CHAPTER 5

199 8 4
                                        

BRETT's POV

"Akala mo diyan ha. Buti nga sayo! Lakas mo kasi mang-asar eh."

Sabi ko habang tumatakbo ang motor ko habang sinusuksok sa bulsa ko yung cellphone ni Zac. Pano ba naman, nanamihik ako at nagmumuni-muni habang nakaupo sa motor ko ng bigla-bilang susulpot na parang kabute at mang-aasar sabay takbo, syempre sinundan ko siya at pinaandar ko agad yung motor ko. Sakto nadatnan ko siyang nakatigil at mukhang nagpapahinga dahil mukhang hingal na hingal ito, hinablot ko na agad yung cellphone niyang hawak-hawak. Ang lakas maka-snatcher diba? Pero poging snatcher naman ako. *winks*

Ewan ko ba dun kay Zac, tuwing nakikita ko di pwedeng di ko siya maasar at ang maganda sa kanya, hindi siya agad nagpapatalo pag ginagawa ko yun, di tulad ng iba na tiklop o tikom agad pag binubully ko. Di ata aware na marami akong kayang gawin pag nasa campus! Bilib ako sa lakas ng loob niya. Pero dont get me wrong, elibs lang talaga ako at binibigyan pa niya ako ng dahilan para pagtripan pa siya lalo. Period! Im not defensive ha, Im just.. Nevermind!

Maya-maya nakarating na ako sa bahay namin, I mean 'mansion' namin. Bumusina agad ako at binuksan agad ng mga katulong yung napakalaking gate namin. Pinark ko ang motor ko at pumasok na sa loob, sumalubong agad sakin yung mom ko na nasa sofa na nanunuod ng TV.

"Good evening son! Kumusta ang pasok?"

"Okay lang mom, wala pa din pagbabago. Kakasimula pa lang nagiging bored na."

"Nako Brett! Sipagan mo na ang pag-aaral, College ka na. Dito nakasalalay ang future mo at kapag nagka-family ka."

"Yeah mom! Kumain ka na?" Pag-iiba ko ng tanong sa kanya.

"Di pa, Mauna ka na. Iintayin ko lang ang dad mo, Ngayon ang dating nila from Singapore trip right?"

"Ah. Okay." Maikli kong sagot sa kanya. Di kami masyadong close ng dad ko.  I dont know, siguro buong buhay ko nasa trabaho ang focus niya kaya di kami ganun ka-tight as father and son. Pero Im working on it, Siya lang talaga ang may problema dahil sobrang busy niya sa business namin.

Umakyat na agad ako sa kwarto ko at naghubad ng uniform. Natira lang na suot ko ay boxer shorts. Namumutok tuloy ang six-packed abs ko. Macho ko no? Oo. Tapos gwapo pa :* Humiga ako sa kama ko at ipinikit ang mata, makaidlip muna busog pa naman ako dahil kumain ako dun pinagtambayan ko kung saan nakita ako ni Zac.

*kring*

*kring*

*kring*

"What the fvck is that?" Sabi ko at tuloy-tuloy pa rin ang pagring. Dinilat ko ang mata ko, istorbo naman oh! Di ko naman phone yun kasi laging naka-silent yun.

"Oo nga pala! Yung phone ni Zac. Argh! Kahit kelan istorbo yung ipis na yun sa buhay ko!" Bumangon ako at hinanap kung nasan yung nagriring.

Tumigil na yung ring at nakita ko yung phone ni Zac sa bulsa ng pantalon ko, dun ko nga pala nalagay yun. Aish, Makakalimutin na talaga ako! Hays.

Chineck ko yung phone niya at iPhone pala ito, Mayaman siguro yun o snatch niya lang to. Hahahahahaha. Binuksan ko agad yung phone niya at para i-check ito, may 3 miscall at 5 messages ito. Buti walang password/pattern yung phone niya kaya nabuksan ko ito agad.

3 Missed Calls

+63927********

4 Messages from

+63927********

1 Message from

Ashton

Ashton? Sino yun? Out of curiosity binuksan ko yung text. Oo, pakielamero na ako pero gwapo naman. *winks*

DUMB WAYS TO FELL INLOVE (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon