"Are you okay now, hon?", masuyong tanong niya sa dalaga ng makauwi ito sa condo. Ngumiti naman ito at tumango bago siya niyakap.Ah, my clingy honey.
"Nagkaayos na kami ni Dad.....and he wants to talk with you."
Bigla siyang nanigas sa sinabi nito. Kaya nga maaga siyang umuwi dahil natatakot siyang harapin ito. Call him coward but he really is when it comes to Celine's father. 'Nung nahuli nga sila ay ganoon na lamang ang pangangatog ng kanyang tuhod sa banta nito sa kanya.
Naniniwala na talaga siya na 'pag mahal mo talaga ang isang tao, takot ka sa tatay nito. Isa lang talaga ang kinakatakutan niya dito, ang paghiwalayin sila ng dalaga.
"Hon, are you okay?", untag sa kanya ng dalaga ay bahagyang tinampal ang pisngi.
"Ah, yeah.", pilit na sagot niya dito saka pilit na ngumiti. Biglang ngumisi ang dalaga.
"Takot ka kay Daddy, noh?", tukso pa nito.
"O-of course, not!"
Pero tinawanan lang siya ng dalaga.
"Binigay ko ang number mo kay Daddy kay huwag ka ng magtaka kung may matanggap kang Death Threat."
As of on cue, his phone rang. Hindi pa man niya tinitignan ang tumatawag ay napautong na ang kanyang sikmura.
"H-hello..?", bati niya sa kabilang linya.
Nakita niya ang dalaga na nakahawak sa bibig nito at pinipigilan ang tawa.
"Meet me at Cel Cuisine, young man. 7 PM sharp." Bungad at paalam nito sa kanya. Hindi man lamang siya nakapagpaalam.
"Oh? Anong sabi ni Daddy?", asar pa rin ng dalaga sa kanya.
Ngumisi siya dito at nilapitan ang dalaga.
"Sabi niya, buntisin raw kita.", pilyong saad niya dito."Parang hindi naman---hhmmpp!"
Hinalikan niya ang dalaga para hindi na makapagsalita pa. Susulitin niya ang gabing 'to habang hindi pa niya namemeet ang Daddy ng dalaga, hindi pa man nangyayari ay alam na niyang hindi ito papayag na gagalawin niya ulit ang dalaga.7: 30 pa lamang ay nandoon na siya sa tinutukoy na lugar ng Daddy ni Celine. He made sure na nasa ayos ang kanyang buhok at walang gusto ang suot ng kanyang damit. Magugustuhan kaya siya ni Tito Xile? Of course, siya nga ang pinili na ipakasal kay Celestine, 'di ba? Because he is the only better Benjamin. Pero paano kung hindi na siya nito gusto? Basta, papakasalan niya pa rin ang dalaga sa ayaw at gusto nito. Pero mas maganda rin naman kung may blessing-----
"Ehem."
Napatayo siya sa gulat ng may tumikhim sa kanyang harapan. Nandoon na pala si Tito Xile. Matikas ang pangangatawan nito kahit na nasa fifties na. Kaya kung gustuhin man nitong suntukin siya ay kayang-kaya nito.
"Ah..uhm..T-tito..", bahagya siyang yumukod at nataranta kung anong gagawin.
Lumapit siya dito at ipinaghila ng upuan dahilan para tumikwas ang isang kilay nito. Napahiyang bumalik siya sa kanyang kinauupuan at umupo.
"Did I tell you to sit?"
Tila napapasong napatayo siya mula sa pagkakaupo. Halos tumaas ang balahibo sa buong katawan ng tumawa ito.
"I'm just kidding, young man. Sit down.", natatawang saad nito sabay upo. He sighed in relief and sit. Sumenyas siya sa waiter para sa menu.
He just let the old man choose their food to eat. Habang sinasalaysay nito ang mga pagkaing gusto nito ay tila tinatakasan siya ng dugo sa katawan.
BINABASA MO ANG
Uno's Dirty Secret (4th Gen #4)
Romance"You're mine, Rizon. I am willing to be your dirty secret just to be with you" Benjamin Series #1: Uno Rizon Benjamin Cover by: @aiarts If you want book cover you can contact her : ). I love her covers!