CHAPTER 1

388 7 0
                                    

ZAC's POV

*kringggggggggggggg*

*kringggggggggggggg*

*kringggggggggggggg*

Urgh. Letse! Ano ba naman, Kahit kelan talaga di mawawala ang panirang alarm clock pag mag-uumpisa ang istorya. So cliche, Hihi. Biro lang po!

Nabitin yung tulog ko, Ikaw ba naman matulog ng 2AM dahil sa aso niyong kahol ng kahol, Letse talaga yun si 'chuchay', Binaba ko pa yun para tignan kung ano ang nangyayari dun. Wala lang palang siyang tubig. Yun lang pala pinuputok ng siyam niyang suso. Hihi ;) Istorbo talaga to, Sana pumasok na lang siya sa bahay at kumuha ng malamig na tubig sa ref nu? at hindi na sana  naistorbo ang beauty rest ko. Hihi. Wala naman atang asong ganun nu? Kung meron, i-comment niyo nga kung may kilala kayo at ilalapit natin kay Korina ng maipalabas sa Rated K.

Anyways highways, Bumaba na ako dahil nakaramdam na ng pagtatampo ang tummy ko. Hmm, what to eat? Tinignan ko yung nasa ref. At ayun, ready to eat champorado. Just add hot water lang daw, Eto na lang kakainin ko dahil likas akong tamad at likas talaga akong tamad. Nagsalang na ako ng mainit na tubig sa isang burner at nagprito naman ako ng tuyo sa kabilang burn7er. Perfect much daw ito eh. Kumbaga sa Math ay di mawawala yung 'x' at 'z' sa isang problem. Hays, ang Math talaga andaming hinahanap. Hep! Hep! Kumukulo na ang tubig at isinalin ko na ang instant champorado at kaunting halo-halo lang ay pwede ng kainin. Uhmm, Yum :""> Ang sarap ko magluto.

Pagkatapos ko kumain ay naglinis ako ng bahay, walang tao sa bahay ngayon dahil umuwi ng probinsiya ang parents at kapatid ko may aasikasuhin daw eh. Naiwan ako dito kasi wala naman daw akong silbi. Ang nice nila noh? Hihi, Im so touched -.- Biro lang, nagpaiwan ako kasi inaasikaso ko yung mga dapat asikasuhin sa pagpasok ko ng kolehiyo. Dun pa man din ako papasok sa isang malaking gate ng university. Haha, Chenez lang! Papasok ako sa isang sikat na university. Ewan ko nga kung bakit ako nakapasa dun eh, samantalang kung anik-anik lang nilagay kong sagot dun. Urgh, Pero okay na din kasi mahal daw ang tuition dun at Im glad na may discount ako sa mga babayaran. Hindi ko naman nilagay yung Senior Citizen number nila lolo't lola kaya nagtataka talaga ako. Hays, Kung ano man yun ay lubos akong nagpapasalamat mula sa kaibuturan ng aking esophagus. Im so flattery flatterred ang flat kong chest. Hihi, Ang pretty ko :">

Ayy, Oo nga pala. Di pa ako nakakapagpakilala sainyo, daldal ako ng daldal tapos di mo pa pala ako knowing, Ako nga pala si Zircon Andrew Corpuz. ZAC for super short. Z-AAAAAAAAAAA-C for slightly long. Hihi. Tawag na sakin yun ng mga high school friends ko, ang chaka kasi ng Zircon dahil nagmumukha akong mineral na minina sa ilalim ng lupa. Ayoko din naman ng Andrew dahil di naman ako mukhang rapper. So, Okay na yung acronym. Very unique like me. IKAW MAY I KNOW YOUR NAME? OO, IKAW NA READER KA. COMMENT YOUR NAME PLEASE?

Hmm, Medyo mataas ang self-confidence ko kung napapansin niyo kasi ano ka na lang kung hindi ka naniniwala sa sarili mo na maganda/gwapo ka diba? Eh di nagkalat na ang mga laitera diyan sa kalye't iskinita, yun na ata ang papalit sa mga holdaper kung nagkataon. Kaya you should believe your self, so others wont make you down. Oh, Naks. Quotable quotes na din yan kahit parang advertisement lang ng deodorant. Haha. Incoming first year college ako, Kakasabi ko lang kanina baka nakalimutan niyo. Turning 17, nakatira sa bahay namin na may second floor, may garahe at may hardin. Lalaki ng ipinanganak at ngayon ay isang hubog nang dalaga at naniniwala sa kasabihang 'AANHIN ANG KAGANDAHAN, KUNG ANG KILI-KILI NAMAN AY MAY NABABAKAS NA KADILIMAN.'

Hindi naman talaga ako super gay, I mean di ako nagsusuot ng mga girly stuffs kasi di ako komportable dun. Uhm, Mga panglalaki pa din ang suot ko pero mahahalata mo siguro na gay  ako kapag kumilos ako. Hindi din ako ganito magsalita pag nakaharap sa ibang, marunong din ako magcontrol sa mga sinasabi ko at kahit kailan hindi pa ako naiinlove, siguro hanggang paghanga lang kasi natatakot ako, Oo natatakot ako magmahal kasi alam naman nating isa akong homosekswal at imposibleng may magmahal sakin.

DUMB WAYS TO FELL INLOVE (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon