Chapter 3

717 7 0
                                    

"Nay, Tay. Aalis na po ako." paalam ni Shay sa mga magulang nito.

"Nak, idagdag mo mga bayarin mo sa school." sabay abot ni Aling Nina ng pera kay Shay.

"Inay, mayroon pa po akong kunting ipon dito. At saka, na bayaran ko na po ang tuition ko noong isang araw. May nag order po kasi sa amin ni Rhona nang bico kaya ayon naka sideline kami." wika nito sa ina.

"Ganoon ba anak".

"Opo nay.  O sya nay aalis na po ako at baka malate ako sa seminar namin ngayon."

"Ingat nak".



Maaga syang nakarating sa school  kaya sumaglit muna sya canteen para bumili nang milk shake.

"Hai, Shay. Lalo ka atang gumanda ngayon". ngiting asong wika ni Cleavor. Palaging nag papalipad hangin ang isang ito. Sikat ito sa pagiging babaero nito sa campus nila.

"Nakakatawa". sarcastic na sabat nya. At nilampasan nya ito.

"At lalong naging pakikot kana ngayon, ah." sabay saklit nito sa braso nya." Ano? May ipinag mamayabang kana ngayon?". nang lilisik ang mga mata nito sa kanya.

"Bitawan mo ako Cleavor, wala akong panahon sa mga katarantadohan mo." sabay bawi nito sa kanyang braso at nilampasan nya ito.

Hindi nya na pinansin ang nag sisigaw na lalaki.Kahit anong iwas nya rito parang lamok ito sulpot ng sulpot. Hindi lang siguro tanggap nito na may umaayaw sa isang Cleavor.

"Oi besh, nag drama nanaman daw kayo ni Mr. Cleavor sa labas nang cantee?" habol hiningang tanong ni Sugar.

Nag salita naman si Gina na nakasunod kay Sugar "okey kalang besh? Baka hinaharass kana ng lokong yon mag sabi ka at nang maipa bogbog natin kay Sugar".

" Sakin talaga? Maawa naman kayo sa akin. Hindi ko sya type besh". tinaas nito ang kilay tanda nang pagkadisgusto nito sa lalaki.

"Shay, halikana at baka wala na tayong abutan sa seminar." paalala ni Rhona sa kanya.

"Ai, oo nga pala. Halikana Rhon. Bye mga bakla maya na tayo mag chikahan daan nalang kayo sa bahay." paalam ni Shay.

"Oh sya, at baka late narin kami nitong si Sugar."

Si Sugar at Gina ay parihang kumukuha nang Civil Engineer habang si Jane ay Political Science naman ang kinuha.



"So? Tuloy kana talaga sa maynila mag Ojt, Shay?" tanong ni Rhona sa kaibigan habang nag lalakad sila pauwi.

"Hmmm. Oo na pag usapan na namin nila itay at inay ang tungkol doon."

"San ka tutuloy nyan?

"Sa bahay nila tiya Mendang wala naman nakatira doon sabi ni itay."

"Si Sugar baka sa manila din daw mag Ojt. Naka asawa kasi ang ate nya doon. So, sa graduation na tayo mag kikita ulit nito". malungkot na wika ni Rhona.

"Ganoon na nga"

Bachelor Series1:Thron SandovalWhere stories live. Discover now