking.

            “So sa panaginip lang, na-inlove ka na? Posible ba 'yun?” tanong ni Maan.

            “Aba malay ko!” sabi niya. “Lagi ko siyang napapanaginipan. Hanggang sa feeling ko sobrang hooked na ako sa kanya. Gusto ko siyang makilala ng lubusan.”

            “Pero mag-iingat ka,” babala ni Snow sa kanya. “Paano kung eventually, makapasok ka nga sa sinasabi mong database nila at biglang ma-trace ka nila? Ano’ng gagawin mo? Mayaman si Lance. Kayang-kaya ka no’n ipakulong. Mawawalan kami ng nerdy bestfriend…”

            “Baliw,” sabi niya. “Syempre, mag-iingat ako. Huwag kayong mag-alala. Actually nacha-challenge ako sa security ng database nila. Too tight eh. Pero info lang naman ni Lance ang gusto ko makuha.”

            “Tapos? Ano’ng gagawin mo sa info niya? Sapat nab a iyon sa’yo? 'Wag mong sabihin na mag-a-apply ka ring katulong niya?”

            “Hindi noh!” napaisip siyang bigla. Ano nga ba ang gagawin ko sa info na makukuha ko? Sapat na nga ba iyon para mapalapit ako sa kanya?

            Bumuntong-hininga siya. Hayst… bakit ba napaka-kumplikado ng pag-ibig…

“SIR Lance, may bisita po kayo.”

            Napatitig si Lance sa sekretarya niya na pumasok sa opisina niya. “I don’t remember to have an appointment with anyone as of now. Sino 'yung bisita ko?”

            Alanganing sumagot ito. “Kilala nyo raw po siya eh. Nagpipilit na pumasok. Sabi ko ipagpapaalam ko muna sa inyo. Babae po, Sir…”

            Nangingkit ang mga mata niya. “Sige papasukin mo.” Umalis agad ito.

            “Lance! Long time, no see!” magiliw na sabi ng babae pagpasok nito sa opisina niya.

            “Lyn?” gulat na sabi niya.

            “The one and only,” ngumisi ito. “Kumusta na? Lalo kang gumwapo ngayon, ah,” nakipag-beso ito sa kanya.

            “Okay lang. Busy sa business. Gumaganda ka. ‘Yan ba ang nagagawa ng mga nag-aaral abroad?” nakangiting sabi niya. Inanyayahan niya ito na maupo sa upuan sa harap ng table niya.

            Naupo ito na nakangiting hinarap siya. “Haha. Anyway, sobrang na-miss kita, Lance. So wala ka pa ring girlfriend, right? Baka pwede nang mag-apply. Tutal tapos na ang pag-aaral ko sa college.”

When Miss Hacker Meets the MillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon