CHAPTER ll

1 0 0
                                    

Sherie POV

Dahil sa ginawa naming pag palamuti sa stage kahapon ay naging magkakilala kami at simula nun ay  naging magkaibigan kami ni Eliss.

"Sherie! Bilisan natin para sa unahan tayo maka upo" Hila sa akin ni Eliss.

"Oo. Eto na! sandali nalang" Sabi ko. Natanggal kasi yung sintas ng sapatos ko.

"Hay! Ang bagal mo naman" Yumuko siya at siya na ang nag ayos ng sintas ng sapatos ko.

Dumating kami sa Covered Court at kung hindi namin tinakbo ang pagpunta dito ay malamang sa hulihan na kami uupo.

Tiningnan ko ang stage. Lumabas na doon si Seth galing sa back stage. Si Seth ang pinaka mahusay na mananayaw sa MHS. As usual, sigawan at hiyaw ng mga babae ang maririnig mo dito sa Covered Court. Hindi naman ipagkaila na gwapo talaga tong si Seth plus ang suwabe pa niyang sumayaw.

Natapos ang sayawan ng malakas na palakpakan at malakas na hiyawan lalong lalo na ang mga babae.

Sumunod ang mga player ng basketball. Nakita ko si Dylan, ang gwapo niya talaga. Bagay na bagay sa kanya yung Jersey niyang suot sa matipuno niyang katawan. Ehh?

"Sherie Sherie!! HOY!" Tulak sa akin.

"Aray naman, Eliss ano ba yun?" Inis kung tanong. Nahulog kasi ako sa upuan na inu upuan ko.

"Ehh! Tulala ka diyan. Kanina ko pa tinatawag pangalan mo" Sabi niya.

"Ahh! Eh? Ganun ba?" Sabi ko sabay kamot sa batok ko at humawak sa baywang. Masakit eh!

Nagsimula na ang laro ng basketball. Ang cool ni Dylan sa pag dribble ng bola. Para siyang si Erwin Santos sa San Miguel ng PBA. Kumaway si Dylan sa mga nanunuod nang sila'y nanalo. Napangiti ako at gumanti ng kaway katulad ng ginawa ng ibang babae.

Simula first year high school palang ay may pagtingin na ako kay Dylan. Palagi ko siyang tinitingnan mula sa malayo. Hindi sa magaling itong maglaro ng basketball o gwapo kaya ko ito nagustuhan, kundi nagustuhan ko ito dahil sa bukal niyang kalooban. Iba siya sa mga nakilala kong lalaki dito. Parang may iba sa kanya na nagpapalakas ng pag tibok ng puso ko.

Nahagip ng paningin ni Dylan ang pwesto namin ni Eliss. Natuod ako ng makitang nakatingin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya at napatingin sa katabi kong si Eliss.
Nakita kung ngumiti si Eliss at kumaway kay Dylan. Tumingin ako kay Dylan at nakita kung nakatingin siya kay Eliss at ngumiti tapos kumaway.

I don't know why but I'm hurt seeing Dylan and Eliss, waving and wearing a smile while gazing to each other.

"Ahm. Eliss? Let's go. Punta tayong Cafeteria nagutom ako bigla" ngiti kong sabi.

"Ah! Sige tara" laking ngiti niyang humarap sa akin. It feels different 'yung mga ngiti niya.

Bumili ako ng pagkain tapos kumain agad. Lumapit sa akin si Eliss na may dalang Cake at umupo sa katabi kong upuan.

"Heto cake, masarap iyan" Ngiti niya. Tinanggap ko ito. Huwag tanggihan ang libre.

"Thanks" Sabi ko ng nakangiti. Gumanti naman siya ng ngiti.

"Excuse me! Pwedeng makisabay?" Tumingin ako sa nagsalita at sumagot sana ng 'pwede' kaya lang si Dylan.

I can't resist the urge of my heartbeat. Hindi ako nakasagot.

"Ah. Oo, sige" si Eliss ang sumagot.

"Thanks. Anyway I'm Dylan and you are?" Tingin kay Eliss.

"I am Elissa and this is my friend Sherie" Sagot nito.

"Hey! Bro. Nandito ka lang pala" Rinig kong sigaw ng bagong dating sa Canteen na si Seth.

"Ah! Bro. Come here." Sabi ni Dylan. Pumunta naman sa mesa namin si Seth.

Naguluhan na napatingin si Seth Kay Dylan.

"Eliss and Sherie right? This is Seth" Ipinakilala pa ni Dylan si Seth. kilala naman namin silang dalawa ni Dylan. Eh! Sino bang hindi makakilala sa kanila na kahit saang parte ng Campus ay maririnig pangalan nila.

Ngumiti kaming dalawa ni Eliss.

"Sinong Eliss?"

"Si Elissa, Bro" Sagot ni Dylan kay Seth sabay tingin kay Eliss. Wait, it sounds like na kilala nila si Eliss.

Naguluhan naman si Eliss. At nagtanong.

"Ah, ba-kit?" Tanong niya sa dalawa.

"Ah. It's nothing" Sabi nito at umupo silang dalawa sa tapat ng inu-upuan namin ni Eliss.

Masaya silang kasama. Kahit ngayon lang namin nakasama ang dalawang lalaki ay magaan na ang loob ko sa kanila.

Pumunta agad kami sa room namin pagkatapos naming kumain.

Dapit hapon na bago natapos ang aming klase. Umuwi ako agad para magpahinga dahil sa pagod. Marami kasing pasulit si Ma'am sumakit ulo ko dahil doon. Deretso akong umuwi patungong bahay. Hindi ko na nga napansin na naiwan ko na pala si Eliss sa School. Nag text nalang ako sa kanya na umuwi na ako.

I am NEMESISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon