Sherie POV
Tiningnan ko ang phone. Hindi nag text si Eliss. Marahil busy. Hindi ko na pinansin at sumakay na sa motor ko patungong school malapit na kasi akong ma late.
Hinanap ko agad si Eliss at nakita ko itong nasa upuan na niya pero mukhang natutulog sa desk ng upuan niya.
Nagtuturo na ang Art Teacher namin. Pansin ko hindi siya nakikinig dahil sa antok.
Lumapit agad ako sa kanya pagtunog ng bell.
"Eliss. Okey ka lang ba? Parang antok na antok ka!"
"May ginawa kasi ako kahapon. May inutos si Ma'am sa akin. Tayo sanang dalawa ang gagawa kaya lang wala kana sa school nong hinanap kita"
"Ah. Sorry. Masakit kasi ulo ko kaya umuwi na ako ka agad" binigyan ko siya ng prutas na apple.
Nalaman kong naglagay siya ng mga design o kung ano pang isasabit sa room ni ma'am na nagpapaganda sa Room nito. Kaya pala iba na ang hitsura ng room ni ma'am pagpasok ko kanina. Hindi rin siya naka pagtext sa akin kasi busy nga.
Nagpapahagin ako kasama si Eliss sa Garden. Nag-iisip ako kung paano ko gagawin ang project ko sa Art. Gagawa lang naman ng slogan. Madali lang naman kaya natapos na ako ka agad.
"Wala ka pang nasimulan kahit Isa na letra?"
"Ah eh! Hindi ko kasi alam kung paano mag lettering" tinuruan ko siyang maglettering. Nakuha naman niya agad kaya hindi siya natagalan na matapos.
Nagkasama kami ni Eliss palabas sa gate. Tapos na kasi ang klase at uwian. Hinintay kung makasakay siya sa Bus bago ako pupunta sa parking Area.
May nakita akong bus kaya pinara ko ito at sumakay naman si Eliss pangkatapos nagpa alam. Pumunta agad ako sa parking area para kunin ang motor at makauwi na.
Nakita kong naka upo si Dylan sa motor ko.
"Motor ko yan! Nandoon lang kotse mo oh!" Tinuro ko ang sa kotse niya.
"Alam ko! I'm here para sabihin sayo na may lakad tayo bukas. I have something important to tell you. No buts!" Tinalikuran niya agad ako pagkatapos niyang magsalita at lumakad na siya patungong kotse niya na hindi man lang hinintay ang sagot ko. Pumasok siya doon at pina andar na niya.
Naiwan akong nakanganga. This is the first time na lumapit siya sa akin at kumausap sa akin. Ngayon lang nangyari to and it's a big deal for me.
*******
Kahit naguguluhan kung ano ang sasabihin ni Dylan sa'kin ngayon ay nangingibabaw parin ang saya.Ano kayang sasabihin niya sa akin? Parang kinakabahan ako kung ano ang sasabihin niya.
Naglalakad lakad ako sa park maya't maya titingin sa oras sa Cellphone ko. Umupo na ako kanina kaya lang sumakit na pwit ko kaka upo sa bench dahil sa kahihintay sa kanya. Napagod naman ako sa paglalakad kaya umupo nalang ako. 2:00 pm ang usapan namin na magkita kami dito sa Meteor Park. Mag tatlong oras na nga akong naghihintay sa kanya dito ay wala parin kahit anino man lang niya.
Mag alas singko na wala parin siya. Nagliwaliw nalang ako sa pagligid dahil umilaw na ang mga lights sa paligid na nakasabit sa mga puno.May nakita akong bata na umiyak. Pero walang tunog ang iyak niya kaya hindi nakakaagaw ng pansin.
"Gabi na bata. Bakit ka umiyak. Nawala ka ba?" Lapit ko sa bata at hinagod ang likod niya.
"No I'm not. Umalis ako sa bahay. Hinanap ko dito sa lugar ng mga tao si Ate" I find weird sa sagot niya. Pinunasan ko nalang ang luha niya.
"Bakit? Nawala ba ang ate mo?" Taka kong tanong sa kanya.
"Hindi. Pumunta lang siya dito para makalayo" sagot ng bata. Kahit hindi ko naintindihan ay pinakinggan ko parin siya.
"I miss my ate so much. Gusto ko siyang makita kaya tumakas ako sa bahay" naku itong batang to. Sigurado akong nag alala na yung pamilya niya sa pagtakas niya.
"Alam mo bata. Sigurado akong miss ka na ngayon ng ate mo. For sure uuwi yun para makita ka. Iyang mukha mong sobrang cute nako hindi yun matitiis ng ate mong 'di makita mukha mo. Kaya huwag ka nang magsayang ng luha diyan. Ngiti naman diyan, sigurado akong hindi gusto ng ate mo na may tutulong luha diyan sa singkit mong mata" naging madaldal na ata ako ngayon. Tumigil naman ang bata sa iyak. Pansin kong ayaw pa nitong umuwi kaya dinala ko siya sa Ice Cream shop. Bumili kami ng ice cream. Binilhan ko siya ng isang galon ng ice cream. Favorite kasi daw niya.
"Ate ako nga pala si Assile" may hawak na bracelet ang batang lalaki. Hindi ko alam kong saan galing. Kinuha niya ang kamay ko at isinuot niya sa wrist ko yung bracelet. Sobrang ganda ng bracelet parang sinaunang panahon pa to galing. Tela lang siya pero may batong emerald.
"Wow! Assile. Saan mo to galing. Ang ganda!" ngumiti ako sa kanya. Ngumiti naman ang bata. Lumabas tuloy ang dimple niya.
"Sherie" Tumakbo papalapit sa akin si Dylan.
"Sorry natagalan ako. Akala ko nga hindi mo na ako hinintay"
"Okey lang" humarap ako sa bata para magpasalamat pero wala na siya. Teka! Ang bilis naman ata niyang umalis.
"Dylan. Nakita mo yung batang kausap ko kanina?" Tanong ko sa kanya.
"Huh? May bata kang kausap. Wala naman akong nakita nong lumapit ako sayo" sagot niya sa akin.
"Ah ganun ba? Eh! Nandito lang siya sa tabi ko kanina" naguluhan kung tanong. Nagulat naman si Dylan.
"Siguro umalis na. Tumakbo" Sabi niya. Nagkibit balikat nalang ako.
BINABASA MO ANG
I am NEMESIS
Short StoryNag transfer si Elissa (Eliss) sa Meteor High School. Nagkaroon siya ng kaibigan dahil pareho sila nitong taglay na kakayanan. Naging tanyag ang pangalang Eliss dahil sa taglay nitong talento. Sa ginawa ni Eliss hindi niya napansin na nakakaapak na...