Chapter Two

8K 163 3
                                    

CHAPTER TWO

"Don't hold back..."

            Hindi alam ni Aniza kung ano ang gagawin niya. Nakatingin siya sa isang salamin, wearing a red long silk gown. She can see herself blushing so hard in front of the mirror. May nakatayong lalaki sa kanyang likuran at nakayakap sa kanya.

            Ibinaba ng lalaki ang kanang strap ng kanyang gown at hinalikan siya sa kanang tainga. She let out a sigh.

            "A-Ano..."

            "Mmmm..." naramdaman niya ang pagdampi ng labi ng lalaki sa kanyang leeg.

            Nararamdaman niyang mawawala na siya sa huwisyo. Bago pa man mangyari iyon ay pilit niyang inaaninaw sa salamin ang lalaki.

            At nagulat siya na ang lalaki ay si...

           

"Aniza!"

"Hah!" napabangon si Aniza sa kanyang pagkagulat. What the... Anong panaginip 'yon?!

"Aniza, gumising ka na at mag-a-alas otso na. 'Di ako makakapunta sa coffee shop ngayon dahil may lakad kami ni ninang Tessie mo sa Divisoria," wika ng kanyang nanay. Tsaka lang niya napansin na nakatayo pala ito sa tabi ng kanyang kama.

Pupungas-pungas na sumagot siya. "Opo, 'Ma. Pasalubong nalang."

"Ikaw talaga. O siya aalis na ako. May almusal na sa mesa. May iba ka bang tatapusin na trabaho ngayon?"

Nag-isip siya. "Hmm... Opo meron. 'Yung web design ng isang telecom company kailangan ko i-submit ngayon."

"O sige. Doon ka na sa shop gumawa para mabantayan mo na rin ang mga tao natin doon."

"K."

Nag-umpisa na siyang mag-unat at maghanda ng isusuot bago siya maligo.

Nakatulala si Aniza sa harap ng kanyang laptop. Hindi siya makapag-concentrate. Palagi siyang ginugulo ng panaginip niya.

            "Grabe. Halos limang araw ko na napapanaginipan 'yung lalaki na 'yon. Sino kaya 'yon? Tsaka... 'Yung panaginip ko kagabi parang... Saan nalang hahantong 'yon pag 'di ako nagising," nanlaki ang mga mata niya.

            Pilit niyang iniisip kung sino man ang lalaki na iyon sa kanyang panaginip. Pamilyar 'yung bulto niya... 'Yung boses parang pamilyar din...

            Sinampal niya ng mahina ang magkabilang pisngi niya. "Argh hindi ko dapat 'yon iniisip ngayon. Kailangan ko mag-concentrate or else good bye money!"

            Pero kahit na ano ang gawin niya, hindi pa rin mawala sa isip niya ang kanyang panaginip.

Kinagabihan naisip ni Aniza na pumunta sa grocery para mamili ng personal niyang gamit. Tumunog ang cellphone niya. "Nag-text si Mama." Binasa niya iyon habang papunta siya sa basket area. Habang nagre-reply siya sa text message, inabot niya ang basket. Pero hindi ang hawakan noon ang nahawakan niya. Kundi isang kamay. Napatingin siya sa may-ari noon. Napatulala siya.

            "L-Lance!" napabulalas siya. Oh, no! Stop it, heart! Ang lakas ng tibok ng puso niya.

            Napatingin si Lance sa kanya. Nagtataka ang ekspresyon ng mukha nito. "How did you know my name?" sabi nito.

            Hindi agad siya makapagsalita. Literal na napatunganga siya rito. Ang crush ko... nasa harap ko... Haay...

            "Hello?!"

            "A-Ahh a-ano... Syempre nakikita kita sa T.V sa interviews mo..." at sa coffee shop namin!

            Diskumpyadong nakatitig pa rin ito sa kanya. Sabay alis.

            Sinundan niya ito ng tingin. "Ganoon lang uli 'yon? Haay, ano ba kasing ine-expect mo Aniza."

Palihim na sinundan ni Aniza si Lance habang namimili rin ito. Malayo ang distansya na rito para hindi siya mapansin.

            "Para naman akong stalker nito," bulong niya sa sarili. Naku-curious siya sa kung ano ang bibilhin nito. Kung anong mga brand ang pinipili nito. Nang may kinuha itong imported na kape sa shelf, nang umalis ito ay kumuha rin siya ng kape. "Hmm masubukan nga 'to..."

            She think what she was doing is crazy. Pero hindi rin nya mapigilan ang sarili niya. Gusto niya si Lance. At parang araw-araw ay lumalaki ang damdamin niya para rito. At ang pagkakataon nga naman, madalas na nakikita niya ito kung hindi man sa café nila ay nakakabangga niya ito.

            Habang kumukuha siya ng lotion, sinilip niya kung nasaan si Lance. "Shet nawala!" Hindi niya na ito makita. Nagmamadaling naglakad siya. Pagliko niya ay nabangga siya ng mahina sa isang bulto.

            "Are you following me?"

            Ow shet! "H-Ha? H-Hindi nagmamadali na kasi ako kasi kailangan ko na umalis... Hahaha..." hindi siya makatingin sa lalaki. Kinakabahan na hindi maintindihan ang nararamdaman niya. Bakit kasi ang gwapo niya... Kaso ang sungit... Pero okay lang..

            Naningkit ang mata nito. Tipong nagdududa. "I have no time for stalkers. So just please stop."

            "H-Hindi kita sinusundan!" depensa niya kahit hindi totoo ang sinabi niya.

            Umalis na ito palayo.

            "Haay naman, oh. Bakit kasi nagpahuli ako."

Someone is kissing her passionately. She can feel everything. Napayakap siya ng mahigpit sa lalaki. Hinapit siya nito ng mahigpit.

            She was about to take some breath. Lumayo siya ng bahagya rito. Pag angat niya ng mukha, ang lalaking humalik sa kanya, walang iba kundi si Lance.

            Napamulagat siya. "Panaginip na naman!"

            Napatulala siya. "Si Lance 'yung lalaki sa panaginip ko?" the realization sink into her. For some reasons, she was falling in love for Lance. Hindi niya alam kung sapat nga ba na dahil lang madalas niya itong napapanaginipan ay na-in love na siya sa binata.

            "I-If I'm really in love with him... I should get to know him more..." bulong niya sa sarili. Mas gusto niya itong makilala pa.

            "Isa lang ang naiisip ko na paraan..."

When Miss Hacker Meets the MillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon