CHAPTER 6

143 2 0
                                        

Zac's POV

"Aray ko naman Brett. Pwede ba bitawan mo na ako." Galit kong sabi sa kanya.

Nakalabas na kami ngayon ng room at di ko alam kung saan kami pupunta ngayon.

"Eh ayoko may magagawa ka ba?"

"Wala-- sabi ko nga tatahimik na ako."

Naramdaman ko naman na di na mahigpit yung pagkakahawak nya sakin. Di nagtagal napadpad kami sa field ng university.

"Sit down." Sigaw nya.

"Ah-- Uh. Okay." Mahina kong sabi.

"I want you to know na naririnig ko lahat ng pinagsasabi mo kanina tungkol sa B4 at sakin."

"And so? As if I care? Psh." Inismidan ko lang sya.

"Including yung lansones. Gusto mo ba patunayan ko sayo na mali ang akala mo?" Tinignan ko sya at sabay nag smirk ito.

"P*ta ka Brett. Kadiri ka. Biro lang yun ok?"

Nakita ko siyang ngumiti. Wow. For the first time. Samantalang ako kinakabahan kasi alam mo na, baka sya makakuha ng virginity ko (na ayaw ko mangyari) at isa pa field ito. Very public dito kami magkakangkangan?

"Just kidding. Akala mo naman gagawin ko yun? Umasa ka na naman." Sabi nya.

"Tanga ka ba? O sadyang tanga ka? As if naman na papayag ako?" Nilakasan ko talaga yung boses ko.

"As if naman na gagawin ko talaga?" Sabay pitik sa noo ko.

"Aray ko!"

"Can you please shut up your mouth? O hinaan mo man lang? Nagkaklase na lahat nakakaistorbo yung boses mo." Sabi nya ng malumanay.

Oo nga, nag-eecho boses ko.

"Hoy Brett! Tumayo ka dyan. May klase na tayo!"

Bigla ko naalala na di pa pala dumadating prof namin. Hinatak ko yung kamay nya at tumakbo kami. Feeling ko para kami yung sa eksena sa The Bourne Legacy.

Takbo padin kami ng takbo at di nagtagal nakarating na kami sa room namin. Hapong-hapo ako. Ikaw ba naman tumakbo ng pagkalayo-layo at aakyatin m pa yung room ng may hila-hila kang bayawak. Sayang poise ko.

"Good morning Mr. Corpuz and Mr. Brett! Where you guys have been? Youre 20 minutes late." Galit na sabi ng prof namin.

"Prof kasi po---" Bigla naputol yung sasabihin ko.

"Prof natatae kasi si Zac. Nagpasama lang sakin."

WHAT?! ANO NA NAMAN 'TONG PALUSOT MO BRETT?!

Nakita ko naman nagtawanan mga kaklase ko.

"I see. Pero rules is rules. Dahil late kayo ay maglilinis kayo. Go and grab the cleaning materials now."

Di na ako umangal, kinuha ko na yung panlinis. Nakita ko naman na sumusunod sakin si Brett. Sinimulan kong walisin yung hallway. Buti nalang sanay ako sa mga ganitong gawain, nakita kong nakaupo lang sa gilid ng room si Brett at nagse-cellphone.

"Hoy brett! Sa pagkakaalam ko tayong dalawa ang maglilinis ah. Itigil mo nga yang ginagawa mo."

Tinignan nya lang ako sabay balik sa pagtatouch ng cellphone nya.

Wow. Just wow.

Nilinis ko yung buong hallway. Tinapos ko ng ako lang. Di ko alam kung pano ko nagawa yun ng di tumutulong yung halimaw. Yes, Im referring to Brett. Sakto naman na tapos na yung time ng prof namin kaya pumasok na ako at kinuha yung bag ko para lumipat sa next subject ko.

"Zac."

"Oh bakit?!" Medyo tinaas ko yung tono ng boses ko.

"Oh eto na phone mo." Sabay abot sakin ni Brett ng cellphone ko.

"Salamat naman at naisipan mong ibalik to. Sige una na ako." Nginitian ko siya sabay alis ko.

Binilisan ko yung lakad ko kasi mahirap ng ma-late ulit sa next class ko.

/break/

"Hi guys!"

"Hello Zac." Naka-ngiting sabi ni Haley sakun habang nakain ng sandwich.

"Hello. May pagkain ka na?" Tanong sakin ni Ashton.

"Oo, may baon ako. Di na ako bumili sayang pera haha." Sabay kuha ko yung baon kong pagkain.

Nagkwentuhan lang kaming tatlo habang kumain at di namin namalayan na tapos na pala ang break.

"Zac, sabay tayo pauwi mamaya ok lang?" -Ashton

"Ok lang sige. Text nalang kita mamaya."

"Gusto nyo sabay na kayo sakin? Kasya naman tayo sa kotse." -Haley

"Wag na nakakahiya" Sabay naming sabi ni Ashton. WOW.

"Nakakahiya kasi tsaka maiiba pa daan niyo. Ok lang baka si Ashton gusto sumabay? Haha."

"Loko ka Zac. Sino gagamit ng motor ko?" -Ashton

"Biro lang. Sige na see you later!" Nagwave ako sa kanila at dumiretso na sa next class ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DUMB WAYS TO FELL INLOVE (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon