7 [Talk] *JAP'S POV*

692 8 0
                                    

"Anne, okay ka na?" tanong ni Tyler, inabangan talaga nila ako sa lobby ng school. Nakakahiya. Andaming tao.  ANg lakas-lakas pa ng boses niya. 

"Okay lang ako. Sadyang nagulat lang ata ako sa nangyari kagabe." sagot ko. At naglalakad na kami sa hallway, pupunta lang ako sa locker ko.  

"Ganon. Nga pala, mamaya pala, magkakaroon ng dance lessons at kelangan ng mga partners from boy's school!!!" kinikilig na sabi ni Lyn.

"Oh snap." sabi ko ng may magsilaglagan na papel sa locker ko. Puro flyers para sa mga student council achuchu. 

"Anne, wag mong sabihin na wala kang gana sumama sa dance lessons natin? May points din yun. Lalo na sa MAPEH.'' sabi ni Tyler at sumandal sa katabi kong locker at ako naman pinulot yung mga naglaglagang flyers.

"Ewan ko lang talaga." sagot ko at tumayo ulit. Naeewan ako eversince kagabi. Halos hindi nga ako makatulog e.

"Please Anne! Sumama ka na! After class pa naman yun e." sabi ni Lyn. Na kumakain naman ngayon ng chichirya. Ang aga-aga yan na agad ang tinitira.

"Try ko lang." sabi ko at nag-fake ng smile. Kinuha ko na yung libro ko from 1st to 3rd sub. Ayoko na kasing lumabas-labas pa mamaya.

"Anjan ka na naman sa try e! Um-oo ka na lang kasi!" sabi ni Tyler. Si Tyler talaga kahit kelan mapilit!!!

"Sige na nga." sabi ko at sinara na yung locker ko.  "Yey!" sigaw ng dalawa at nag-high five pa. Napa-iling na lang ako, para talaga silang bata. 

"Anne. . ." yung boses na yun. 

"Ate, ate max." sabi ko parang gusto ko ng magpalamon sa lupa sa sobrang hiya!!!

"Anne, galit ka ba sa aken?" tanong niya. "Hala, hindi ate. Nabigla lang talaga ako kagabi, dun ko lang kasi nalaman na kapatid ka pala niya." sabi ko at yumuko sa sobrang hiya. 

"Ganun, don't worry. Hindi naman kakalat yan dito e. Marami lang talagang fan girls dito si Elmo." sabi ni ate Max. "Ah. Ganon ba ate. Sige una na kami ha." sabi ko. At ngumiti at tumalikod sabay hila kay Tyler at Lyn.

"Anne, uhmm. Mamaya ha. May dance lesson. Punta ka ha. I'm sure, matutuwa ka, marami ka ding makikilalang kaibigan dun." sabi ni ate Max at ngumiti. Nginitian ko rin siya at pumasok na sa klase. 

Habang nagle-lecture si ma'am, nagsusulat naman ako ng notes, mahilig kasi mag pop quiz si ma'am kaya kelangan review review den.

"Psst." tawag sakin ni Tyler. Tinignan ko siya atmay inabot siyang papel sa akin. Uso pa pala yung ganito sa school pag may klase. Haha. Joke. 

"Ano to?" bulong ko at binuklat yung paper, naka-crumpled kasi e. 

Just One More KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon