Habang naglalakad pauwi sa aming bahay galing sa paaralan ay hindi ko maiwasang marinig ang mga bulong-bulungan ng mga kapwa ko studyante.
'Pangit
'mangkukulam
'Werdo
'nerd lait ng mga klasmet kong nakatingin sa akin kaya imbis lulugo at yuyuko nalang ako ay hindi ko ginawa..mas inangat ko ang Aking paningin diretso sa aming tahanan.. May kunting awa man sa aking sarili ay pilit kong binaliwala ito ayaw ko ding magsisi kong bakit hindi ako nagpahatid sa aming driver may kaya naman ang pamilya ko kaya nakapag aral ako sa magandang paaralan malapit na akong makapagtapos ng pag aaral kaya ganoon nalang ang galak ng aking mga magulang kahit nag iisang anak ay hindi nila pinaramdam nag iisa ako at enispoiled natutunan ko ang lahat ng bagay o gawain sa loob ng bahay."Ara anak! Dumating kana pala!"bati ni ina sa akin at biniso ako habang nagmano ako sa kanya ganyan ako ka bait? haha masunuring anak ika nga ng iba naming kapitbahay kaya galit yong mga anak nila sa akin kaya lagi akong binubully sa school nagkataon kasing magkaklase kami.
By the way kanina pa ako nagsalaysay sa aking buhay at hindi pa ako nagpakilala ako pala si Ara Manolo ang solong anak nina inang Elena at amang Ramon.
Hindi naman totally ako isang nerd talaga pero naging ganito ako nong nawalan ako ng isang kaibigan nawala nalang siyang bigla dahil sa pangulila ko sa kanya ginagaya ko ang ayos niya kaya tuloy ako ang nagdurusa sa pangungutya ng aking mga kapwa mag aaral. Minsan pinagsabihan ako ng mga magulang ko sa pagbabago sa ayos ko pero alam naman nila kong gaano ako nasaktan na nawala bigla ang nag iisa kong kaibigan."Anong balak mo sa darating na sembreak anak"tanong ni ama sa akin. Kaya napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at napatingin sa kanya.
"Oo nga anak sembreak niyo na sa sunod na week at malapit kana ding magtatapos anak" nakangiting ani ni ina kaya napa ngiti din ako sa kanila.
"Naisipan ko pong mag bakasyon kaya tayo sa baryo niyo ama" sambit ko sa kanya.. Ngunit ganoon nalang ang aking pagkatulala na ni minsan hindi ako pinagtaasan ng boses ni ama kaya inawat ito ni ina.
"tama na Ramon huminahon ka lang!"ani ni ina.
"Pero hindi! Gusto ko lang sabihin sa anak mo na huwag na huwag siyang magbabakasyon sa baryo at lalong pupunta doon..hilingin niyang kahit saan magbakasyon huwag lang sa baryo namin!"wika ni ama na seryosong seryoso.
Kaya dali dali kong tinapos ang aking pagkain at umalis agad papuntang kwarto na hindi na nagpapa alam sa kanila.
BINABASA MO ANG
Ang Dayo sa Baryo
AdventureAno ang gagawin mo kong napadpad ka sa isang baryo na ipinagbawal sayo! At matutuklasan ang natatanging Sekreto nito. Kasabay sa pagtuklas sa iyong buong pagkatao Matatanggap mo ba o hahayaan nalang.