"Nak, nabili na pala yong lupa nila pareng Nilo"balita nang kanyang ama habang nag aagahan sila.
"Ganoon ho ba tay. Yong sa may burol po ba?"
"Oo,nak. Balita ko nga nak patatayuan daw yon nang isang Resort sabi nang nakapalit. Tinanong kasi ni mareng Clara kung ano ang gagawin nang may ari kung sakaling ipagbili nila ito." sabi nang kanyang ina habang inililigpit nito ang kanilang kinainan.
"Kung ganon po dagdag torismo at trabaho po yon sa ating mga kabaryo nay".
"At pwedi ka don mamasokan nak. Hindi kana malalayo sa amin kung mag kaganon nga". wika naman nang kanyang itay.
"Oo nga po tay.Nay, tay papasyal muna ako sa may gulayan at mamimitas narin po ako ng mga gulay" paalam nito sa mga magulang.
"Pwedi mong isama ang iyong kapatid para may katuwang ka sa pagdadala nang mapipitas mo". suhisyon nang kanyang ina.
"Nah, wag na po nay.Kaya ko na po. Aalis na po ako. Dadalhin ko po ang bisikleta."
"Mag iingat ka sa pag bibisikleta nak".
"Opo "
"Nay lusing may out of town po ako. Mga 1week po akon don. Kayo na po ang bahala dito sa bahay."
"San ang punta mo ngayon,Ron?"
"Sa Cristobal po nay, may titingnan po akong property."
"Hmmm."
Kinuha nito ang kanyang cellphone at tinawagan nito ang kanyang sekretarya. "Sherly, pupunta ako sa Cristobal. If something happened just email me or call me. I'll be out for 1week."
"Sir, panong yong deal nyo ni Mr. Shin?" paalala nito sa kanyang boss.
"Do something, move it next week. Tell him that I have an important matter to do. And Sherly,"
"Yes Sir?"
"Do me a reservation today in a Martinez lodge for 1week."
"Yes Sir. Is that all Sir?"
"Yes, thank you".
Malayo layo ang Cristobal. Aabotin sya nang hapon sa kanyang biyahe.
"Mark what is it?"tanong nya sa kabilang linya.
" Buddy andito ako sa opisina mo at ang sabi ng secretary mo may out of town ka. Eh didiscuss ko sana sayo yong layout na ginawa ko para sa new project natin".
"Yah, bibisitahin ko ang nabiling property ni Larry sa Cristobal. 1week ako don so maybe pagbalik ko na natin pag usapan yan."
"Okey buddy".
Dumaan muna sya sa lodge sa bayan bago tumungo sa Baryo Cristobal.
Mataman nyang sinusulyapan ang GPS sa kanyang sasakyan nang bigla nalang may kumosyong nangyari sa kanyang unahan." Shit!" napamurang wika nya at lumabas sya nang kanyang sasakyan.
Isang bisikleta ang naka bangga sa kanyang latest car.
"Hoy babae, hindi kaba marunong tumingi sa tinatawiran mo? Wala ka bang mata?" galit na wika ni Thron.
Itinayo nang babae ang kanyang bisiklita" Hoy karin. Gago ka! Ikaw ang walang mata. Wala ako sa gitna nang daan so it means ikaw ang may kasalanan. Gago tong lalaki nato. Tingnan mo ang nang yari sa mga gulay kung dala." galit na wika rin nang babae.
"So ako pa ngayon ang may kasalanan? Mas mahal itong sasakyan ko kisa dyan sa gulay mo. Tingnan mo at nagasgasan pa ito. Alam mo bang kabibili ko lang nito? Ano may pangbayad ka ba?"
Hinarap nya ang lalaki pag katapos nyang pulotin ang mga gulay na nag kalat sa kalsada. Shit, bakit may naligaw ditong gwapo sa aming lugar. Palihim na sambit nang babae.
"Ano miss, tulo laway ka na nyan. Alam kung gwapo ako kaya palalagpasin ko nalang to. Sa susunod tumingin ka sa daan at hwag tatanga tanga. Tsk". at pumasok na into sa sasakyan nya. At pinaharorot nya nang takbo ang kanyang sasakyan.
" GAGO! GWAPO KA NGA PERO KAHIT ASO DI KAKAININ YANG BULOK MONG PAG UUGALI!" sigaw ni Shay. "MABANGGA KA PA SANANG GAGO KA, argggh." sumakay na sya sa kanyang bisiklita at tinonton ang daang pauwi sa kanila.
Hope you like it guys. Like and comment po kung ano ang tingin nyo sa plot ko.
Enjoy!!!!
YOU ARE READING
Bachelor Series1:Thron Sandoval
RandomA famous business man. He has everything power, money, connection and woman. He got a charming face and a monster character. Yeah, a monster character.... He has no mercy to anyone who try to block his way. Ayaw nya sa mga traydor. Wala syang sinasa...