4.1 [Pumili] *EM'S POV*

762 7 1
                                    

"Shet dre. Single pa yun?!" sabi ni Jig. Naglalakad kami papalabas at aakyatin ang gate, nang mapansin ko yung kotse ng papa ni Julie. "FUck. Kotse yun ng papa ni Julie." sabi ko. Napatigil kaming lahat. Pero nung makita ko yung car, naka-off ang makina nito, parang kakarating lang. 

"Fuck, bilisan niyo." sabi ko at mabilisang inakyat ang gate, "Gago ka dre. Kinabahan ako dun. Nga pala pwede bang ligawan yun?!" sabi ni Kick. "Ano ka ba! Akin na yun!" sigaw ni Fick. Well, si Kick at si Fick eh kambal... "Psh. Shut up." sabi ko pero. Naglalakad ako at naririnig ko pa den yung pagtatalo nila. Pero si Josh na nanahimik lang. 

Napansin ko lately medyo nagiging maputla tong ugok na toh. "Josh, okay ka lang?! Para kasing namumutla ka eh.'' sabi ko habang naglalakad papunta sa kotse. Well, sabihin na nating hindi namin toh kotse... 

Ninakaw namin toh. . . 

Ano na kaya nangyare kay Julie? Hmmm... Si Kick ang nagda-drive ngayon, ewan ko ba dito, ang bagal magpatakbo... 

"Dre. . . Yung mga lalaki sa kanto namin, mga ewan. Naghahamon ng suntukan. Mga putcha." sabi ni Fick. "Psh. Yun?! Mga kalansay lang yung mga yun eh!" sigaw ni Kick. Haist... Bakit ba parang there is something wrong with Julie? Parang may nagsasabi sak akin na dapat ko siyang balikan at tulungan dun?! Aish! Basta masama ang kutob ko.

*KRIIIING*

SI mama. "Hello?" sagot ko. Tumahimik naman lahat. "Hay nako Elmo! What is going on?! Ha?! Ha?! Sabi na naman ng tito mo, nagkita na naman daw kayo ni Anne?! Ano ka ba Elmo! Magiging kapatid mo na siya!" sigaw niya mula sa kabilang linya. 

"Ma... We'll just talk about it later okay? Bye." in-end call ko iyon at pinatay ang cp ko. Shet. Basang-basa pa ako ng ulan! 

 Parang kinabahan ako bigla-bigla. Siguro about na den dun nung nakita kami ng papa ni Julie. 

"Grabe, yung tyan ko. Tumutunog.!" sigaw ni Fick. "Gutom ka na?! T*ng ina, kakakain lang natin ah!" sigaw ni Jig. ''Magagawa mo?! Gutom ako eh!" sigaw ni FIck. 

"Wag na kayo mag-away, magdrive thru na lng tayo." mahinahon kong sabi. 

"Wag na. Sa bahay na lang ako kakain. Masarap pa luto ni yaya dyan!" sigaw ni Kick. Natatawa na lang ako sa kanilang 4. Ewan ko ba sa mga ito, pero may bumabagabag talaga sa akin e. Something about sa mga ginawa ko. Ewan ko kung kay Julie na o sa pagnakaw namin ng kotseng toh.

***

"Thank God! Nandito ka na ELmo!" sigaw agad ni mama with hand gestures pa. Kala mo naman may nangyaring himala. 

"Ano na naman ba?" matamlay kong tanong at binagsak ang katawan ko sa sofa. Kahit basang-basa pa ako. "Bakit basang-basa ka!? Hay nako ELmo! I want you to end your relationship now!" sigaw ni mama. 

''No." sabi ko. Iniwas ko yung tingin ko. "Anak! can't you just break up with her! SO we can have our wedding, peacefully?! You can't ove your own future sister!" sigaw niya. Napahawak siya sa noo niya. Alam ko pagod ka ma. Pero intindihin mo naman yung nararamdaman ko. Nararamdaman ko na magkakaroon ng bagong ama. 

At ang nararamdaman ko para kay Julie... 

''Ma! Tama na! Kayo lang ang nagsasabi nun! Mahal ko siya! Higit pa sa pagmamahal niyo kay tito!!! Kaya please! Tama na sa kahibangan mo!" sigaw ko. Hindi ko na namalayan ang pagtayo ko. Umalis na ako at umakyat sa kwarto ko. 

"Elmo! We're not done talking yet! Bumaba ka dito!" sgaw ni mama. Hindi ko siya pinansin, isang step na lang sana ng hagdan nasa 2nd floor na ako, pero nakita ko si Nanay Tess. "Bumalik ka dun bata ka. Hindi porket malaki ka na, gaganyan ganyan ka na sa mama mo." sabi niya. 

SI Nanay Tess. Yung nag-alaga sa aken since I was born. Parang pangalawang nanay ko na den sya. 

"Nay, ayoko po. Masyado niyang kinacareer yung fiance nya." sabi ko. "Maghihiwalay den nmn yung mga yun!" sabi ko at sumandal sa pader. Ngumiti lang si nanay at umiling-iling. Tumabi naman siya at dumaan naman ako, pero nung nakatalikod na ako sa kanya, 

"Mahal mo ba talaga si Julie?" tanong niya. Bigla akong napaharap sa kanya. Humarap den sya at nagcross arm. "O-o-opo." hindi ko talaga kasi sure sa nararamdaman ko, hindi ko alam kung pagiging thankful lang yung nararamdaman ko sa kanya. O sadyang totoo na. 

"Alam ko hindi ka sure." mind reader ba tong si nanay? "pag-isipan mong mabuti yan. Minsan may mga bagay kang dapat isakripisyo. May mga bagay na ititimbang at pipiliin. Ikaw sinong pipiliin mo? Mama mo o si Julie?" medyo nagulat ako. Pumili?

"Uhm. Matutulog na po ako." sabi ko. At pumasok ako sa kwarto. Nagshower ako, at hindi pa den naaalis ang sinabi ni nanay sa akin kanina. 

Pumili?

Mahal ko ang mama ko

Mahal ko den ba si Julie?

Haist... 

Basta. Yun na yun. 

Just One More KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon