13 [Room 304] *EM'S POV*

576 8 3
                                    

A/n: Sorry po sa VERY LATE UPDATE. Alam ko po na napatagalaan, kahit ako naaatat den. Choss. Pero srsly, sorry po. Busy po lately, galing pong vacation, naging busy sa bahay, and now busy sa school. So since holiday naman po bukas. (Uyyy. Hahaha. Inaabangan halos lahat ng students yann!) Mag uud po ako. Kahit short ud lang na kelegmatss lang. Choss.

Sorry po talaga. TT^TT

------

"Pre, birthday nga pala ni Joseph bukas, sama ka ba sa bahay nila? Party lang dun." nakangising sabi sakin ni Kiel. 

Napakunot naman yung noo ko. 

Syempre, since medyo matagal tagal na din naman ako dito. Nagkaroon na din ako ng mga kaibigan. 

"Tignan ko lang Pre. Baka kasi may gagawin ako bukas. Lam mo na. Sa school." sabi ko sabay iwas ng tingin, nasa harap ko lang kasi yung upuan niya at nakalingon lang siya samin. 

Agad nya akong binatukan, "Problema mo pre!" sigaw ko. "School daw. Alam ko si Anne yung didiskartehan mo ugokk! Tatago mo pa samin ha. At kelan ka ba nagsipag sa pag-aaral mo ha?!" sigaw niya. 

"Masama bang magbagong buhay?!" sigaw ko naman, napailing na lang si Kiel sakin. 

"Alam ko na yang mga pangiti-ngiti mo Kiel! Anong ginawa mo ha?!" sigaw ko. Nakangiti kasi siya ng nakakaloko sa akin. 

"Secret." sagot nya sa nang-aasar na tono. 

=______=

"Galing mo pre. sarap mo sapakin." sabi ko at humagalpak lang siya sa tawa. 

"Hahaha. Kaw na nga tong tinutulungan kaw pa tong nagagalit." sabat naman ni Pol na katabi ko. 

"Pinagtitripan niyo ba ako?" sagot ko sabay tingin sa kanilang dalawa. 

"Medyo. Pero makakatulog sayo to." automatic namang lumipad yung notebook ko papunta sa mukha niya. 

Nagsitawanan naman yung iba kong kaklase. 

"Hahaha. Im fucking happy." sabi naman ni Kiel nang naka poker face pa. 

"Hahaha. Sensya dre, nadala." sabi ko sabay pat sa balikat niya. Tumango naman sya, nagkasanayan na ren siguro kasi kami sa mga bayolenteng galaw sa isa't-isa. Kaya ayan... 

Di mo malaman kung magbubugbugan na ba o kung ano man, pero masaya. 

"Pero ano ba talagang ginawa niyo?" tanong ko ulit sa kaniya. Sasagot na sana siya ng dumating na yung teacher. 

=_____________________________________=

#MedyoPanira (A/n: LC-Learns Hashtag ampeg?! Choss)

Atat na atat akong matapos yung pagsasalita ni sir sa harap. Ang tagal... 

At nung nagring na yun bell, lumabas na agad ng room si sir. Hinila ko naman agad yung kwelyo ni Kiel. 

"Lika, dun tayo sa bakanteng room." sabi niya sabay sabay labas din ng room namin, mga 3 rooms before ours, At narating din namin yung bakanteng room na yun. 

*KLIKK*

In-on ni Pol yung ilaw. Agad na tumambad sa akin yung mga libro, posters, projector, may white board din at may laptop. 

Tinignan ko si Kiel na may confused look. 

"Welcome to Room 304. Room exclusive para sa mga kasosyo ng papa mo sa school na to. Naalala mo ba na kami ni Pol ay isa sa mga kasosyo ng papa mo dito. May isa pang student na merong susi sa room na to." pag-eexplain niya. 

"Sino?" tanong ko na parang walang naabsorb yung utak ko sa mga pinagsasasabi nila. Ang alam ko lang kasi mga kasosyo ni papa ang magulang ni Pol at ni Kiel. Pero sino yung isa?

"Si lawrence." sagot ni Pol at nakaupo sa couch, para kasing may maliit na living room sa room 304.  

"Lawrence?" tanong ko sa surname niya. Nang biglang may pumasok sa room. 

"Hey guys. Musta?" tanong ng isang lalaking, matangkad,tamang skintone, matatawag na din nating pogi, pero mas pogi ako. De joke lang. Ahahahaha. 

"First timer here." sabi ni Pol sabay turo sa akin. "Ayy, oo nga pala yung anak ni Mr. Magalona." sabi niya sabat ngiti sa akin. Mukha naman siyang mabait. 

"Eto nga pala yung susi, dalawa yung ibibigay namin sayo. Yung isa para sayo lang, at yung isa, someone na pwedeng pagkatiwalaan at pwedeng pumasok dito." sabi niya at may dinukot sa bag niya. 

Isang maliit na box. Agad ko namang inabot yun, nang buksan ko, ang laman ay dalawang susi, parang vintage ng susi yun, well, mukhang vintage din naman kasi ang lock ng room 304. 

A/n: Eto po yung susi ------------> 

Yung isang duplicate naman ay ganun din yung itsura. Kanino ko naman kaya ibibigay to? Kay ate Max? Eh nasa kabilang building yunn? Kay Saab? Dun din yunn. Haii. Tatago ko na lng to. 

"Thanks, teka, sa tinagal tagal ko na dito, bakit ngayon niyo lang to sinabi sa akin?" agad akong tumingin kay Kiel. 

"Kasi nga, ngayon kami nakahanap ng tyempo para maging kapakipakinabang sayo tong group nating ito. Bale, tutulungan ka namin na ligawan ulit si Anne." napangiti naman ako sa sinabi niya at napakamot ng ulo.

"She's taken. Masama ang manguha ng pag-aari ng iba." sabi ko sabay ngiti na parang dismayado. 

"No worries. Kami ng bahala dun OK?" sabi ni Lawrence. Napatingin ako sa kanya. 

"Gawin na natin lahat, pero ayokong gumawa ng bagay na makakasakit kay Anne." sabi ko. Tumango naman silang tatlo. 

"At meron na kaming ginawa." napatingin ako kay Pol na nakaupo lang sa couch. Habang si Kiel at Lawrence naman nagse set up ng projector. 

"Ano?" tanong ko sa kanilang tatlo. Agad naman akong hinila ni Kiel para umupo sa couch, at si Lawrence naman andun pa din nago-operate sa laptop. 

Napapatingin na lang ako kay Lawrence. Mukhang siya yung taong seryoso pagdating sa mga bagaybagay pero halatang maraming nagkakagusto sa kanya. 

Sguro dahil, mabait, matalino, gwapo. Basta marami den. Pero mas gwapo pa den ako. 

"Lika pre. Explain ko sayo yung ginawa namin, na kinatuwa ni Anne." sabi niya sabay ngiti. 

Agad din naman akong ngumiti. Masaya na ako na masaya si Anne. 

Kasi nga mahal ko siya... 

mahal ko si Julie Anne. Kaya nga din siguro ako naka interes sa Room 304 na to. 

Just One More KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon