Sherie POV
" Hoy! Babae kung gusto mo nang mamatay dapat wala kang madadamay" sigaw ng lalaking nalampasan ko. Binagalan ko ng kunti ang takbo ng motor ko.
Maaga akong dumating sa Meteor High School. Nakasalubong ko pa nga si Dylan sa hallway. Maaga kasi ang mga player ng basketball kasi malapit na ang laban nito. Tumingin ito sa akin na nagdududa.
"Huwag kang mag-alala gagawin ko ang sinabi ko" sabi ko sa kanya bago siya nawala sa paningin ko.
Pumunta ako sa seat ko at umupo.
"Good morning. Ang aga mo Sherie" Sabi ng dumating kong kaklase.
" Eh! Paanong hindi darating yan ng maaga na halos ipalipad na nga motor niyan sa bilis ng takbo" komento ng isa.
"Wow cool"
"Cool Para sayo yun? halos lumipad na nga kaluluha ko sa nakita ko kanina" napatingin sa akin ang mga kaklase ko. Tumingin nalang ako sa bintana ko.
Tiningnan ko relo ko. Maaga pa. Pumunta nalang ako sa Garden ng School habang magpalipas oras.
"Oh! Saan mo iyan ibibigay?"
"Kay Sherie magaling siya sa mga ganito, diba? kaya lang bad mood daw siya ngayon sabi nong nakakita sa kanya, na Ang bilis raw niyang nagpatakbo ng motor niya"
"Ah, ganun ba? Bad mood nga talaga siya. Diba? Mabilis siyang magpatakbo kung wala ito sa mood"Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi pinansin ang usapan na narinig. Huwag na kayong magtataka ganito sa school na ito.
Dumating na ako sa Garden. Maaga pa kaya wala pang tao dito. Tahimik dito kaya masarap pag-pahingaan. Maraming bulakbulak ang garden kaya sariwa ang hangin na malalanghap mo dito.
Sariwa parin sa isip ko ang nangyari kahapon. Hindi ko parin limot ang sinabi niya sa akin. Sana nga hindi nalang ako pumunta sa Meteor Park kung masaktan lang naman pala ako. Nakatulog ako sa pag-iisip.
.
.
.
Na alinpungan ako dahil parang may gumagalaw sa tabi ko. Napamulat ako at napatingin sa tabi ko."Anong ginawa mo dito?"
"Nagpapahagin. Bakit?" Hindi ko siya pinansin. Ayoko kong saktan pa ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko sa kanyan. Ayokong lumalim ang pagtingin ko sa kanya. Umalis ako sa puno pero nakahakbang pa lamang ako ng isa ay tinawag niya pangalan ko. Humarap ako sa kanya at tiningnan siya sa mata.
"Dylan. Sinabi ko na sayo diba na tutulungan kita. Pero sana ako naman ang tulungan mo" Tumalikod na ako dahil gusto ko nang umalis.
"Sa ginagawa mo. Sinasaktan mo lang ako" Mahinang sabi ko pero eksaktong maririnig niya ang sinabi ko at nilisan na ang lugar.
![](https://img.wattpad.com/cover/169503883-288-k965260.jpg)
BINABASA MO ANG
I am NEMESIS
Short StoryNag transfer si Elissa (Eliss) sa Meteor High School. Nagkaroon siya ng kaibigan dahil pareho sila nitong taglay na kakayanan. Naging tanyag ang pangalang Eliss dahil sa taglay nitong talento. Sa ginawa ni Eliss hindi niya napansin na nakakaapak na...