NDSC Epilogue

416 24 37
                                    

===============================================================================

Epilogue

"Chonun Joshua Kim ih eyo."

"Ano ba kasing iniisip mo?"

"Can I ask you out?"

"Mahal kita."

"I'll be back very soon."

"I want you to be my girlfriend."

Arghh. Those words. Yung mga salita niyang iyan na nagpapakilig sa'kin lagi. Bakit kasi nagkasakit pa yung tatay niya? Pero di ko naman sinisisi eh. Haay.

Ganito pala yung love. Kasi nung una, medyo naiinis pa ako sa kanya kasi di ko siya feel maging friend. Kasi naiiba siya sa'kin.

But I didn't expect na magiging close kami and eto nga, madedevelop yung feelings. Haaaay. 

Andito ako sa waiting shed sa tapat ng school namin. Pauwi na ako, at hinihintay ko lang si Gee. Bakit kasi napaka-reponsible ng best friend ko? Yan tuloy! Lahat ng utos ng teachers siya ang gumagawa. E di ako pa tuloy ang naiinip. Haist.

Mag-isa nga lang ako dito sa shed eh. Kung nandito lang siya, magkakasatan at mag-aasaran pa kami.

Kilala nyo naman kung sino ang tinutukoy ko diba? Namimiss ko tuloy siya. Kasi naman eh! Hahaha.

Yung boses niya. Nagpplay sa utak ko. Kahit slang siya magtagalog, ang sarap pa din pakinggan.

Pinikit ko ang mga mata ko. And iyun, nagrerewind sa isip ko yung mga times and memories na kasama ko si Joshua.

Yung mga yakap at holding hands na yan. Agh.

Nagf-flashback yung times na yun......

Yung nakipag-shake hands ako sa kanya nung una kaming magkasama nila Gee.

Yung sabay-sabay kaming umuwi tuwing hapon.

Yung nagtuturuan kami sa bahay para sa English at Filipino subject.

Yung sabay-sabay kaming gumagawa ng assignments sa bahay namin.

Yung isa na din siyang favorite ng nanay ko kasi matalino siya katulad ni Gee.

Yung binili niya yung cellphone ko at dahil dun may pera ako pambili ng ticket sa concert ng BigBang.

Yung napapaniginipan ko siya sa gabi kahit ayoko na mapaniginipan siya.

Yung accidentally na napunta siya sa ibabaw ko kasi nagkakasatan kami.

Yung unang yakap niya sa'kin at di ko alam kung ano ang nag-urge sa kanya para gawin yun.

Yung naglaro kami sa park ng volleyball.

Yung lagi na kaming magkasama kasi si Gee ay may date.

Yung nag-aassume ako na may gusto siya sakin.

Yung first date namin. 

Yung nagcut kami ng classes tapos nagpunta sa mall, sa garden niya, sa isang amusement park.

Yung hinawakan niya yung kamay ko all day.

Yung sinabi niyang ang babaeng dadalhin niya dun sa garden na pamana sakanya ay yung pakakasalan niya. Sinagot ko siya ng "Ilang babae na ang nadala mo dito?" tapos he answered me with a kiss. "Ikaw lang." He said after the kiss.

Nang Dahil Sa CellphoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon