Perfect Twenty One

31.1K 605 13
                                    

"Kumusta na ang girlfriend ko? Let me see her!" Akmang bubuksan na niya ang pinto ng pigilan siya ng doctor.

"Mr. Benjamin----"

"No! Let me see her! I need to see her!" Nagpupumiglas siya sa hawak ng doctor, pati na rin sa mga guard na nakahawak rin sa kanya. Pero hindi siya nakawala sa hawak nito dahil nanghihina pa rin ang kanyang katawan.

Ng maobserbahan ng doctor na hindi na siya nagpumiglas ay giniya siya nito sa upuan. Doon lang niya naramdaman ang pagod.

"Fuck this!", impit na bulong niya. Naramdaman niyang nag-iinit ang kanyang mata at ano mang oras ay babagsak na ang kanyang luha.

His baby.. Kung kailan okay na ang lahat ay saka pa ito naaksidente. Ang malala pa ay nasa kritikal na kondisyon ang dalaga. Napatayo siya sa kinauupuan, naalarma naman ang guardiya na nasa tabi niya pero wala siyang pakialam. Humakbang siya papalapit sa dingding at binuhos niya ang sama ng loob sa pagsuntok dito.

"Damn!" Mura niya. Akmang susuntok siya ng pangalawang beses ng may pumigil sa kanya.

"Tama na, hijo.".....it's Celine's father. Nakita niya sa mukha nito ang labis na pagkalungkot dahil sa nangyari sa anak. Napadaosdos nalang siya paupo sa sahig at napahilamos ng mukha.

"It's my fault. It's my fucking fault!" Sisi niya sa kanyang sarili. Hindi na niya napigilan ang lumuha at wala siyang pakialam kung magmumukha siyang bata at pinagtitinginan na siya ng tao.

"K-kung sana sinundo ko s-siya.. H-hindi sana mangyayari 'to."

Naramdaman niya ang pagtapik ng ginoo sa kanyang balikat.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, anak. Kung may sisihin man ay dapat ako 'yon. Kung sana hindi ko siya pinilit na papuntahin sa bahay, sana nandoon lang kayo sa condo mo." Bakas ang pagsisisi sa boses nito.

Nawalan siya ng imik. May punto ito. Pero hindi niya alam kung bakit hindi niya masisi sa ama nito. Siguro ay dahil sa respeto niya dito.

Bumukas ang pinto ng Emergency Room. Lumabas ang isang doctora. Bakas sa maamong mukha nito ang pagod, ngunit nagawa pa rin silang ngitian nito.

"The patient is okay now. But she's still under observation."

Tumayo siya mula pagkakaupo at humarap sa doctora.

"C-can I see her now?"

"Ililipat na muna siya sa isang private room. Sa ngayon ay wala pa ring malay ang pasyente but don't worry, magigising siya anytime."

Nakahinga na siya ng maluwag sa sinabi ng doktor. Pero hindi pa rin matanggal sa kanya ang pag-aalala. He need to see her. Alam niyang hindi mapalagay ang loob niya kung hindi makikita ang dalaga.

Ilang minuto ang lumipas ay natagpuan niya ang sarili sa loob ng isang private room kung saan nandoon ang walang malay na dalaga. Hawak niya ito sa kamay at palihim na nanalangin na sana ay magising ito.

"Please, baby, wake up..." Bulong niya habang hinahalik-halikan ang palad nito.

Natigilan siya ng bahagyang gumalaw ang daliri nito. Akala niya ay namamalikmata lang siya pero hindi! Her finger moved!

Agad niyang tinawag ang doktor na dali-daling pumasok sa silid ng dalaga.

"What happened?" Tanong ng doktor at nilapitan ang dalaga.

"Her finger moved!"

"She's awake!"

Halos napatalon siya sa gulat sa anunsyo ng doktor. In-examin muna ang dalaga bago iniwan silang dalawa sa silid.

"She's still under observation, Mr. Benjamin.," habilin ng doktora at tuluyan ng lumabas ng silid.

"Baby..."

Lumapit siya dito at marahang tinignan ito.

Pero ang hindi niya inaasahan, ang malamig na titig nito sa kanya.

"Celine?"

"Sino ka?"

















Meron itong temporary amnesia. Nakalimutan niya ang lahat ng nangyari months ago. At doon pa sa panahon kung saan wala pang nangyayari sa kanila ng dalaga. At sigurado siyang sa ala-ala nito ay hindi pa ito nakikipagsundo kay Dos.

"Huwag mo muna siyang pilitin, Mr. Benjamin. It would be painful for her and I know you wouldn't like to witness that."

He heavily sighed after hearing what the doctor said. He just stayed quite while staring at her talking to her bestfriend.

When the doctor left, he stood from his seat and walk closer to Celine.

"H-hey.." Pilit niyang ngumiti sa dalaga. Mabigat pa rin sa dibdib niya ang nangyari dito.

She smiled, casually. Not the same smile she used to flashed at him.

"Hi, salamat sa pagdalaw."

Tumango lang siya dito. Ng lingunin niya ang kaibigan nito ay sumenyas itong lalabas raw muna.

Ng silang dalawa na lang ang naiwan ay kinain sila ng katahimikan. At hindi siya sanay 'dun.

This is torture.

Kung hindi lang nakasasama na sabihin sa dalaga ang lahat ay kanina pa siya umamin na may nangyari sa kanila.

"Uhm, I've heard you want to stay in your condo once na makalabas ka na."

Tumango lang ito. Nanatiling nakatitig sa kanya.

"Actually, magkatabi lang tayo ng condo.. Uh, kung gusto mo ako na lang ang mag-aalaga sayo."

Biglang napaiwas ng tingin ang dalaga. Napangisi siya dahil nakita niyang namula ang pisngi nito.

"S-salamat pero baka nakakaabala----"

"No, it's fine. I insist."

Nag-angat ito ng tingin. "Pero hindi naman tayo malapit sa isa't-isa. It would be awkward."

Oh really? Hindi malapit? Tsk.

"Then let's be close."

"Hindi mo naman kailangan gawin 'yun. At saka, may nurse naman ako-"

"No, I think you would be more comfortable if someone you knew or comfortable with will take care of you."

"P-pero hindi naman tayo nag-uusap, 'di ba? Actually ngayon lang tayo nagka-usap ng matagal."

Damn it. Why can't she just agree?

Pero ang sabi nila, kahit makalimutan ka ng tao, maaalala ka nito gamit ang puso.

Tumikhim siya.

"Now that I'm closer to you, what do you feel?"

Nagtaka ang dalaga sa tanong niya.

"Ha?"

"May nararamdaman ka bang kakaiba?"

"H-ha? Wala naman."

"Don't lie to me, Celine."

Nagbaba ng tingin ang dalaga. "I feel uncomfortable. Kasi 'di ba hindi naman tayo nag-uusap? You barely notice me tapos ngayon nakikipag-usap ka."

"Hindi 'yan ang gusto kong marinig."

"Ano bang gusto mo?"

"Ang gusto kong marinig kung may nararamdaman ka ba saakin."

Bumadha ang gulat at pagtataka sa mukha ng dalaga. "Ha?"

Nagtagis ang bagang niya at naiyukom ang kamao. "Nevermind," then he exited the room.

Uno's Dirty Secret (4th Gen #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon