Sherie POV
"Hi! Ikaw si Sherie, right?". Tanong ng lumapit sa akin na si Elissa. Eliss for short. Tumango ako bilang tugon. Eliss is a transferee here in Meteor High School.
"Ma'am told me that I need to help you in fixing the stage". Sabi niya sabay tabi sa akin dito sa cafeteria. Sabi kasi ni ma'am na may makapartner daw ako kasi may nag volunteer na gagawa ng pag palamuti sa stage kaya lang nakasanayan na nila na ako ang utusan. Hindi naman ako tumanggi na magkaroon ng partner dahil narin para 'di ako mahirapan sa pag decorate.
May gaganapin kasing Activity bukas sa school tapos sa ka ek ekan ni ma'am kailangan pang lagyan ng dekorasyon sa stage. Una, ay may sayawan na magaganap sa stage. Tapos, may maglalaro ng basketball sa covered court. Sa tapat ng stage ay ang Covered Court.
"Oo, Yun ang sabi ni ma'am at mamaya na tayo magsimula" sabi ko sa kanya and then she smile at me. Sa ngiting iyon nakita ko kung gaano siya kaganda. She is the exact definition of a Goddess. Nginitian ko din siya.
Naging tahimik kami pagkatapos naming mag ngitian hanggang sa matapos ang lunch. Hindi pa kasi kami masyadong magkakilala and she's not also sociable neither I am so we finished our meal quietly.
Pumunta ako sa principal office kasi may ipinahatid si ma'am sa principal. Pagkatapos nagtungo agad ako sa stage. Pagdating ko doon, nakita kung nasa ibabaw ng upuan si Elissa at akmang isasabit ang tela ngunit sa 'di inaasahan nadulas siya sa upuan. Tumakbo ako sa kanya pero hindi ko siya nahawakan kaya nahulog siya. Pero nahulog siya sa pwesto ko kung saan tumigil ako sa pagtakbo, nasalo ko rin naman siya pero natumba naman kaming dalawa.
"Are you okey, wala bang masakit sayo" Nakita kung tumango siya. Tumayo ako at tinulungan siyang tumayo.
"Ayos lang ako, salamat" Sabi niya at akmang aakyat na naman sa upuan pero pinigilan ko.
"Ako na! Diyan ka nalang sa baba baka kung anong mangyari sayo dito sa taas. Sabihin mo nalang kung saan ko to isasabit" Sabi ko sa kanya at tumango naman siya at ngumiti. Tinuro niya ang pwesto kung saan ko ito isasabit. Ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng mga tela sa itaas ng stage. Natagalan pa ako kasi mahirap isabit. Pagbaba ko napa mangha ako sa nakita ko. Ang ganda ng stage. Bumagay sa telang naisabit ko ang inilagay niyang mga bulaklak sa baba.
Ang saya kong makita ang resulta ng ginawa naming dalawa.
Tiningnan ko siya ng nakangiti. Nakita ko din siyang naka ngiti sa akin.
BINABASA MO ANG
I am NEMESIS
Short StoryNag transfer si Elissa (Eliss) sa Meteor High School. Nagkaroon siya ng kaibigan dahil pareho sila nitong taglay na kakayanan. Naging tanyag ang pangalang Eliss dahil sa taglay nitong talento. Sa ginawa ni Eliss hindi niya napansin na nakakaapak na...