2.2 [Movie] *EM'S POV*

927 11 1
                                    

Bigla akong nagulat sa tinanong ni Julie saken. Niyaya ko siya dito. Kasi sa totoo lng. Gusto ko siya, dati pa, kaya nga lagi akong nang-aasar at nangungulit sa kanya e. Pero gusto ko sana na ngayon mag-confess, pero napasok pa ang issue about sa family ko. 

"Uhmm. Sorry Elmo, sige kalimutan mo na yung tanong na yun." sabi ni  Julie at ngumiti, ewan ko ba pero nakaka-adik ang ngiti ng babaeng toh. "tara na. ganda.'' sabi ko na naman. "Kanina ka pa ganda ng ganda jan ah?" sabi niya. "Sabi ko, ganda nung teddy bear, kapal den ng mukha mo eh noh?" biro ko. "Pssh. Nuod tayo sine." sabi niya.

"ICE AGE 4?! PAMBATA! IBA NA LANG!" sigaw ko. Nagtatalo kasi kami kung ano yung papanuorin namin. "The Bourne Legacy na lang." sabi ko. "Eh! Mas gusto ko ice age e!" sabi niya. "Pssh. Kung hindi ka lang cute," sabi ko. "Ayan ka na naman e." sabi niya ulet, kala niya hindi ko napapansin yung pagba-blush niya whenever na tinatawag ko siyang ganda o di kaya cute, "Sabi ko, kung hindi lang cute yng hwak mong teddy bear." palusot.com. Haha.

Ayan... Nandito na kami sa loob. Nanunuod, ewan ko ba pero tuwang tuwa siya... Childish... 

Pero nung dumating na yung climax nung movie kung saan nakuha ng mga pirata yung asawa't anak ni Manny, imbis na tawa siya ng tawa natahimik siya. 

Nilagay ko yung kamay ko sa balikat niya. Naaaninag kong ngumiti siya, pero nagulat ako nung hawakan niya yung kamay ko at tinanggal. "Wag kang chansingero." sabi niya. "Pssh." sagot ko na lng...  

Hanggang sa ayun natapos na yung movie, grabe ang kalat naman nung popcorn nya. 

"Tara na." sabi niya nakatyo a siya habang ako nakaupo pa ren. "Dali na. Gala tayo." sabi nya. Okay, tumayo ako at sumunod sa sunod lang sa kanya, kung saang saang botique siya pumapasok... Hanggang sa may nakita akong parang promo, merong games for the couples...

Yung laro na parang pangmag-syota lang... Hmmmm... Meron dun na mga nakasabit na apple, malamang, apple kasi yung ine-endorse ng mga toh eh. Tapos merong 3 couples na naglalaro na, yung paunahan makaubos ng apple. Tapos yung price, apple products nila, by apple, I mean prutas, tapos 2 necklace na pwedeng ipa-personalize. Pwedeng ipalagay ang name niyong mag-syota. 

Hinila ko agad yung kama ni Julie, hindi ko pinapansin kung ano yung mga sinasabi niya, basta gusto kong maging masaya yung araw na toh. 

"Julie Anne San Jose and Elmo Magalona please." sabi ko sa babae. Dun kasi magsa-sign up ang    mag-couple. "Te-teka." sabi ni Julie nung nakita niya kung ano yung gagawen namin. 

Tinuro nung babae yung nakasabit na apple para same. Tinali nung isa pang babae yung kamay namin. "Makakatikim ka saken." sabi n Julie. "Ng alin? Apple?" sabi ko. "Start." sabi nung babae na magta-time samen. Wala siyang nagawa kundi tulungan akong ubusin yung apple. 

Malamang mahirap kasi nakasabit siya. Tapos gumagalaw pa yung apple. Ayan na. Medyo konti na lang... ANg bilis pala chumibog nitong babaeng toh. Kalahati na lang!!! Grabe... Nakakapressure. Kelangan kasi namin malamangan ang mga naunang couple ang pinaka-mabilis daw eh, 2 minutes and 34 seconds. 

Tinuro kami nung babae nung matapos at maubos namin yung apple. "2 minutes and 29 seconds." sabi nung babae. Yes! Nanalo kami!!! 

Punong-puno pa yung bunganga ni Julie ng apple, pero ako ganun den naman.

(_ _")

Lumapit na kami dun sa babae, ipapagawa na kasi namin yung necklace!!! Wooooh!

"Humanda ka saken." sabi niya. "Lovey po yung name nung 2." sabi ko. "Te-teka, bakit lovey?" tanong niya. "Diba nga yun nga yung bagong tawagan natin lovey?" sabi ko at pinaikot yung kamay ko sa beywang niya, baka kasi makahalata yung babae na hindi kami totoong couple eh. 

"Haha. Oo nga pala." sabi ni Julie, buti nakisakay den. Halos mapangiwi ako sa sakit nung kinurot niya yung tagiliran ko. Para sa mata ng iba, panghaharot, pero saken. Paghihigante...

Mabilis lang naman ginawa yung necklace e. Tapos nilagay sa heart-shaped box... 

"Tara na lovey. Asikasuhin na natin yung papeles naten, para mapabilis yung engagement at maghintay na lang tayo ng 2 years para magpakasal." sabi ko sabaya smirk, yung abbaeng nagbigag samen napanganga sa sinabi ko. Malamang ang bata bata pa namin e.

***

Kanina pa dada ng dada si Julie sa tabi ko, medyo ginabi na kami umuwi eh. Friday kaya ngayon... Kaya traffic. 

Pagkadating namin sa bahay nila... Ang laki... 

BUmaba ako para pagbuksan siya ng pinto. "Salamat naman!" sab niya. Papasok na sana siya nang, "Julie." humarap siya pero nasa harapan na niya ako, ilang cm lang ata ang layo namin sa isat isa. Sinuot ko sa kanya yung kwintas. "Good night. " sabi ko. At bumalik sa kotse para umuwi.

This was the best day...

Just One More KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon