NDSC Chapter 1

711 21 3
                                    

Eto na po yung first chappy! Wee! :>

===============================================================================

Chapter 1

"Tita Rachelle!!!!! Pleaaaasseee bilhin mo na tong cellphone koo?? *puppy eyes*" Ahh! Kailangan ko talaga ng mapagbebentahan ng cellphone kong ito eh.

"Sinasabi ko sa'yo pamangkin, wala akong pera. Isa pa di ko naman magagamit yan. May cellphone na ako noh! Kahit China phone lang, ok na ako."

"Sige na nga Tita, jan ka na nga! Kainis naman ihh!" Naglakad na ako palayo...

"Eeeh! Tita please?! Pag binili mo sa'kin, ibenta mo na lang din sa iba! Pleeeaaassee? Promise may discount kaa!" Tumakbo ako agad pabalik sa kanya.

"Hay nako bata ka! Haha. Isumbong kita sa nanay mo eh! Kung ano ano pinaggagagawa mo!" O___O

"TIta, no please! E kasiii! Tsaka sabi mo di mo ako isusumbong!"

"Ganto na lang, pamangkin. Tutulungan nalang kita maghanap ng mapagbebentahan niyan. Ok na ba yun?" Nanliwanag naman ang mukha ko. Yes!

"Talaga?!!!! Waah! Tita thank you so much! Ang bait bait mo talaga!!" Niyakap ko siya. *u*

"Oo, oo na. Sige, umuwi ka na at baka hinahanap ka na ng nanay mo." Bumitaw na ako sa yakap at tumakbo pauwi habang kumakaway kay Tita.

Si Tita Rachelle, siya yung bestfriend ni Mama ko. Haha. Ninang ko nga iyan eh, kasu Tita tawag ko. Nasanay kasi ako eh.

Hahaha. Hiiii!! Ako si Hera Yoon. 15 years old. Anak ako ng magulang ko. Haha. Malamang! Anak ako nila Maricar Poblacion-Yoon at ni Rio Yoon. Ang bilis ng panahon no? Parang dati lang, PBB teens palang sila, ngayon may 15 year old na anak na sila. Hahaha. Ahhm! Readers! May tanong ako! May kilala ba kayong mapagbebentahan ng cellphone? Sony Ericson to. Maganda! T700 ata unit nito. Pero original to ah! As in! Medyo bago pa naman. O ano? Tulungan nyo naman ako! Kasi kailangan ko ng pera! T.T Maykaya naman kami kasu ayaw ko humingi kila Mama. Papagalitan ako nun! Gusto ko kasi manuod ng isang concert, e wala akong pambili ng ticket. Kaya naisip kong ibenta nalang ang cellphone ko. Ang bumili ng phone ko, may kiss mula kay author! ^__^

Di muna ako umuwi, dumiretso ako sa kapitbahay ko na bestfriend ko. Siya nalang ang pag-asa ko! Haha. Sana matulungan nya ako. TT^TT

"Gee!" Sigaw ko sa labas ng gate nila habang sinisilip sa may maliit na puwang kung pagbubuksan na niya ako.

"Oh, Hera, bakit?"

"Pwede papasok muna? Makikita ako ni Mama eh. Di ako nagpaalam lumabas ng bahay." Sabi ko sa kanya at ngumiti ng malapad.

"Haha. Ikaw talaga, tara pasok." Sabi niya at sinundan ko siya papasok.

"Gee, bilhin mo naman ang phone ko." Panimula ko sa kanya. At halata namang gulat siya.

"A-aba!! Bahala ka! May cellphone ako noh!" Ang bait talaga ng bestfriend ko. Hay nako!

"Sige na! O kaya hanapan mo nalang ako ng mapagbebentahan? Pleaase...." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"E baka pagalitan ka ng tatay mo! Padala niya yan sa'yo diba? Tsaka, e di wala kang gagamitin pag binenta mo yan diba?" Ay oonga noh. Hmmm. Bright idea! Ngumiti ako ng nakakaloko.

Nang Dahil Sa CellphoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon