11 [The Answer] *JAP'S POV*

558 2 0
                                    

Pumasok agad ako sa bahay, ano ba naman ang iniisip niya?! Natigilan ako nang biglang mag vibrate ang cp ko. 

---------------

from: angelo

   kua mo pla un, d mo mn lng cnabi, sna man lng cnbi mo ng ndi ako nasaktan ng gnun. pro oks lng freh. at least lam ko na kung ano ung tunay mung ugali. 

---------------

Ano daw? Ibig sabihin, galit siya sakin, Aba malamang Julie! sino ba naman ang hindi magagalit nun? Ang akala niya ex ko si Elmo tapos ngayon nalaman niya na kuya ko, tapos pinagtabuyan ko pa siya bago ko sagutin yung tanong niya?

"OH! Anak, tamang-tama, nandito ang mga designers, pwede ka na nilang sukatan ng gown mo." nabalik lang ako sa katinuan ng magsalita si papa. Nakita ko na may bakla at 2 assistant niya ata. 

"Hindi po ako pupunta." yun na lang ang sinabi ko at tumaas na, pero sa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan ay biglang nagsalita si papa. "Bakit? Can't you be supportive of me just this time?" sabi niya. 

"Why pa? Kelan kayo naging supportive sakin?" sagot ko at tinaasan siya ng kila, ayaw ko mang bastusin ang mga desisyon niya pero, hindi ko kasi kaya ang ganun. Yung makitang mong kinakasal ang papa mo sa iba?

Pumasok ako agad sa kwarto, nagbihis ako mula sa uniform at sinuot ang black skinny jeans ko, nag t-shirt, at nag rubber shoes. Pupuntahan ko si Angelo. Alam ko naman na hindi niya sasagutin yung tawag ko e. 

Kinuha ko na yung cp ko at dumaan sa backdoor, maglalakad na lang ako. TT^TT Wala naman akong kotse e! 

***

*TOKTOKTOK*

"Ahmm. Nanjan po ba si Angelo?" tanong ko sa babaeng, napakaganda, mukha siyang mabait. "Ah. Oo naman, teka, kaklase ka ba nya?" tanong nung babae, mama ata ni Angelo to e. "Opo." sagot ko, pinapasok naman niya ako.

Hindi na ako magugulat kung bakit napakaganda ng bahay nila. Sa labas pa nga lang e mukhang mansyon na. "Angelo! May bisita ka anak!" sigaw nung mama niya. "Ay, iha, ako nga pala si Angie, Tita Angie na lang." sabi niya sabay lahad ng kamay niya, Nakipag-shake hands ako sa kanya at nagpa-kilala.

Nakita ko namang bumaba si... Si angelo ba yan?! ang pogi kasi niya, Lalo na at wala siyang salamin, at yung buhok niya nakatayo at ang cool niya tignan. Parang hindi sya yung Angelo na nakilala ko. 

"A-anne?" nagulat ata siya. "Ahm. Angelo. Dalhin  mo muna siya sa kwarto mo. Para naman may privacy kayo. At maglilinis pa kasi ako dito, nakakahiya naman sa magandang bata na ito." sabi ni tita at pinalapit ako kay Angelo. 

"T-tara." sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko, he led me into his room, nice, puro blue an black ang gamit dito. Pinaupo niya ako sa kama niya. 

"Look, Angelo, I'm really sorry about sa nangyae kanina. And I'm here to answer you question." sabi ko, nakatalikod kasi si Angelo sa akin and his facing the window. Bigla naman siyang napaharap. 

"Really?" nakita ko yung tuwa sa mata niya. Ngumiti ako. "Hindi mo pa nga alam yung sagot eh!" biro ko, nawala naman yung ngiti niya. "ansama mo." sabi niya at tumalikod ulit. He leaned, and setted his elbows on the window pane.

"Joke lang!" sabi ko, nagulat ako ng tumalon siya bigla sa kama niya, kaya naman nagbounce ako at pati rin siya. "Andaya mo. Kala ko ex mo yung Elmo na yun." sabi niya. Habang nakadapa at nakatingala sa akin. Nakaupo pa rin kasi ako.

"Tss. I'll explain that okay? Kasi ganito yun, oo ex ko siya, dahil yun sa pagpapanggap. nagpanggap kami na mag-on to stop our parents wedding. Eh nung nagtanong ka kanina, um-epal siya, at f na f naman niya yung pagiging kuya niya." paliwanag ko, si ANgelo naman eh tumango-tango lang. 

"Ganun, ang kapal naman ng mukha niya." sabi niya. Ginulo ko yung buhok niya. "Ang pogi mo ngayon a? Anung meron? Tsaka bakit hindi ka nakasalamin?" tanong ko. Ngumiti lang siya. "Pogi ko talaga." proud niyang sabi. 

"Luhh! Kapal ng feslak mo!" sabi ko at binatukan sya. "Haha. Pero seriously Anne. Pwede ba kasing manligaw?" biglaan akong namula. "Huy! May sakit ka ba?! Ano!? Ok ka lang?!" sabi niya at napatayo. 

"Ha? Hindi ok lang ako!" sabi ko. "Ahh. Buti naman." sabi niya at humiga ulit. Pero ngayon nakatihaya na. "ANo pwede ba?" tanong niya ulit. "Pwede." sabi ko. "Talaga?!" masaya niyang sigaw.

"Baliw. Uuwi na ako." sabi ko at akmang tatayo. Pero hinawakan niya yung kamay ko kaya bumagsak din ako sa kama niya. At kaharap ko siya, ramdam na ramdam ko yung paghinga niya. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko. 

"Julie Anne P. San Jose. Will you be my girlfriend?" tanong niya, mas lalong namula ang mukha ko. "I'll th-think about that." sabi ko at akmang tatayo ulit pero niyakap niya ako. At tuwing papalag ako ay lalong humihigpit. 

"A-angelo!" sabi ko sabay tulak sa kanya. "Haha. Kaw naman. Gusto lang kitang yakapin kasi ang cute mo, para kang teddy bear." sabi niya. Tumawa siya ng malakas n sobrang init na ng mukha ko. Feeling ko, pulang-pula na talaga siguro ng mukha ko.

Tumayo na kaming dalawa. Pinagpag ko yung damit ko, habang nakatalikod sa kanya. "Sa Monday sundo kita ha?" nagulat ako kay ANgelo, nakayuko kasi ako tapos bigla siyang susulpot sa harap ko. 

Nag-nod lang ako. Ngumiti naman siya. 

*** 

Hinatid ako ni Angelo pag-uwi, nakakatuwa pa dun e, puro pick up lines ang natatanggap ko at puro panunuyo. Ewan ko, basta feeling ko I'm really special. Pano ba naman, ganito ka pogi ang manligaw sayo! Try mo!

"Hala sige na! Umuwi ka na! Gabing-gabi na oh! Magagalit si Tita Angie niyan!" sabi ko habang nakahawak sa waist level gate. Sinara ko na yun at akmang tatalikod. Pero hinawakan niya yung kamay ko at napaharap ako sa kanya.

"Nigh. Sweet dreams. loveyou. :*" sabi niya habang nakanguso. "Yuck!" nagkunwari akong nandidiri kasi ayokong mablush. "Dali na. Sa pisngi lang." sabi niya. Okay fine. Mahalikan ba naman ng gwapong nilalang. 

Hinalikan niya ako sa pisngi. "Good night na. Ingat ka ha?" sabi ko at tumango lang siya at umalis na may ngiti sa labi. 

Pumasok ako sa bahay, mukhang walang tao a? Nasan na kaya si papa? Baka pumuntang Maynila? Tss. Nakita ko naman si yaya na nakangangang natutulog sa sofa. 

Dumiretso ako sa kusina, at kumuha ng chichirya, maraming marami! Tatambay ako sa backyard. Wow, backyard talaga. Pwede namang sabihin, bakuran, gulayan, tapunan. Diba? Hahaha. Joke lang. pero tumambay naman ako dun. 

Habang kumakain, nag-iisip ako, nagpapatugtog din. Hanggang sa tumayming sa kantang napakarelated sa sitwasyon ko. 

Porque... 

(PLay the song on the right ---------> 

Oo nga, bakit sya pa yung napili ko?

Ngayon puso ko eto,, sawi.

Ang simple lang din naman kasi ng hiling ko eh! Gusto ko maramdaman niya din yung feeling na umasa na totoo na yung mga bagay na pinagpapanggapan lang namin. Yung pait at pighati.

Sana nga magmilagro, mabalik ko yung oras na tinanung niya ako about dun sa plano namin, 

At least maitama ko yung mali, maideretso ba?

Tss. Sinabayan ko na lang yung kanta. 

At siguro yung tanong niyo sakin, kung sasagutin ko ba si Angelo. The answer is yes.

Just One More KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon