CHAPTER 3

181 7 0
                                    

a/n: Inuulit ko po, Beginner writer lang ako. Kung may makikita man kayo na typo/grammar errors ay i-comment niyo lang, wag po kayo mahiya hindi ako nangangain at para ma-improve ko ang writing skills ko.

***

Pagkatapos ng first subject ko ay lumabas agad ako ng room para dumiretso sa second subject ko. Ayoko na ma-late at magtagal dun, shetlang. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko kanina nung nagkatitigan kami, Parang may sparks? Shocks. Pagkapasok ko sa second subject ko ay di pa dumadating yung prof ko, so nakinig muna ako sa iPod Touch ko. Makapag-soundtrip nga muna.

"Excuse me!" Tuloy pa rin ako sa pagsoundtrip. Ohyeah. Partehh

"Ahm, Hindi mo ako naririnig kaya tinanggal ko na yang nasa tenga mo. Parating na kasi yung prof natin, mahirap na mahuli ka medyo terror daw yun sa pagkakarinig ko."

Sabi sakin ng katabi ko sa upuan. Sino ang gwapong nilalang na ito? Yes, Gwapo siya I admit that. Dont tell me concern siya sakin at ayaw niya ako mabengga po the 2nd time. OKAY, Binigyan ko na naman ng meaning. I hate myself, Laging ganito ginagawa ko everytime na may ginagawa ang isang tao sakin.

"Ah, Salamat pala." Yun na lang nasambit ko. Medyo nahihiya ako. Tinablan ako eh, kahiya yung naiisip ko kanina. Enebe -_-

"No problem, ASHTON LEE ONG nga pala. Ashton or Ash na lang whatever you like. Haha. Nice meeting you."

Inilahad niya ang kamay niya sakin at nakipag-shakehands naman ako.

"Im Zircon Andrew Corpuz. Zac na lang. Haha"

Sana mag-offer ng friendship sakin to. MAAWA KA AUTHOR, Gusto ko ng may kausap sa istoryang ito.

"Uhm Zac, May friends ka na ba dito? Ako kasi wala pa eh. Pwede ka ba maging kaibigan?" Yes, I knew it. Sabi ko na nga ba eh. Tatanggi pa ba ako? Syempre hindi na.

"Sorry kung naglakas loob ako mag-offer sayo ng friendship ha? Mahiyain kasi ako actually." Nakangiti niyang sabi sakin. Ang ganda ng ngipin niya, pantay at napaka-puti.

"Okay lang Ashton, Ako din eh. Medyo nahihiya pa ako makipag-kilala sa iba."

"Good. Sabay tayo maglunch kung gusto mo? Ano ba schedule mo?"

Binigay ko kay Ashton yung schedule ko at tinignan niya naman ito. Maya-maya pa ay ibinalik niya na ito sakin.

"Nice Zac, Before lunch break ay magkaklase tayo ulit. Magkakasabay talaga tayo. Galing."

Nakita ko yung kasiyahan sa kanya. Ako din naman masya, atleast may kaibigan na ako at top to that, ang gwapo ng bago kong kaibigan.

DUMB WAYS TO FELL INLOVE (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon