4

184 12 0
                                    

"Iha"tawag sa akin ni lola Aning ng pababa na ako ng sala.

"Bakit po la"ani ko pagka lapit ko sa kanya.

"May ibibigay ako sayo"sagot nito sabay pakita sa isang kwentas at isang singsing na kulay ginto at may bato na red ang singsing at pendant.

"Para po saan ito la at sayo po ito e"wika ko. Ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

"Iha Ara alam ko panahon na upang ibigay ko sa iyo ito at sayo naman talaga ito kahit anong mangyayari huwag na huwag mo yan ihiwalay sa katawan mo"sagot nito na napakunot noo sa akin hindi lingid sa akin na si lola isang manggamot ng mga may karamdaman lalo ng naengkanto daw.

Mula noong bata ako minulat na ako nila lola sa mga paniniwala kaya naniniwala ako sa mga kasibahan e. Wala namang mawawala kong maniniwala minsan doon tayo gumagaling sa ating nararamdaman sa ating paniniwala at nagtitiwala tayo lalo na sa may Likha.

Sinuot ko ang bigay ni lola parang pakiramdam ko magaan ang katawan ko yong wala kang inisip parang wala kang aalalahanin.

"O yan bagay na bagay sayo apo! Ang ganda ganda mo pa tanggalin mo yang salamin mo "wika niya sa akin napa ngiti lang ako haha ok naman tong salamin ko ah cool nga eh habang suot ko ang butas butas na pantalong itim..uy..wag kayong ano ha baka masabi nyong...ay ang yaman yaman ko ngunit hindi ako nakabili ng damit ito na kasi ang USO ngayon eh.nakajacket ako ng brown na pinaluoban ng T-shirt na v-neck na hapit sa katawan at nakabunit ang ulo yong parang nasa Iceland ako na gininaw at nakabunit ang ulo.
Nakaboots ako ng magaan na walang takong yong pakiramdam Kong wala akong tsinilas haha...baliw ko noh..
Akala nito seryoso ako hindi ah

Nagpaapaalam na ako kay lola at deretso sa may garahe tiningnan ko ang motorbike ko...oo marunong ako nito ginagamit ko ito tuwing wala akong pasok e nakasakay na nga si Jessie dito.

Pinaandar ko ito at sumibad papunta kina Nicole nakita ko silang may inaantay. Nong nakita ako ni Alden ay bigla itong lumapit kasunod si Nicole
"Buti sumama ka"masayang wika ni Alden
Ngiti lang ang tanging tugon ko at napatingin kay Nicole pero kita kong umiwas agad ito ng tingin sa akin
Ano kayang nangyayari don!

"Guys! Sa motorbike nalang ako bigyan niyo ako ng mapa para makasunod ako"wika ko sa kanila at pasimpling tumapik sa van ni Alden.

"Sige"sabi ni Alden at binigay niya sa akin ang mapa o diriksyon.

NAsa kahabaan kami ng byahe mga alas 3:50 pm nang dumating kami sa isang bayan at tumigil sila sa isang kainan at bumili ng mga pagkain pati pagpakarga ng gas kaya nagpakArga na din ako.

"Saan ba kayo pupunta mga bata"wika ng may ari sa kainan.

"Sa katipunan po manang magbabakasyon po kami doon sa kaibigan ko po"wika ni Nicole. Bigla nalang natigilan ang ginang.

"Abay mag iingat kayo doon kong ganoon mga dayo pa naman kayo"wika nito na nag papakunot noo ko.

"Anong nais mong ipahiwatig manang"malumanay kong bigkas sa kanya at napakunot noo siyang tumingin sa akin.
" may mga kababalaghan ang nangyayari doon na hindi maipaliwanag sa kabilang baryo ng katipunan sinong pumasok doon ay hindi na nakabalik"malungkot nitong sabi.

"Bakit po"wika ko sabay hawak sa kanyang kamay.

"Wala mga iha at iho mag iingat nalang kayo "ani nito at inabala na ang sarili.

Ang Dayo sa Baryo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon