NDSC Chapter 4

372 16 0
                                        

===============================================================================

Chapter 4

*kring kring*

Tumunog na ang bell kaya naman ako ay nagmadali na. Nandito pa kasi ako sa locker room. Iiwan ko yung phone ko. Haha. Yes, nagpadala na si Daddy ng bagong cellphone. iPhone 5. Kiiiw! Hahaha. Labs talaga ako ng tatay ko. Balak nga kunin sa'kin ni Mama eh kasu para sakin yun eh. Haha. Na sa akin pa din yung phone na bigay ni Gee. Akin na daw yun eh. Di pa nila alam na may bago akong phone. >:))) Kinuha ko na din yung ibang things na gagamitin ko for morning classes.

Late naman lagi dumating ang first teacher ko kaya ok lang kahit maglakad ng mabagal. Ang dami kong libro. Biruin mo ba naman kasi ang English ko, dalawang libro ang ginagamit sa isang araw. Pero nagagamit naman. Tapos yung Filipino book ko pa. Araling Panlipunan at Computer. Ang damiii! -__-'''

"Good morning, Hera!" Bati sakin ng isang singkit na lalaki kasabay ang pag-akbay sa balikat ko na may malapad na ngiti sa mukha. Ang gandang panimula ng araw. Haha. O///O

"G-good morning." Sabi ko sa kanya at ngumiti din. Nakaakbay lang siya sakin habang naglalakad. Parang akbay na tropa. Anuba naman tong lalaking to. Di man lang ako tulungan sa mga dala kong libro. Mabigat ha! Haha.

Wala pa ang aming napakagandang teacher namin sa room. Buti naman. Hahaha. Na-enjoy ko kasi yung pag-akbay sakin ni Josh. Kaya ano-- ahm, medyo binagalan ko yung paglalakad kanina. Hahaha. Ako na maarte! Bat ba!

"Good morning class." Biglang pasok niya sa room namin. Tatayo sana kami at babati sa kanya pero nagsignal siya na umupo nalang kami. "Ok, next week na uli ang exams nyo. Mag-aral kayong mabuti. Ibibigay ko na sa inyo itong time ko ngayon. Feel free.  Maggagawa pa ako ng exam nyo eh. Basta lahat ng na-discuss kasama yun. So, that's all." Sinabi niya iyun ng tuloy-tuloy walang hinto. At lumabas ng room.O yeah! Free time! \m/

Kasu. Ano ba naman yan! Di ko pa nga napapakita kay mama yung last exams ko, exams ulit. Nananadya ba? Psh! At papahuli ba naman ang mga kaklase ko? Ayun! Mga nagbubulungan agad. Mga ugali talaga. Nako!

Buong araw, hindi ako nakikinig sa klase. E, kasi tinititigan ko si Josh. Ang ganda kasi ng mata nya. Akala mo may eye liner na pero wala naman. Gwapoo! Di na siya nagsasalamin. Naka-contact lenses na din siya. Kaya mas naging gwapo pa siya tuloy. Talo na niya ang bestfriend Gee ko. Hahaha.

Nakinig pala ako nung Music Class namin. Nadulas kasi yung teacher ko dahil sa madulas na sahig. Dahil mababaw ang kasiyahan ko, sobrang natawa ako. Hindi lang naman ako eh. Pati si Gee ah! Actually, kaming lahat! Hahahaha. Ayun! Nagising tuloy ako kakatawa. Pero after ng Music class, tulog ulit ako. Haaaay. Kaantok.

3 days nalang before the examinations. At dahil bestfriend ko  ay dalawang matalino. Sila ang tutor ko! Dalawang gwapong lalaki tapos mga gwapo. E ano ba yan! Inspirasyon talaga! Dun kami sa bahay nag-aaral. Jusko! Nagmistulang library ang kwarto ko sa sobrang dami ng nakakalat na libro.

Nang Dahil Sa CellphoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon